~''Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving hands to come and pick me up. And every night I miss you, I can just look up. And know the stars are .... Holding you, holding you, holding you, tonight''~
7:30 na kagigising ko lang. Alam kung late na naman ako at alam kung mapapagalitan na naman ako kay ma’am pero okey lang, sanay naman ako. Ako nga pala si Redenthor Valdez. Mag-isa na lang ako sa buhay. Bata pa lang ako patay na ang nanay ko. May iba na ring pamilya ang tatay ko, nakatira siya ngayon sa abroad, pinapadalhan na lang niya ako ng pera.
Naglakad ako papunta sa iskwela. Nasa main gate na ako nang may sinabi si manong guard “Oh! Mr. Valdez, late ka na naman!” “Ganyan lang po talaga ang buhay” sabi ko. “Itong batang to oh! Fourth year ka na, baka di ka maka-graduate!” Ngumiti na lang ako.
Napadaan ako sa mga grupo ng mga babae. Nagtilian sila. Campus heartrob kase ako. Saksakan raw kasi ako ng gwapo, sabi nga nila kamukha ko raw si Logan Lerman, yung si Percy Jackson. Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin, pero hanggang ngayon wala parin akong nagugustuhan di ko pa nga naranasan magkaroon ng girlfriend.
Pagpasok ko sa classroom … akala ko naghihintay si ma’am upang pagalitan ako … pero … HIMALA! … wala siya! Tinanong ko sa babeng kaklase ko kung nasaan siya. Namutla siya at di nya ako kayang diretsuhin. “Ahmm … m—may bagong estudyante … ra—w.” “Babae o lalake?” tanong ko ulit. “Di-di-ko alam….” “Salamat.” Naupo ako at inilagay ko ang aking bag sa desk ko. Ang boring pala kapag walang nagsesermon sayo ng umagang-umaga.
Biglang pumasok si ma’am kasama ang transfery student … isang babae. Ang ganda niya, para siyang anghel. Nabigla ako ng sinabi ni ma’am na siya ang katabi ko. “Hija dun ka muna sa tabi ni Gabrielle, dun sa likuran.” “Opo ma’am.” Naglakad siya tungo sa tabi ko. Inilagay niya ang gamit nya sa kanyang desk. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya at nagpakilala ulit. “Hi! Ako nga ulit si Laura Salcedo at ikaw si Redenthor diba?” Tumango na lang ako. Nagtanong siya “Pwede ba kitang tawaging Red?” Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ayaw kung natatawagang Red pero hindi ko namalayan na sumangayon ako. “Pwede~…” “Sigurado akong magiging close tayo … Red.”
Vacant naming ang sumunod. Tanong siya ng tanong sa akin pero oo lang ako ng oo. Pumunta siya sa grupo ng mga babae. Nakipagkaibigan siya. Narinig ko ang pinaguusapan nila. Tinatanong ni Laura kung ganito ba talaga ako. “Ganyan ba talaga si Red? Ano ba ang tungkol sa kanya?” “Since first year pa lang ganyan na siya, sikat rin siya dito sa amin, campus heartrob siya at Redenthor dapat ayaw niya ng Red.” Sabi ni Cindy, isa sa mga kaklase kung babae. “Pero tinanong ko naman sa kanya kung pwede ko siyang tawaging Red.” “Eh ano ang sabi?” “Pwede raw.” “Himala! Di siya nagalit sa iyo. Buti ka pa.” “Huh?” “Ayaw niya kasing tinatawag siyang ganun.” “Bakit naman eh masmaganda ngang pakinggan ang Red kaysa sa Redenthor.” Napatawa ako, Red talaga? *TANG! TANG! TANG!* Recess na. Lumakad ako palabas sa classroom na hindi nabubura ang ngiti sa mukha ko.
Alas-singko na nang hapon. Pwede ng umuwi. Nakatakas na sana ako sa paglilinis ng may humawak sa kamay ko at pinigilan ako. Tiningnan ko kung sino siya ... Laura? “Oy Red saan ka pupunta? Maglinis ka naman.” “Ako? … maglilinis … ?” “Oo eh diba lahat naman tayo dapat maglinis.” Napatahimik ang lahat. Hinihintay nilang itulak ko siya dahil yun ang ginagawa ko sa mga kaklase ko kung pinipilit nila akong maglinis …. pero hindi ko yun ginawa. Kinuha ko ang walis at nagsimulang maglinis. Sinabi ng president namin na pwede na akong tumigil at umuwi na. “Redenthor kung gusto mo nang umuwi … umuwi ka na lang.” “Hindi maglilinis ako … okey lang.” Ano ba ang meron kay Laura? Transfery lang siya pero napapangiti at napapasunod niya ako.
Kinabukasan .......
Katulad ng dati late na naman ako. Akala ko kay ma’am lang ako mapapagalitan pero hindi pati si Laura. Sabi niya dapat akong pumasok sa iskwela ng maaga dahil makakapag-aral raw ako ng mabuti.