Naisilang tayo sa daigdig na may pananagutan sa isa't-isa,na lahat tayo ay may misyon na dapat gampanan.Ako si Pedro.16 anyos at nag-iisang anak.Nakatira ako sa aking bahay kasama ang aking ina.Bata pa lamang ako ay nakakakita na ako ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.Minsan,dumalaw ako sa aking Lolo David sa kanyang bahay sa Antipolo.Mula pagkabata,palagi ako sa kanila.Dahil mag-isa lang siya sa kanyang bahay,kailangan niya ng mag-aasikaso sa kanya.
Habang naghahain ako ng aming panghapunan,may nakita akong babae na nakadungaw sa bintana na kanyang katabi.Sinilip ko saglit dahil ang akala ko ay si inay ngunit laking gulat ko na bigla na lamang siyang naglaho.Tinanong ko si lolo kung sino ang babaeng kasama niya.Ang akala niya'y nagbibiro ako sa aking sinasabi kaya't ipinagsawalang-bahala ko na lamang ang aking nakita.
Kinabukasan,nakita ko na naman ang lolo kong mag-isa na nakadungaw sa bintana."Kung naririto lang sana ang lola mo hijo.Magiging masaya na muli ang buhay ko." sambit niya sa akin."Ano po bang nangyari kay lola? Bakit hindi ninyo pa siya naikukwento sa akin?" tugon ko.Naluha na lamang ang aking lolo sa pag-alala kay lola.Ni minsan,hindi niya naikukwento sa akin si lola.Hindi rin alam ni inay ang totoong nangyari sa pagkamatay niya.
Madaling araw na.Kailangan kong agahan sa pagpunta sa aking paaralan.Habang nagsusuklay ako sa salamin,nakita ko na naman ang babaeng iyon sa kwarto ni lolo na tila may ibinubulong sa kanya.Nakatulog pa lamang si lolo sa mga oras na yun.Nawala ang tingin ko sa kanya nang may narinig akong malakas na pagbasag ng baso sa may kusina.
Lolo David's POV
Maraming taon na ang nakakalipas.Hindi na rin katulad ng dati ang paligid.Tahimik,malungkot at tila wala ng buhay ang bahay na ipinatayo natin Soledad.Kung maibabalik ko lamang ang panahong magkasama pa tayo,muling mabubuhay ang ligaya sa aking puso.Lagi tayong namamasyal sa sapa,namimitas ng mga prutas at masyang nagkuwekwentuhan sa puno ng mangga.Inukit ko pa roon ang mga salitang "MAHAL KITA" upang magsilbing palatandaan ng aking pag-ibig para lamang sayo.
(Narinig ni Pedro ang mataimtim na pagsasalita ni Lolo David at kinausap niya ito)
Pedro:Mahal na mahal po talaga ninyo si Lola.
Iyon ang mga panahong kay sarap alalahanin,mga sandaling itinadhana para sa amin.Tanging hiling ko lamang sa mga bituin,na muli kong madama ang pagmamahal niya para sa akin.
Soledad,irog ko,ako sana'y iyong patawarin.Sa huling sandali ng aking buhay,pagsinta ko'y tanging sayo lang maibibigay.
BINABASA MO ANG
Sigaw
HorrorHindi lang tayong mga tao ang nabubuhay at nakatira dito sa mundo.Maaring kasama mo ngayon ang isang nilalang na hindi nakikita ng iyong mga mata.Maaring nakatingin lamang siya sa iyo na nagdudulot ng kilabot na iyong nadarama.Tuklasin ang mundo na...