'Espren, bes, beshywap, cyst, BFF, bitch friend o kahit ano pang tawag mo sa taong itinuturing mong kaibigan, may gan'yan ako, ang kaso, hindi lang hanggang do'n ang turing ko sa kan'ya.
Si Yazzil Pine, ilang taon na rin kaming magkaibigan, sa sobrang malapit naming dalawa, pati amoy ng utot ng isa't-isa, alam na alam namin.
Okay na 'ko sa gano'n... no'ng una. Pero 'nak nampusa! Na-inlike ako sa kan'ya, may salita bang gano'n? A basta, may gano'n man o wala, lanakompake. Hindi naman kami, e. One-sided, unrequited, M.U gano'n! Mag-isang umaasa, hays.
"Gorgeous, tara na!" uh-oh! Huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti bago hamarap sa kan'ya.
"Sige, okay. Tara na," tumayo ako mula sa bench na nakalagay sa tapat ng bahay namin. Dinadaanan n'ya 'ko sa 'min bago kami sabay maglakad papuntang school.
"Akin na 'yang bag mo," sinubukan n'yang kunin ang backpack ko pero iniwas ko 'yon para hindi n'ya makuha. Lagi naman n'yang ginagawa 'yon, at pumapayag ako, pero hindi na ngayon. Pagod na 'kong umasa, okay? Lalo na't alam ko namang ginagawa n'ya lang 'yon dahil 'magkaibigan' kami.
"Huwag na, 'Zil. Kaya ko naman," binilisan ko ang lakad ko pero narinig kong bumilis din ang mga yabag n'ya at inakbayan n'ya 'ko.
"Mainit," hinawi ko ang kamay n'yang nasa balikat ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Taeng shit naman, o! Dapat pala nauna na 'kong umalis kanina pa.
"Hey! May problema ba?" Dinig-dinig ko sa boses n'ya ang confusion dahil sa inaasal ko.
"Wala, okay? Dalian na lang natin maglakad, baka ma-late pa tayo," nauna na s'yang maglakad at akala ko iiwan n'ya na 'ko pero bigla s'yang huminto sa harap ko saka ako kinausap. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mata namin.
"Christine, tell me. Anong problema? May umaway ba sa 'yo? Sabihin mo sa 'kin, patatalsikin natin papuntang Ceres," kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi n'ya. How dare he?! Pa'no n'ya nagagawang mag-alala nang gano'n?! Bakit n'ya 'ko pinapaasa?!
"Pwede ba, Yazzil?! Wala nga, okay? Nakakainis ka na, a? Kapag tayo na-late dahil sa 'yo! Bwisit!" Gumuhit ang sakit sa mukha n'ya and somehow, I felt guilty.
What the heck? What in the name of bestfriends are you doing, 'Tin?! Gan'yan ka na ba ka-immature para awayin s'ya nang walang dahilan? Dahil lang pakiramdam mo e pinapaasa ka n'ya? Istupida!
"Okay, sorry," alanganin s'yang ngumiti at saka bumalik sa gilid ko, this time, nag-iwan s'ya ng distansya sa pagitan namin.
Huminga ako nang malalim and mentally facepalmed dahil sa kagagahan ko. Seriously, 'Tin?!
"O!" Saad ko bago inabot ang bag ko sa kan'ya. "Sorry, 'Zil. Medyo..." Nag-isip pa 'ko ng magandang dahilan para i-justify ang inasal ko. "Medyo masama lang gising ko."
"Okay lang, I understand. Tara na," nauna s'yang naglakad at naiwan ako, sinisisi ang sarili dahil sa nagawa ko.
Nakarating kami sa school nang hindi kami nag-uusap. Pero maya't-maya e lumilingon s'ya pabalik na para bang chine-check kung nasa likod pa n'ya 'ko. At sa mga gano'ng pagkakataon, ngumingiti ako sa kan'ya, hoping na kausapin n'ya na 'ko.
Pagkapasok sa classroom, dumeretso s'ya sa upuan ko at saka nilagay ang bag. Akala ko, uupo s'ya sa tabi ko pero bigla s'yang umalis at umupo sa hanay ng mga kalalakihan sa likod.
Huminga ako nang malalim bago umupo at humalukipkip sa desk.
"Hoy, bakla! 'Nue drama mo?!" Narinig ko ang matinis at nakakainis na boses ni Kikay, tiningnan ko s'ya nang masama. Palibhasa may lovelife na, e.
YOU ARE READING
Threshold
Short StoryIf you're inlike with your friend, read this, and together, let's weep.