Written by:Monique Feliciano
Music by:Cerise Gomez
Chords:E – F#m – A – B
Verse 1:
Ika'y nakilala
Sa lugar na di inaakala
Uusbong ang pag-iibigang
Hindi naman inaasahan
Refrain:
Pinagtapat na ika'y mahal
Tugon mo nama'y di utal
O kay sarap ng pakiramdam
Mga mata'y biglang naglamlam
Chorus:
Ako'y nasa paraiso
Magkasama, ikaw at ako
Magkahawak-kamay, naglalakad
'Di alintana, saan man mapadpad
Verse 2:
Noong una'y di ka pansin
Walang ramdam na pagtingin
Pero hindi nagtagal
Nakaramdam ng pagmamahal
Refrain
Chorus
Bridge:
Pero teka muna, ano ito?
Hindi na ikaw ang kayakap ko!
Sa buhay ko, hindi na ikaw ang tanglaw
Ang tanging hiling: sa aking piling…
Sana'y Ikaw.
-----------------------
Date Finished:7th of February 2005
Location:Navotas, Philippines
Author's Note: originally a five-verse poem which was randomly screwed up lol.