Wakas

35 1 0
                                    

Sorry if there are incorrect spellings, incorrect grammars or hindi talaga nai-edit ng maayos. I'm sorry.
This is the last part. Next is Epilogue.

Wakas

Three days of recovering in the hospital and now we are finally going home. Nasa labas si Matthew at inaasikaso ang mga kailangan para tuloy tuloy ang pag labas ko dito mamaya.

Kahapon ay pumunta pa kami ni Marigold sa kuwarto kung saan nandoon si MaryJane. Thank God at maayos na ang lagay niya ngunit kailangan pa niyang manatili doon ng ilang araw.

That's okay. Silver is there, and it's a hundred percent for sure, she's well taken care of.

Ako naman ay handa na. Tatlong araw na ring binabantayan nila Jace ang lugar kung saan nagtatago si Simon at Alexa.

They updated us, time to time. As of now...wala namang kakahina-hinala sa kinikilos ng dalawang dating kaibigan.

"Kailangan ba talaga na kasama ka para mahuli si Simon?" Humarap ako kay Matthew.

Nasa mukha pa rin nito ang hindi pag sang ayon sa plano.

Lumapit ako sa kanya. "Kailangan." Iyon lang ang tangi kong naisagot.

Tumalikod ito at nagkunwaring inaayos ang hindi gaanong kalakihang bag, na dinala niya dito noon. Mga araw na nagpapagaling pa ako.

Sumunod ako "Matthew...."

"I know, I know, kailangan kong pumayag dahil kung hindi lalo lang magtatagal." Pagsuko nito.

"Ayoko ring gawin 'to pero walang ibang paraan. Alam ko na kapag ginawa ko ito, matatahimik na tayo. Malalaman ko na rin ang totoo."

Sa huli at katulad ng dati ay wala itong isinagot sa akin pabalik. He just hugged me and kissed me on the top of my hair.

Bago kami dumaan sa bahay ay dumaan muna kami sa bahay nila mommyn doon na rin kami nag tanghalian. Sa hapag ay kapareho ang sentimyento ni mommy kay Matthew. Nagpapahiwatig na hindi na lang ako sasama sa operasyon nila Jace para mahuli si Simon.

"Mom, Dad...I can do this. I'll be safe." I assured to them.

"I will let you safe." Seryosong tingin at salita naman ni Matthew.

I held his hand and gave him a tight smile.

Mahigpit ang yakap ni mommy sa amin bago kami umalis ng bahay.

"Please be careful. Dalasan niyo ang pagpunta dito sa bahay, Matthew." Bilin pa ni mommy.

Matthew kissed my mother on the cheeks. "Yes mom. Be careful also." Sagot nito.

Sa sasakyan ay pareho kaming tahimik ni Matthew. Jace already instructed me that we need two days bago puntahan sila Simon. May anggulo pa kasi itong tinitingnan.

"Something is wrong. At sigurado ako. Hindi ko palang alam kung ano 'yon. But don't worry....I'll dig more." Sabi pa nito sa amin.

Ako naman ay matiyaga lang na nag iintay. I ready myself, too because compared before...it's riskier now.

"Ma'am Amethyst, excuse me po." Natigil ako sa paghahalo ng ulam ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Karen.

"Bakit Karen?"

Nang humarap ako sa kanya ay may dala-dala itong isang katamtamang laki na lumang kulay brown na box.

"Itatanong ko lang po sana kung itatabi pa po ba ito o tatapon na? Maaga po kasi ang hakot ng basura bukas, mahabol ko po sana ito." Magalang na tanong nito sa akin.

Tuluyan ko ng inilapag sa ibabaw ng platito ang sandok na ginagamit at tiningnan na rin ang mga gamit na nasa loob ng box.

"Sa aking gamit 'to?" Tanong ko. Maingat na nilapag naman nito sa sahig para makita ko.

Memories Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon