Collide

3 0 0
                                    

Chapter 1 : Sungit

Ilang linggo na ang nakalipas nung nagsimula ang first year second semester at hanggang ngayon pilit ko pa ring kinakaladkad ang sarili ko na pumasok sa mga subject ko araw-araw. At ngayon nga ay isang araw na naman ng isang boung lecture at daldalan ang sasalubong sa akin. Medyo nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko kaya heto na. Hi ako nga pala sa Zhaneciele, isang second year Pharmacy student sa isang prestiryosong unibersidad dito sa Maynila. Aba hindi yata madali ang kinuha kong kurso at halos mamatay ako sa kakaaral. Pumasok ako ng classroom namin na walang buhay, tumabi agad ako kay Ann yung bestfriend kong ang tahimik super! Sa akin lang naman siguro yun nakikipag usap ng sobra.

“Oy” Pagkuha ko ng atensyon niya.

“Zhaney, Andito ko na pala. O anong nangyari sayo at parang walang kabuluhan yang mukha mo?”

“Wala ang aga ba naman ng class natin. 7:30 araw-araw! Nako na man! Sinong hindi tatamarin dun.”

Oo 7:30 everyday ang class ko at mag e-end ng 6 pero may break na man sa kalagitnaan. Okay nalang din iyon.

Nagdaldalan kami hanggang pumasok ang isang nilalang na hindi namin kilala. Oo hindi namin kilala dahil block section kami at parang hindi naman nila kami hinhaloan ng ibang student sa ibang course at irregular students ang klase namin. Well, hindi ko nalang pinansin pero ang mga kaklase kong iba hala kung makatili lang talaga wagas daig pa ang may concert. Hindi ka naman magtataka dahil aaminin ko may itsura na man talaga ang lalaking to. Unang tingin pa lang artistahin na ang peg at tantya ko mayaman ata ito. Umupo na man siya sa bakanteng upuan sa likod.

“Andyan na si Ma’am!” Sigaw ni Jonathan, ang classmate kong maka asar daig pa si Vice.

Agad akong bumalik sa upuan ko, may sitting arrangement kami. Terror pa na man tong teacher namin sa Biochemistry.

“Good Morning, class. I see a new student here. And you are Mr?” tanong niya sa naliligaw atang nilalang.

“Pharmacy student po ako Ma’am. Dito po ang block ko. I was not able to attend class these past few days because my flight was delayed in LA. My apologies po. Nagpunta na din po ako sa department.” Pagsagot niya.

“Okay. That seems nice of you to tell me you’re reason before your name.”

Pinilit kong pigilan ang tawa ko. Ayan kasi pinapangunahan si Ma’am, unahin pa na man ang rason nya bago pangalan niya. Haha.

“Sorry Ma’am. Nga pala I’m Alberto Lopez.”

“Okay Mr. Lopez, you can sit beside this lady here.”

Ako ba ang tinutukoy ni Ma’am. Wow na lang talaga ha at dito pa niya pinatabi to. Hindi naman sa nagiinarte ako pero wala akong makakadaldalan nito at makokopyahan kung maari. Umupo siya sa tabi ko at ngumisi na man ako sa kanya, naalala ko ang manners ko kaya ginawa ko yun. Aba at tiningnan lang ako at tumingin na kay Ms. na nagsisimula na sa lecture namin.

“Ano ba yan, sungit!” pabulong kong sabi. Buti na lang at hindi matalas ang pandinig nito at wala siyang binigay na reaksyon.

Natapos ang klase namin at break na, natambay lang kami ni Ann sa classroom at nagpa aircon ng saglit. Ang init kasi sa labas. Ang iba ko namang mga classmate ayon at iniinterview ang bagong nilalang sa room namin ng kung ano-ano at napag-alaman naming mayaman pala talaga siya at owner ng isang shipping line at isang kompanya dito sa Pilipinas. Model din pala siya kaya naman pala kung mka tili ang mga kaklase ko wagas, I don’t watch television that much that’s why I don’t have any slightest idea sino siya. Nahiya na man ako sa kanya. Hindi naman sa naki usyoso ako narinig ko lang ang ibang kaklase ko.

Lumipas ang ilang mga araw at parang wala lang akong katabi dahil hindi na man siya nagsasalita at hindi rin naman niya ako kinakausap. May naging group of friends naman siya sa room namin at sila lang ang lagi niyang kinakausap. Napansin ko lang na hindi palangiti itong taong ito para mukha namang mabait pero medyo masungit din. Ah ewan ko ba pakialam ko ba sa kanya. Makapag-aral na nga.

“Hey you busy?” Tanong ni Shane. Isa rin siya sa mga close ko sa block namin.

Eto na naman itong babaeng to na panay maka English sa akin. Kasi naman ako lang ang may ganang makipag inglisan sa kanya para na man mahasa ako sa English. Oh diba sulit na rin.

“Oh hey nope. Not at all, bakit?”

 “I’m bored! 4 hours ang break natin and its so hot to go out of the room. Do you plan to just sit here missy?”

Napaisip ako dun ah. 4 hours nga pala ang break namin kasi nagbilin ang teacher namin sa PE na wala muna kaming klase ngayon dahil hindi pa final kung sya ba magiging teacher namin.

“I guess, not one of them naman sa classmates natin ang lumalabas. I think they find it really hot outside besides what do you want to do with the 4 hour break?” Tanong ko sa kanya.

“Hmmmm Mall tayo!”

Aba at may gana pa siyang mag mall. Pagod na nga ako ang layo pa ng mall sa school namin. Sabagay she has a car naman and makikisakay lang naman din ako pero yun nga eh nakakapagod magikot sa mall kasama si Shane kasi halos lahat ng stores pinupuntahan niya idagdag mo pa ang lahat ng makikita niyang maganda binibili niya agad pati ako dinamay na niya at binibilhan niya rin ako kahit hindi ko na man kailangan.

“Ayoko,” Sagot ko sa kanya

“Why? Promise. You’ll just sit and I’ll do the shopping. Just come with me please.”

“Wait. Why are you shopping? Are you out of clothes already. We don’t even wear civilian Shaney and tsaka ano ba yan andami mo nang damit ha.” Paglelecture ko sa kanya.

“Hay sige as a suhol, I’ll buy you you’re ever precious EXO album. Deal?” Ayan na naman ginagamit na naman niya ang kahinaan ko. Yang kpop talagang yan nakaka distract at nakaka blackmail ng tao.

Kasi na man halos lahat ng Kpop album ko siya ang bumubili pang suhol niya sa akin tuwing nagsashopping siya, ako lang kasi ang nakakatiis sa addiction niya. Alam niyo kasi second year high school pa lang ako kpopper na talaga ako. Tawag ng mga classmate ko sa akin. Hindi na man ako katulad ng iba na adik na adik yung katamtaman lang. Tumitili din paminsan minsan at nagpafangirl din naman. Yun lang busy kasi sa pag-aaral kaya ayan. Marami kaming kpopper sa mundo kaya laking gulat ko na wala ni isa ang nakakasundo ko sa mga kaklase ko. Ewan ko ba mostly kasi sa mga kaklase ko matatalino at libro lang ang palaging bitbit nila. Syempre may iba rin naman sa klase namin ang medyo katulad ko din na gumagala ang pag-iisip paminsan minsan at parang engot.

“Okay okay fine! I’ll come with you. You buy me that album, that’s our deal. Hindi na ako mahihiya sayo. As if you’re not my album provider.” Tumawa nalang ako.

“Yey! You’re the best. I’ll get my car and you keep your stuffs darling.” At maligayang umalis si Shane. Abot tenga ang ngiti.

And yes! Sa wakas magkakaroon na din ako ng latest album ng EXO na matagal ko nang pinapangarap actually last week lang.

At ngayon nandito kami sa mall at halos matanggal na ang mga paa ko sa kakalakad. Natapos rin sya sa pamimili at sa wakas andyan na at nakuha ko na rin ang pinaka aasam kong album. Masaya ako umuwi sa bahay namin at pinakinggan lang ang mga kanta na nakapaloob sa album nang biglang may nag text sa akin.

Unknown Number: Ano nga yong assignment natin sa Biochemistry?

At eto na man si ako na walang malay kung sino ang nag text. Sure ako na classmate ko to. Hindi ko lang na save ang number kaya nag reply naman ako.

Ako: Different Metabollic Pathways. Teka sino to?

At hindi na nag reply. Bahala na nga kung sino yun. I washed up nalang at nag study para sa quiz namin tomorrow, mabagsak pa ako mahirap na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CollideWhere stories live. Discover now