CHAPTER 5

5 4 2
                                        


• MIRACLE POV

Pag alis ni Ian nag kwentuhan muna kaming tatlo. It's been 3 days na hindi kami nag kita ng mga kaibigan ko. Having a friend like them I feel that I'm blessed. I treat them like my sister. They are so special to me. Bata palang ako kaming tatlo na ang mag kakasama. Nakilala ko si Cassy sa subdivision kung san ako nakatira, nag lalaro ako non ng Barbie sa harap ng pintuan sa bahay namin. And then may dumaan na bata, and that is Cassy sabi nya laro daw kami. Tinawag ko si Mommy para buksan yung pinto and I was shock na kilala pala sya ni Mommy sya pala yung tinutukoy ni mom na anak ng Kaibigan ni Daddy. I am so happy kasi may kalaro na ako. Lagi na syang pumupunta sa bahay namin lagi nadin kaming nag lalaro. Tapos may pinakilalang bata si Mom anak daw ng bespren nya, yun naman si Jj nag lalaro kaming tatlo sa kwarto dati. I'm happy with them. Simula non lagi na kaming mag kasama minsan sa bahay na sila natutulog. Kaya naging mag bestfriend na kaming tatlo :>

Naubos ko yung sandwich ko kakikinig sa mga kwento nila. Tawa lang ako ng tawa diko namalayan may klase pa pala ako. “Jj Cassy mauna ako ah may klase pa pala kami. Ingat kayo baboshhhh” ngiti sabay alis. “Ingat ka din Sam byeeee” umalis na ako ng tuluyan. Nag lalakad ako sa hallway ng makita yung taong babae na nakabangga ko yesterday. Kumanan ako imbes na kumaliwa, baka makita nila ako ei. Hindi ako takot ayaw ko lang ng gulo.

Pumunta muna ako ng library.
15 mins din akong tumambay don. Pumunta na ako sa classroom baka malate ako sa Subject ni Sir Science .

Pag pasok ko ako palang ang tao, may sumunod na lalaki kala ko si Ian si Dave pala. Umupo ako sa upuan ko pati na din si Dave. Tanongin ko kaya to about kay sir Carlo.

“Dave? Can I ask something?” sabi ko sabay tingin sakanya na nakatingin sakin. “Ano yun? ” bored nyang sabi. “Kapatid mo ba si Sir Carlo?” tanong ko nang nakatingin sa Board. “Yes he is my Brother. Why? ” iritado nyang sabi. “Wala :> Btw bat ka nalate kang pumasok?” tanong ko sakanya. “It's non of your business ” Suplado! Bala ka nga dyan!

Hindi ko nalang sya pinansin pinag laruan ko nalang yung daliri ko habang dumadami ng dumadami yung tao sa Room umiingay ng umiingay. May mg babaeng umuupo sa tabi ni Dave yung iba nag papapansin yung iba naman nag papaganda. Edi kayo na!

Wala daw kaming klase so lumabas ulit ako. Pmunta ako sa cafeteria bumili ng milk tea. Dumating yung tatlong babaeng kahapon. Omg!

“Look who's here?” sabi nong babaeng nabangga ko. Aalis na sana ako nang biglang hinila ng babae ang buhok ko. “Aray ano ba!? ” ang sakit na ng ulo ko dahil sa pag kakahila nya. “Aba Alex sumasagot oh! HHHAHHAHAHA ” sabi nong babaeng nasa kanan nya. “Hoy STUPID NERD! May kasalanan ka pa sakin! Binasa mo lang naman yung damit ko kahapon. So I'm here to do thr same thing! ” kinuha nya yung Milk Tea ko, and then binuhos nya sakin. Madaming tao dito sa Cafeteria nag bubulungan na yung iba.

“Kawawang nerd”

“Natikman ang bagsik ni alex”

“Tatanga tanga kasi ei! ”

“Si alex pa ang kinalaban”

“Kawawa naman yung nerd ”

Yan lang naman yung mga narinig ko. Aalis na sana ako sa kahihiyan na ginawa ni Alex na yun kayalang hinila nya yung kamay ko at sinampal nya ako. Ahhh ang sakit!

Tumulo na nang tuluyan yung luha ko. “Kulang pa yan nerd” sabi nong abegail. Biglang may lalaking humila sakin paalis ng cafeteria. Tinignan ko yung mukha nya, nagulat ako ng makita ko si Dave. “Anong ginagawa mo? ” sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. “Do you think matutuwa ang mga kuya mo pag nalaman nila ang nangyari? Sam mag isip ka nga! ”
Nagulat ako sa sinabi nya. Gosh paano nya nalaman na may kuya ako? Paano nya nalaman na Sam ang palayaw ko? “Dave ano bang alam mo? Bat mo alam na may kuya ako? Bat alam mo ang palayaw ko? ” tanong ko.  Habang gulat na gulat padin. “Kilala kita Sam! Childhood friend ko ang mga kuya mo. ” mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

- MY SECLUDED IDENTITY
----------------------------------------------

Sorry kung maikli lang yung update ko ngayon. Gusto ko kasi kayong bitinin ei HAHAHAHAH!

Hehehe sorry sa mga wrong typos

Sorry guys hahahhahaa tinatamad na kasi akong mag update kaya minsan delay. Cheer me up guys!

Btw nagustuhan nyo ba?

Ano nga ba kasi ang alam ni Dave about kay Sam?

Ano ba yung secret ni sam?

Bakit Sam?

My Secluded IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon