para sa kanya

24 2 3
                                    

Para sa kanya

by:crazy_shanna

may 18,2014

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Reggine Falcon! Valedictorian!"

tumayo ang dalaga kasabay ang malalakas na palakpakan ng mga estudyante. Dumeretso siya sa intablado at bumati sa lahat. Siya'y naluluha sa Saya at lungkot.

"Dear classmates..Ahm magtatagalog nalang ako kasi pilipino naman tayong lahat. Gusto ko Lang magpasalamat sa lahat kasi kayo yung nagpalakas ng aking loob noong..noong kinakailangan ko ng lakas..alam ninyo kung ano ang mga karanasan ko noon Pero Hindi niyo ako pinabayaan. Masaya ako para sa inyo kasi nandyan pa ang mga nanay nyo na Pwede niyo pang handugan ng mga certificates. Ito Lang ang masasabi ko cherish the moment and congratulations!!

napatayo at nagpalakpakan ang mga Tao doon. Hindi maitatago sa kanilang mga mukha ang halo halong emosyon na kanilang nararamdaman.

matapos ang napakagandang seremonya ay dumeretso na ang dalaga sa kanyang butihing ina.

"Ma...tignan mo oh, madami na akong medals. Hindi na rin ako bagsak sa eskwelahan. Ma s-sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon. Bakit kasi Hindi mo ko sinabihan na kaunti nalang ang nalalabi mong araw!!"

mararamdaman mo ang matinding lungkot sa kanyang boses at panghihinayang sa mga nangyari noon.

*Flashback*

"a-anak saan ka nanaman Punta? Anong oras na? pati ang mga grado mo bagsak lahat?"

malumanay at nanghihina na sabi ng matandang babae sa kanyang babaeng anak.

"eh ano bang paki mo?! eh sa gusto ko umalis eh...tabi nga!!"

sabay tulak sakanyang ina

"anak kahit ngayon Lang Pwede ba Tayo magsama at magcelebrate ng kaarawan ko?"

nagmamakaawang sabi ng Matanda habang hawak hawak ang isang paa ng dalaga.

"Huh!! wala akong pakialam sa mga sinasabi mo tanda!!tsaka bitiwan mo nga ako may lakad pa ako!!!"

Siya nga pala Si reggine falcon. Oo, siya'y paalis ngayon sapagkat may lakad sila ng kanyang mga kaibigan.

Habang papauwi, may nararamdaman ang dalaga na takot at lungkot. Pagbukas ng pinto, nakita nya ang kanyang ina na wala ng buhay. Dali-dali niya itong linapitan at pinipilit na gumising Pero may nakaagaw ng kanyang pansin. isang papel sa ilalim ng Kama. kinuha niya iyon at tuluyang napahagulgol.

Dear Anak,

Anak kung nababasa mo mo ito, siguro wala na ako sa mundong ito. Anak kung ano man ang nagawa ko sayo at kinamumuhian mo ako, pagpasensyahan mo na ako. Sana nagkaroon ako ng mahaba pang panahon para mapaliwanag kung bakit kita iniwan noong bata ka pa.

Iniwan kita dahil gusto kitang protektahan laban sa papa mo na laging nananakit. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na mawalay sayo. Hindi kita nabalikan agad kasi nakulong ako dahil sa aksidente Kong nasaksak ang papa mo.

Nakulong ako ng 16 na taon. Kaya sorry kung wala ako sa mga araw na mahahalaga sayo. Sorry kung wala ako noong panahon na nag-aaral kang maglakad at magsulat.

Noong mga panahon na nasa rehab ako, walang araw na Hindi kita iniisip. Lagi kitang pinagdadasal na sana ay nasa maayos kang kalagayan.

Alam mo ba noong naabsweltuhan ako, hinanap kita Pero sa kasamaang palad, tinaboy mo ako at nalaman ko rin na 30 araw nalang ang nalalabi ko dahil sa may cancer ako.Masakit sa akin ang nalaman ko Pero mas nangingibabaw ang sakit na Hindi na kita makikita pang muli.

Madami akong pangarap sa ating dalawa anak. Gusto ko ako unang makakakita ng mga ngiti sa iyong labi dahil sa labis na kasiyahan, gusto ko ako ang magiging sandalan mo pagnalulungkot o nasasaktan ka, at higit sa lahat gusto ko ako ang maghahatid sayo sa altar kung saan ka ikakasal sa lalaking pinakamamahal mo. Pero Hindi ko na magagawa ang ang mga ito.pasensya anak.

Anak ang tanging hiling ko Lang sayo, ay sana makapagtapos ka ng pag-aaral. kung ganon ang mangyayari ako na ang pinakamasayang nanay sa langit at ipagkakalat ko doon na ikaw ang anak ko. Sasabihin ko rin Kay Papa God na patnubayan ka dahil naging mabuti kang anak sa akin kahit saglit Lang.

nagmamahal,

ang iyong ina

END..

Para sa kanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon