Part 3

435 1 0
                                    

Araw na lang ang binibilang bago ang kasal ni Rudy at ni Tisay pero 

hindi mapakali si Tisay. Hindi kasi siya dinatnan nung huling buwan at 

nagsisimula siyang makaramdam ng hilo at parang nasusuka 

paminsan-minsan. Nagwo-worry si Tisay kaya't nagdecide na ito na bumili 

na ng eva test para malaman kung buntis ba siya talaga. Ngunit lingid 

sa kaalaman ni Tisay ay namumrublema din ngayon si Rudy. Alam ni Rudy 

na si Ellen ay hindi rin dinatnan at natatakot siya na buntis itong si 

Ellen ngayon pa kung kelan malapit na ang kasal nila ni Tisay. Katulad 

ng nararamdaman ni Tisay, si Ellen ay madalas ding naduduwal at 

nahihilo kaya't nagdecide na rin ito na bumili ng eva test.

Halos bagsakan ng langit ang dalawa nang malaman ang katotohanan. One 

month pregnant nga sila. Nagsisisi ang dalawa dahil nagpadala sila sa 

kamunduhan. Hindi bale sana kung ang nakabuntis sa kanila ay ang 

kani-kanilang mga boyfriends, kaso si Kiko na kaibigan ni Tisay at Rudy 

ang nakabuntis kay Tisay at si Rudy naman na kaibigan ng mag-syotang 

Kiko at Ellen ang nakabuntis kay Ellen. Tinawagan ng dalawa ang mga ama 

ng dinadala nila para iparating ang hindi magandang balita. Pero sa 

halip na matakot ay natuwa pa itong si Kiko at niyakap pa si Tisay. 

Halos ganun din ang nangyari kina Rudy at Ellen. Hindi maintindihan ni 

Rudy ang saya na naramdaman niya ng ibalita ni Ellen kay Rudy na buntis 

ito. Sa isang sandali ay nawala lahat ng takot na nararamdaman ni Rudy 

habang si Ellen naman ay takot na takot.

"Ano ang gagawin natin ngayon?" sabi ni Ellen na humihikbi.

Niyakap ni Rudy si Ellen. "Alam mo nakakapagtaka pero, masaya ako sa 

balita mo."

"Masaya? Rudy, ikakasal ka na kay Tisay." sabi ni Ellen. "Siya ang 

girlfriend mo hindi ako."

"Alam ko." sabi ni Rudy na nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip. 

"Meron akong plano pero bago ko sabihin ito sa iyo sagutin mo muna ang 

tanong ko.... mahal mo ba ako?"

Nagpako ang kanilang mga mata. Maya-maya'y umiling si Ellen. Hinaplos 

ni Rudy ang buhok ng dalaga. "Ganun din ako. Mahal ko si Tisay. Pero 

kung magpapakasal naman kami ngayon, baka hindi ko masuportahan ang 

bata."

"Ano ang balak mo?" tanong ni Ellen.

Sa kabilang dako naman ay nagkita itong si Kiko at Tisay kung saan 

sinabi ni Tisay na si Kiko ang ama ng pinagbubuntis nito.

"Talaga?" sambit ni Kiko na tuwang tuwa.

"Natutuwa ka pa diyan samantalang halos mamatay na ako sa takot." sabi 

naman ni Tisay.

"Tisay, pananagutan ko ang bata. Pakasalan mo ako." sabi ni Kiko na 

lumuhod pa sa paanan ng dalaga.

Si Kiko at si Tisay :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon