A Valentine Special

749 44 16
                                    

Stefano Mori as "Steven"

Camille Prats as "Camila"

🇮🇹🇮🇹🇮🇹

Sometimes you have to be independent for you to know what life is all about. I chose to be happy, I want to know what is my purpose in life. So I decided to be alone while exploring the world.

"Take care of yourself baby" niyakap ako ni Mommy.

"Yes Mom, don't worry I will. Ilang linggo lang naman po ako doon e." I said as I was carrying my luggage.

"Ako na yan" It's my elder brother Juan. Dinala niya ang bagahe ko until sa pagpasok ko ng eroplano.

"Thank you Kuya" I hug him.

"Mag iingat ka doon ah"

"Yes I will."

"Baka sakaling makita mo si Steven doon, paki kamusta nalang ako"

Ngumiti lang ako sa kaniya. Yep, kilala ni Kuya kung sino ang exes ko. And that Steven, is my first true love. Siya ata yung tinutukoy kong unfinished business. Kasi, he left me noong panahong hulog na hulog na ko sa kanya. Unexpected kasi he feels the same way naman sakin before. Alam ko, kasi ramdam ko, maybe because naguguluhan pa siya. Medyo bata pa kasi kami noon e. Now that I'm already grown up, mas maiintindihan ko na kung bakit. But I'm not expecting anything from him. Madami ng taon ang lumipas. And I heard na engaged na daw siya. Wala na kasi kaming balita sa kaniya after he left us. Even his closest friends hindi alam kung ano na istado niya ngayon.

Pero, bakit nga ba ako pupunta ng Italy? Kasi gusto kong I-explore kung ano man ang nandoon. First time kong mag travel abroad ng mag isa. Nakakakaba pero exciting. Mabuti na lang nga at pinayagan ako ng parents ko. I'm already 22 so, why not diba?

Nang nasa eroplano na ko. Kinuha ko ay economy ticket lang. Kasi sabi ko nga, gusto kong maranasan ang normal na buhay. Kahit isang linggo lang. Masyado na kasing toxic ang life ko sa showbiz industry. Issue dito, blind item doon kahit hindi naman totoo. Pinili kong manahimik kasi wala naman mangyayari kung papatulan ko. As you get older, you grow and mature, and that should never stop. As soon as you stop growing, you're done living. I'll always be growing, forever learning, forever taking in advice from people I deeply respect. Kaya nandito ako ngayon, nag lalakbay mag isa.

"Excuse me, I know you. You're Camila right?" May isang babae na nakakilala sakin. Kahit naka shades ako.

"Oh yeah hi" bati ko sa kaniya.

"Uhmm, do you mine if I get a picture with you?"

"Oh sure no problem"

"Babe! Please?" binigay niya yung camera sa kasama niyang lalaki. And I think it's her partner in life.

"Thank you Ms. Camila, akala ko suplada ka. Di naman pala totoo yung sinasabi nila, ang bait mo"

"Ah, salamat din. Yaan mo yun" kinindatan ko siya.

"Oh my god! I love you! Can I hug you? I just can't believe na makikita kita dito e" ang genuine ng reaksyon niya. Masaya ako sa mga sandaling iyon. Kahit papano may nakaka-appreciate pa rin pala sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When in Italy [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon