Hello. So itong chapter na ito ay inspired by Why We Broke Up. Medyo flashback muna tayo ngayon para makilala natin si Stephan ng better and deeper. :)
xxx
First year college ng makilala ko si Victoria. Nung una pinagtatawanan pa namin yung name niya kasi masyadong old and unique. Inaamin kong one of the bullies ako and til now pinagsisisihan ko yun.
Until one day hindi na siya nakatiis sa ginagawa namin. Kinuha niya ang mga bag namin at tinapon sa bintana. Buti na lang at sa second floor lang kami ng building at hindi maputik sa labas. She even said harshed words to Carlo because he doesn't stop laughing. Ako? natatameme na ako sa upuan ko habang pinapanood ko siya. Nakakatakot pala siya kapag nagalit.
Hindi na siya mawala sa isip ko since then. Lagi ko siyang pinapanood o kaya sinusundan ko siya pag-uwi. Hanggang naging partner kami sa Humanities for a play. Hindi niya ako pinapansin kapag wala na kami sa practice pero kapag on act na parang hindi siya galit o naiinis sa akin. Sabi ko sa sarili ko nun, 'Ay iba din tong babaeng to. How can she easily shift her emotions?'. Lagi akong bumibili ng brownies at pasimpleng nilalagay sa bag niya. Napansin ko kasing ito yung lagi niyang kinakain. Wala siyang kaibigan kasi nga sobrang tahimik niya. And I really really want to be her friend.
Hindi din nagtagal at nakita niya ako sa may kanto nila. Wala akong choice kundi lumapit at magsorry sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" she said. Ako naman itong nahihiya at hindi makatingin sa kanya.
"Uhm. I just want to say sorry to you. I shouldn't laugh at you. Pinagsisisihan ko yun talaga. I'm sorry." Looking at the ground while saying this. Ngayon lang ako kinabahan sa babae ng ganito.
"Okay. Wala yun. Actually, hindi ko dapat ginawa yun. Nasira pa tuloy ang Ipad ni Vincent. Sorry din." She's smiling when I looked at her. Lalo akong humanga sa kanya nung oras na yun.
"Hindi ka dapat magsorry. Dapat lang yun sa amin. Akala ko pa naman galit ka sa akin, sa amin." It is hard to look at her, really. Her eyes are speaking as well.
"Wala yun. Basta wag niyo na lang ulit gagawin yun sa iba." That was the first time I fell in love.
Nalaman din niya na ako yung naglalagay ng brownies sa bag niya. May naiwan kasi siya sa room eksaktong nilalagay ko na yun brownies.
"Ikaw pala. I knew it." she said. Sobrang nahihiya ako ng oras na yun. I felt the sudden rush of blood in my face.
"Sorry." I said, not looking at her.
"No. Don't be sorry. I should say thank you. Bakit mo ako binibigyan ng brownies?" Umupo siya sa upuan niya at kinuha ang isang box ng brownies. Binuksan niya ito at kumain ng isa.
"Kasi napansin kong lagi mo siyang binibili sa canteen. Sorry again." Inalok niya ako and I shook my head.
"Stalker pala kita. Well, thank you. Alam mo bang gustong gusto ko ng itanong sa mga kaklase natin kung sinong naglalagay sa bag ko. And I'm thankful na ikaw yun." I can feel the sincerity in her voice and in her eyes.
"Yeah. I'm glad that you liked it." And we both shared a smile.
Everyday was like forever for me. Lagi na kaming magkasama at napapansin ko rin na lagi na siyang nakangiti. Until one day, tinanong ko siya kung pwede ko siyang ligawan and she said yes. Inabot din ako ng nine months sa panliligaw sa kanya hanggang siya na mismo ang nagtanong sa akin kung pwede ko siyang maging girlfriend.
Sobrang saya ko nun. Sabay kaming gumagawa ng plates, tinatawagan ko siya every 30 minutes para icheck kung gising pa siya at maabot ang deadline namin. 4 years of love and happiness. Akala ko talaga siya na, yung mga napapanood ko sa romcom movies na pinapanood ni Elle. Naniwala ako sa kanya, na mahal niya din ako.
Isa sa mga akala ko din noon na pareho kami ng papasukang firm para sa two years experience. Pero akala na naman yun eh. Hindi man lang niya sinabi sa akin na aalis siya at pupunta ng Paris. Wala man lang good bye o break na tayo. Iniwan lang niya ako sa ere na parang wala lang. Hindi ko alam kung kami pa ba o hihintayin ko pa siya. Sobrang sakit at hirap na wala akong alam.
Nakapasa ako sa board exam at nakahanap ako ng firm sa New York para magtrabaho. Ginawa ko lahat para makalimutan siya and eventually I did. Madaming girlfriends ang dumating, madaming naloko at iniwan. Gusto ko siyang sisihin kung bakit hanggang ngayon hindi parin ako makahanap ng seryosong relasyon. Dahil hanggang ngayon siya parin yung standard ko sa babae.
Bumalik ako sa Pilipinas para sana magbakasyon pero nakita ko sina Carlo at Vincent. Successful businessmen na sila malayo sa course na tinake nila. Luckily, ako ang ginawang Senior Head sa branch sa Pilipinas ng firm na pinapasukan ko. And I also decided to have a business, ang S'DO. Lahat ng sweets, cakes especially brownies ang naging specialties ko.
And now it's been 5 years since we broke up and she became unfamiliar to me. Hindi ko na siya matandaan. Kung ano ang itsura niya, anong boses niya. It was all disappeared.
This time, I guess I'm ready to fall in love again.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess
Teen FictionOne of Stephan's friend had a party and that was the first time he met her. She didn't gave her name at him and that's the reason Stephan searched for her. Stephan's love for her grew stronger everytime he saw her flaws. He became the shoulders and...