Hi! Ako si Jenine Dee. 2nd year high school student. Crush/Mahal ko si Jess Kariktan. Yung heartrob samen. Sa lahat ng babae sa school, ako nalang yata ang hindi niya nililigawan.
Pagpasok ko sa school nung umaga, SHOCKS!! Andun siya. Kausap yung bago niyang nililigawan. As usual, ako, ignore lang. Kadalasan kasi late siya pumasok. Ewan ko kung bakit maaga siya ngayon.
Naisip ko, kelan kaya niya ako magugustuhan? Kelan kaya dadating yung araw na ako naman?
Nung English class namin, pinalipat siya... Sa tabi ko..
Una, hiniraman niya ako ng ballpen tapos nangungulit na siya.
"Ano gawa mo mamayang lunch?" Bigla niyang tanong sakin.
"Ako? Wala naman. Bakit?" Sagot ko sakanya.
"Pwde paturo sa Algebra?" Tanong niya ulit.
"Why not?" Nagulat ako sa tanong niya! Pero kinilig ako!!
LUNCH TIME!~~
"Jenine! Pwde patulong na?" Sigaw niya.
"OO!"
Habang tinuturuan ko siya napansin ko na nakatitig lang siya sakin.
Bigla siyang nagsalita, "Jenine, ang ganda mo. Pwdeng manligaw?"
"Pwde. Pero, ayokong sabihing choosy ako, pero mahirap kasi ako suyuin eh.."
"Hayaan mo, kahit ano, gagawin ko."
Pagpasok ko nung umaga, may nakapatong na rose sa table ko. May note, "Sa lahat ng niligawan ko, Jenine, sayo lang ako nagseryoso."
Ilang buwan ding ganun yung ginagawa niya, siguro 5 months din yun, bago niya ako napasagot. Simula nun, araw-araw ko na siyang kasabay umuwi. Unti-unting lumalim yung pagmamahal ko sakanya. Pero siya, unti-unting nanlamig.
"Ok ka lang ba?" Tanong ko sakanya. Mejo nainis siya sa tanong ko, "Oo, pwde ba? Wag kang makulit." Hindi siya ganyan makipag-usap sakin dati. Unti-unti ko na ring napansing may nagbabago na.
"Baby, sabay tayo?" Sinusubukan ko siyang lambingin. "Ayoko. Busy pa ako." Mejo nasaktan ako sa sagot niya. Never niyang sinabi yan sakin. "Sige. Bye." Yan nalang nasabi ko. Sinubukan kong magpamiss.. pero parang walang epekto..
Pagpasok ko sa school, nagulat ako sa nakita ko.. Si Mau, yung bestfriend ko, kahalikan ni Jess. Hindi ko napigilan luha ko.. Yung tipong blur na paningin ko. Napaupo ako. Ang nasabi ko lang, "Bakit? Bakit bestfriend ko pa?" Hindi ko mapigilan yung iyak ko. Hanggang sa nawalan ako ng malay..
Pagkagising ko, katabi ko yung kuya ko sa clinic. "Ano nangyari sayo? Tinawag nila ako sa room kasi nahimatay ka daw."
Sinabi ko ng umiiyak,"Kuya, si Jess kasi.. Pagpasok ko kanina sa room, kahalikan ni Jess si ... " Napasigaw si Kuya, "Sino?!" Sagot ko lang sakanya, "Si Mau.." Napaiyak ako.....
=============================================================
May Part 2 pa po yan!!! :)))
