Dedicated to MoonLightPurple
Pasensiya sa inyong lahat dahil ngayon lang akong nakapag update.I hope na magugustugan niyo ang chapter na ito.
Happy Reading!!!
CASSLEY'S POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Annie.Hindi ngayon namin kasama si Daphnnie dahil may ginagawa pa siya.Si Ethan naman well hindi ko alam kung nasaan.Mamaya na pala kami pupunta sa bahay nila.
Mukhang ang lalim ng iniisip ni Annie kanina pa nakatulala ni hindi man lang ako kinakausap.Mukha tuloy akong ewan.Parang wala lang siyang kasama ahh.Tahimik lang siya simula pa kanina.
"Annie"tawag ko sa kanya.Humarap naman siya sa akin.Makikita mo talaga ang malungkot na bakas sa kanyang mukha.
"Bakit?"tanong niya
"Napansin ko na parang may problema ka."sagot ko.Tinignan ko siya ng diretso at umiwas naman siya ng tingin.
"Cassley may sasabihin ako."she said
"Bakit ano bang problema?May nangyari bang masama?"nag aalalang tanong ko sa kanya
"E-eh kasi si Caesar gusto niyang makipagbalikan s-sa akin."sagot niya na ikinagulat ko.Si Caesar ex niya yun eh.Matagal din silang nagsama pero nag break sila dahil sa isang babae.
"A-ano?"hindi makapaniwalang sagot ko
"Ano na ang gagawin ko Cassley?"malungkot na tanong niya
"I test mo siya."I said while smiling
"P-paano?"
"Pahirapan mo siya sa mga bagay tapos titignan natin kung gagawin niya.Tapos diyan natin malalaman kung hanggang saan talaga ang kanyang makakaya."sagot ko.
"Pwede naman.Good idea."sagot niya at nagsmile ng kaunti
"Oh sige Annie mauuna na ako may klase pa ako."pagpapaalam ko at umalis na doon sa cafeteria
Naglalakad ako ngayon papasok sa classroom ko ng bigla kong nakasalubong sina Ryle at Caesar.Napahinto naman ako sa tapat ng classroom ko ng lumapit silang dalawa.Weird!
"Oh anong ginagawa niyo rito?"tanong ko
"Pinapasabi kasi ni Ethan na hintayin mo siya mamaya sa parking lot."sagot ni Ryle habang nakangisi
"Ahh ganun ba sige salamat."sabi ko nalang
"Oh sige mauuna na kami Cassley"Caesar said
Pumasok naman ako sa classroom at dumiretso na sa aking upuan.Napansin ko nalang na nag vibrate ang phone ko.Tinignan ko naman kung sino ang nagtext.
From:09*********
"Hi ang ganda mo naman."
Napatulala nalang ako sa kawalan ng mabasa ang message.Sino naman to?Hayss saan niya nakuha ang number ko.Lastime siya rin yung nagmessage sa akin.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating narin si Prof.Kung tatanungin niyo kung bakit wala dito si Ethan well may basketball practice dahil finals nila sa susunod.Nagsimula naring mag discuss si prof at nag take down notes narin ako.
Habang nag didiscuss hindi ko talaga mapigilang mapaisip sa mangyayari mamaya sa lakad namin ni Ethan.Siguro ang ganda ng kapatid niya.Gwapo rin naman siya honestly...So-
"Miss Mindez..."
Parang napako ako sa kinauupuan ko ng tinawag ako ni Prof.Humarap naman ako kay Prof.
"Yes Prof"tumayo ako at humarap kay prof ng maayos.
"What is the topic all about?"tanong ni prof
"Uhmmm..About Economic Resources"sagot ko
Napatingin naman ako sa lahat ng mga kaklase ko na nakatingin din sa akin.Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at humarap naman kay prof ng diretso.
"Good Miss Mindez akala ko kasi do ka nakikinig dahil mukhang problemado ka yata"tanging salita ni prof at ngumiti sa akin.
Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa pag upo.Inayos ko na rin ang mga naka patong na libro at notebook sa aking mesa.Bat ba ako nagkakaganito?Nalulutang na ko tuloy.
***
Pagkatapos ng aking klase ay dumiretso ako sa Gym.Doon kasi ang sinabi ni Ethan kung saan kami magkikita dahil sabay kaming uuwi.May lakad pa naman kami mamaya.Nakakapagod pala pero para naman ito kay Ethan para magkabati ma sila ng kanyang kapatid na babae.
Umupo muna ako dito sa bench sa labas ng Gym.Dito ko nalang siya hihintayin baka magulo naman doon sa loob.Ang ganda talaga dito ng hangin sa bench.
"Cassley..."
Napatingin naman ako sa may bandang likuran ko kung sino ang tumawag edi si Ethan.Bigla na naman sumulpot para talagang siyang multo.
"Ginugulat mo ako palagi Ethan para kang multo."sabi ko sa kanya sabay tawa
"Sa pinakagwapong mukha na to Cassley multo."pagmamayabang niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko
Para akong naging isang estatwa.Gosh!Lumayo ka Cassley.Sinusubukan kong lumayo ng kaunti at igalaw ang aking sarili pero bakit parang ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Ethan"sabay tili ng mga fangirls ni Ethan kaya medyo nagulat ako.
Inayos ko naman ang pagkaupo ko.Naku mabuti nalang at dumating ang mga fangirls ni Ethan.Lumapit naman si Ethan sa mga fangirls niya at nakipagusap.
"I have no time..."rinig kong sabi niya sa mga fangirls niya at hinila niya ako gilid niya."May Date pa kami ng Girlfriend ko.Diba baby..."sabi niya at kinindatan ako
What the heck?Anong pinagsasabi niya.Pero I like this gusto kong mang-inis kaya sasakyan ko ang trip niya.
Humarap naman ako sa mga fangirls niya."Yes baby may date pa tayo.So kung ako sa inyo girls humanap nalang kayo ng ibang mapgtritripan niyo."sabi ko at hinila si Ethan paalis doon.
Napansin ko habang naglalakad kami papuntang parking lot ngumingisi si Ethan.Tsk!Sinakyan ko lang naman ang trip niya at naiinis talaga ako sa mga babaeng yun.Baka madamay pa kasi si Ethan sa mga pinanggagawa nila.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"tanong ko
"Just chill baby"What?Baby?Anong pinagsasabi niya.Wag ka ngang ano Ethan sinakyan ko lang a ng trip mo grr.
"Anong baby ka diyan?"masungit na tanong ko at medyo binilisan ang paglalakad
"Cassley naman joke lang eh."natatawa niyang sabi at lumapit sa akin
"Aishhh...Fine diba may pupuntahan pa tayo bilisan mo na ngang maglakad."pag iibang topic ko para hindi maging awkward
Tumango naman siya sa akin at maya-maya ay natatanaw ko na ang sasakyan ni Ethan.Binuksan niya naman ang pinto sa front seat at pumasok na ako.
Nagstart na ring magmaneho si Ethan at napatingin naman ako sa mga dinadaan namin.Kawawa naman yung magpamilyang naaksidente sa daan.
"Cass bakit malungkot ka diyan?"tanong ni Ethan habang sinusuri ang mukha ko
"Ethan na aawa lang kasi ako sa naaksidente."matamlay na sagot ko
"Huwag mo ng isipin yan Cass."sabi niya at ngumiti sa akin
Tumango nalang ako sa kanya at nginitian siya.Kamusta na kaya sina mom and dad.Namimiss ko na sila mabuti nalang at may Ethan na nagpapasaya sa akin dito.
Napatitig naman ako kay Ethan habang nagmamaneho siya.Ang gwapo niya naman.Ilang araw ko palang siyang kasama pero ang gaan ng loob ko sa kanya.I think siguro dahil naging mabait siya sa akin at lagi niya akong pinapangiti.
A/N:Don't forget to vote and comment.
♡Miss V
BINABASA MO ANG
YOU'RE MY ONLY ONE
Teen FictionCassley Mindez, pangalan ng babaeng haharapin ang lahat ng pagsubok kasama si Ethan Tyler. Are Friends becomes Lovers??? Are they maid for each other??? Malalagpasan nga ba nila ang mga pagsubok? To find out just read this first story of mine and a...