Stupid Confession

129 4 0
                                    

"Kyaaaahh~ Dust! Ang gwapo gwapo mo talaga!"

"Gaaahhh!!! Marry me Dust! I promise to be loyal!"

"Duuuuuuust!! I love yooouu!"

Ilan lang yan sa mga sigaw at tili ng mga kababaihan dito sa school namin araw araw sa harapan ng gate.

At ang pinagkakaguluhan nila? Si Daniel Stourm Smith. Gwapo, matalino, hindi rin sya snob kaya naman mas lalong naiinlove sa kanya ang mga fans nya

Dont get me wrong though. Hindi nya ako hater. Infact, fan nya rin ako, pero di katulad nila na lantaran. Silent type of fan lang ako.

Anyways, ako nga pala si Janessa Khriezelle Monteverde. But you can call me Janessa. I hate being called Khriezelle. Im 17 years old.

Maganda, makulit, may pagkachildish, madaldal at err.. sabi ng friends ko, stupid raw ako.

So yun na nga, nandito ako ngayon sa may gate, nakikisiksik sa mga ibang babae hindi para makitili kundi para dumaan at pumunta na sa classroom namin.

Nang maka alis nako sa mga nagsisiksikan don, maglalakaD's na sana ako papunta sa classroom namin pero bago ako umalis, lumingon muna ako don.

At laking gulat ko nang makita ko si Dust na nakatingin sakin. Agad kong iniwas ang tingin ko at mabilis na naglakad papunta sa classroom namin.

Nang makapasok ako, agad akong umupo sa upuan ko at inilapag ang bag ko. Nilapitan naman agad ako ng bestfriend ko na si Frizz.

" Hoy! Anyare sayo? Bakit parang tense na tense ka?" tanong nya habang nakalagay ang palad nya sa ilalim ng baba nya at nakaharap sakin.

"H-huh? Ah, w-wla. " sagot ko nalang.  " Okay fine..Anyways, blah blah blah blah blah ." salita sya ng salita pero hindi ako nakikinig.

I just kept myself busy by reading wattpad stories. Nang biglang dumating yung teacher namin. Pero since nageengjoy na ako sa pagbabasa sa story, di na ako nakinig.

Nag sasalita si mam sa harap pero di ako nakikinig. Ang naintindihan ko lang, kesyo may transferee daw, kesyo galing ng Class-A.

Nasa Class-C kasi kami. Well, what do I care anyway? Busy na busy ako sa pagbabasa ng may kumulbit sakin. Hindi ko nalang pinansin kasi alam ko naman na si Frizz lang yun.

Kulbit parin sya ng kulbit pero di parin ako tumitingin. Hanggang sa huminto na sya sa kakakulbit. At maya maya lang, naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Di ko nalang pinansin, maya maya pa, nagpaalam yung teacher namin na free na daw kami sa subject nya kasi may emergency meeting .

Nagdiwang naman agad yung mga kaklase ko pero ako, nalulunod parin sa pagbabasa.

Nung nasa nakakakilig na part na, di ko maiwasang di mapatili. Hinampas ko naman si Frizz nang di parin tumitingin sa kanya.

"Ieeeehh! Nakakakilig talaga si Jaeve! Gaahhh! Pero di pwede! Mas loyal ako kay Dust!" sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.

"Diba Fritzz, dib----" nang minulat ko yung mata ko..(⊙o⊙)→Σ( ° △ °|||)︴ →≧﹏≦→﹋o﹋

Huhuhuhuhu! Alam nyo kung bakit? Pagmulat ko ng mga mata ko, isang DANIEL STOURM SMITH lang naman ang bumungad sakin!

Isang DANIEL STOURM SMITH na naka smirk sakin. Hindi ako makapag salita dahil sa pinaghalpng kaba, saya at HIYA!

"So you like me huh?" sabi nya still flashing that playful smirk. Dahil narin sa sobrang kahihiyan, tumayo agad ako sa lumabas.

Hindi na ako pumasok sa susunod kong subject tutal wala na namang kaming pasok after non.

Wala kasi ang ibang mga teacher dahip nga busy. Naglakad lakad lang ako sa whole campus nang mapadpad ako sa greenhouse.

Pumasok ako don at unupo sa isa sa mga benches don. Haayy! " Ang tanga tanga mo talaga Janessa! Sa lahat naman ng pwede mong gawing kahihiyan, yun pa talaga! You're sooooo stupid!"

Sabi ko sa sarili ko. Hahampasin ko sana ang sarili ko nang may kamay na pumigil sa kamay ko. Itinaas ko ang tingin ko at nakita ko sya.

SYA! Si Dust! Omo! Agad kong binawi ang kamay ko. I heard him chuckle. Tapos umupo sya sa tabi ko at tiningnan ako gamit ang mga mapaglarong tingin nya.

"Sooo...Totoo ba?" sabi nya sakin sabay wiggle ng eyebrows nya. "H-huh?" yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

Again, he chuckled bago magsalita, " Come on! You know what I mean. So, is true that you like me?" tanong nya.

Pakiramdam ko namumula ako kaya naman tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Tumawa naman sya tapos kinuha ang kamay ko. Akala ko, kukunin nya lang para ibaba, pero nabigla ako nang hinawakan nya ng matagal ang kamay ko.

"Don't be ashamed of it." sabi nya. "Huh?" sabi ko. "Dont get me wrong though. I dont like ypu okay?" sabi nya.

Nabigla naman ako don. Hah! Oo nga naman. Porket pumunta sya dito, ibig bang sabihin non, gusto nya na rin ako?

Well, ako rin naman eh, di ko na sya gusto kasi......mahal ko na sya.Pero ang sakit na para lang pala akong tanga na umaasa.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad kong pinahiran yung mga luha ko at tumayo. Aalis na sana ako ng hawalan nya yung kamay ko at hinila ako para mayakap.

"Shhhh, dont cry alright?" sabi nya. " Eh pano namang di ako iiyak eh---" hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Hush okay? Patapusin mo muna kasi ako." sabi nya as he clears his throat.

"Hindi kita gusto kasi

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mahal kita"

*Wakas*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid Confession (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon