Ako si David Anthony Dee. David nalang. Step brother ako ni Jenine. Ever since nung nagsama yung parents namin, gusto ko na talaga siya. Sa totoo lang, mahal ko na ata eh. Ay, oo nga. Mahal ko na.
Gusto kong malaman niya, pero natatakot ako. Natatakot na, may mahal siyang iba. At oo, meron nga. Si Jess.
Nung malaman ko yung nangyari, at nakita ko siyang umiiyak, nadurog ako. Gusto kong patayin si Jess. Sana ako nalang. Ako nalang minahal niya. Bakit kasi si Jess pa? Bakit siya pa?
"Kuya, chill ka lang."
Yan ang narinig ko sakanya..
Ayoko ng magreact that moment, gusto ko ng sugurin si Jess. Hindi ko napigilan damdamin ko, tumakbo ako. Naramdaman kong may luhang pumatak galing sa mata ko. Nung nakarating ako sa rooftop sumigaw ako ng malakas..
"Jenine! Bakit kasi siya pa?! Mahal kita! Mahal na mahal!"
Biglang may nagsalita sa likod ko..
"Talaga? Mahal mo ako, kuya?"
Shocks! Si Jenine. Hindi ko alam gagawin ko. Sinundan niya pala ako. Napag-isipan kong sabihin na ang totoo..
"Oo, mahal na mahal."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Yung parang ayaw ko na siyang bitawan..
Naramdaman kong mejo tumulo luha niya.
"Kaya mo pala ako ganun nalang kung protektahan."
"Sorry, ngayon ko lang nasabi. Torpe eh."
"Ok lang."
Bulungang naming pag-uusap habang magkayakap.
KINABUKASAN! ~~
"Kuya, bitawan ko na kaya? Nakakapagod din eh."
Nagulat ako sa tanong niya..
"Parang may nagugustuhan na din naman ako eh." Dagdag niya.
"Ikaw.." --ako
Shocks! Sana ako yung taong tinutukoy niya!
"Sige pasok na ako ha! I love you, Kuya!"
"Geh. I love you too, sis!"
Sana totoo nalang tong i love you-han namen. Kahit hanggang kuya niya na lng ako.
Pagdating ng uwian..
"Kuya!"
Tapos may umakap sakin habang nakatalikod ako.
"Oh, sis, bakit?"
"Sabay ako sayo ha."
"Bakit asan ung voyfriend mo?"
"Boyfriend? Wala ako nun!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Yung mahal ko? Wala ng boyfriend>! Ansaya ko!!
Pagkarating namin sa bahay, dumerestso ako sa kwarto ko.
Naramdaman kong may pumasok..
"Kuya, Tulog ka ba?"
Si Jenine pala..
"Hindi. Bakit?"
Umupo siya sa gilid ng kama.. Nagulat ako, nakapatong na siya sakin.
"Kuya, I love you.."
"Ilove you too."
"Kuya, hindi toh bilang kapatid.."
"Alam ko."
Bigla ko siyang hinalikan sa mga labi niya. Nagulat ako sa ginawa ako. Alam kong mali, pero mahal ko siya eh..
JENINES'S POINT OF VIEW (POV)
