Chapter 2- Kay Tagal Kitang Hinintay

117 4 1
                                    

"Ganda mo pala"

   Napatigil sya at halatang nabigla. Naku lagot, bat ko ba kasi nasabi yun. Tumawa na lang ako at sinabing.

"Naniwala ka namn".

_______________________________________________________

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!"

     Tumayo sya at nagsimulang habulin ako. Halos maikot namin ang buong sala sa paghahabulan. Para kaming mga batang walang paki-alam sa mga nakapaligid samin. Habang nahahabulan kami nadulas ako sa carpet at napahiga sa sahig. Si Ish naman ay napatid ng mga paa ko at napadapa sa ibabaw ko.

________________________________________________________

      Natitigan ko sya ng malapitan. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Napakaganda nya talaga, kahit nakakunot ang noo at nakanguso dahil sa sobrang galit. Nagtagal yon ng mga 5 minuto. Bigla na lang nawala ang kunot nya sa ulo at natauhan (na mas nagpaganda sa kanya). Bigla syang tumayo at nag ayos ng sarili.

"Uhmm. Sorry ha. Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman, kaw nasaktan ka ba?"

"Di, den.uhmm ayusin ko lang tong pinagkainan natin"

"Geh alis na din ako"

"Ok, Bukas na lang"

     Lumabas na ako at umuwi na samin. Habang naglalakad d mawala sa isip ko ang mukha nya. Yung unti unting nawawala ang kunot nya sa noo. Napakaganda nya. Ngayon lang ako nakadama nito. Crush ko na ata sya. Halos puro lalaki kasi lagi kong kasama nung elem. at ngayong highschool. Ngayon lang ako sumama sa isang babae ng ganitong katagal. 

     Nung gabi din un hindi ako makatulog at inisip ko lang ang mukha nya, nakalutang sa may kisame na para bang may poster na nakadikit na dun. Buti na lang dumating si mama at pinaalalang may audition nga pala kami bukas kaya natulog na ko.

___________________________________________________________

    Maaga akong nagising kinabukasan. Di din kasi ako nakatulog ng maayos. Naghanda ako ng sarili at pumunta na kina Ish para sunduin sya.

"Uy! Ok ka na ba?"

"Oo! wait lang mag aayos lang ako ng konti, intay ka lang dyan sa sala."

    Matapos ang ilang minuto ay lumabas na sya. Naka pink na dress at naka pony tail na buhok. Napakaganda nya talaga. Kahit pulbo lang ang make up nya walang mas gaganda pa sa kanya. Bakit nga ba ngayon ko lang sya nakita? Magkaklase naman kami. Ewan, basta ang importante nakilala ko na sya at d na malilimutan pa. Sumakay na kami sa Van namin at pumunta sa audition.

_____________________________________________________________

(After 2 hours)

"Uy sunod na tayo! Ready ka na ba?"

"OO naman, Saulo mo na ba ung kakantahin natin?"

"Oo, ako pa!"

"Number 0427 sunod na!"

 "Ok tayo na!"

(ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)

"Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y

Maghahasik ng kaligayahan

Bitawan mong unang salita

Ako ay handa ng tumapak sa lupa"

"Tapos na ang paghihintay nandito ka na

Oras ay naiinip magdahandahan

Sinasamsam bawat gunita

Na para bang tayo'y di na tatanda"

"Ligaya mo'y nasa huli

Sambitla ng 'yong mga labi"

"Parang isang panaginip

Ang muling mapagbigyan

Na tayo'y muling magkasama

Ang dati ay baliwala"

(ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)

"Nagkita rin ang ating landas wala nang iba

Akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan

Mundo ko ay iyong niyanig

Oh anong ligayang ika'y sumama sa akin

Nais ko nang humimbing

Sa saliw ng iyong tinig"

"Parang isang panaginip

Ang muling mapagbigyan

Na tayo'y muling magkasama

Ang dati ay baliwala

Panatag na'ng kalooban ko

At ika'y kapiling ko na

Oh kay tagal kitang hinintay"

(ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)

      Sabay kaming yumuko at nagpalak- pakan ang mga tao. Pinababa muna kami ng stage at sinabihang intayin ang resulta. Kumain muna kami ng tanghalian sa isang Fast Food chain sa may gilid ng pinag-aauditionan namin. Pagkabalik namin ay saktong tapos na ang auditions at sasabihin na ang mga pasok. Hinawakan ni Ish ang kamay ko dahil sa kaba. Tiningnan ko agad ang mukha ko sa salamin na pinto ng audition room at sinigurading hindi ito namumula. Natigilan ako at d ko alam ang gagawin ko.

" Ok ito po ung mga pumasok at babalik para sa audition w/ the mentors. 0912, 1241, 0345, 0123, 1921, 0847, 0212, 0931, 0122, 0312, 0881, 0214, 0912, at 0427."

" Uy Rain! Pasok tayo! Bat ka ba tulala dyan"

"Ang higpit kasi ng hawak mo sa kamay ko. Ayan namumula na oh"

"Sus! d naman eh tara celebrate tayo sa bahay."

____________________________________________________________

   Nagpunta kami sa bahay nila at nagcelebrate. Halos lahat ng kaibigan ni Ish ay nandun. D namn ako mapakali at umupo na lang sa pinaka sulok ng bahay nila. Nang bigla nya ko ng lapitan at tabihan.

"Ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah"

"Uhmm. Oo , ok lang ako."

"Sure ka?"

"Uhmm. Ish may sasabihin sana ako eh"

....................... TBC (ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)(ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)(ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ ȴ)

My Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon