A glimpse

0 0 0
                                    

"It's difficult to wait, but worse to regret. I'll wait for you."
Napakuyom na lamang ako ng aking mga kamay nang marinig ang mga salitang yun mula sa kanya. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa kanila nang nililigawan niya, kaso diko lang maiwasang mainis. Alam kong wala akong karapatang magalit o kung ano pa man. Wala lang kasi talaga sya sa lugar.

"Makakapaghintay ka ba talaga? Okay lang naman sa akin kung titigil ka na." Malumanay ang boses na tanong ng dalaga. Rinig ko mula rito ang tono nitong waring nag-aalala. Marahil nag-aalala siyang baka isipin ng binata na pinapaasa nya lamang ito o kaya ay baka nasasaktan na nya ito. Ganun naman minsan hindi ba? Nag-aalala tayo kahit sa mga maliliit lamang na bagay na dapat di na binibigyan ng pansin.

"Oo. Makakapaghintay ako sa magiging sagot mo, Gabriela."
Di ko maiwasang taasan sya ng kilay. Makakapaghintay? Nagpapatawa ba sya?

"Salamat, kasi kahit papaano naiintindihan mo ako, Niko. Sana makapaghintay ka nga gaya ng sinasabi ngayon." Kumikislap ang mga mata ng dalaga at kasabay nuon ang kusang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya. Nginitian lang din sya ng binata bilang tugon.

Napailing na lamang muli ako. Ilang araw mula ngayon, isa na rin sya sa iiyak sa campus. Pang-ilang babae na ba ito ngayong semester?

"I'd rather wait than regretting not waiting for you."
Matamis pa nyang nginitian ang walang kamalay-malay na dalaga. Guess it's true that the world is full of monster with pretty faces and friendly faces. You may not know it until their mask falls off.

Inabot nya ang hawak ng dalaga na marahil ay gamit nito sa eskwela at sabay silang lumabas ng San Vicente Building. Kita ko mula rito sa pinagtataguan ko ang mga ngiti nilang kaysaya. Ngiting dati sa akin din nya ipinakita.

"Gabriela, mahal kita."
Napatigil ang dalaga sa paglalakad at pinakatitigan nya ang binata. Sa tingin ko dito na ako titigil sa pagmamasid sa kanila. Hindi dahil sa nasasaktan ako o kung ano man. Ayoko lang makakita na naman ng isang katangahan. Sana kung ano mang sabihin ng dalaga ay hindi katulad ng sinagot ko sa kanya ng sinabihan nya rin ako ng ganuong mga salita.

"Mahal kita, Anna."
Nakakatawa dahil dati yan din naman ang sinabi nya sa akin. Akala ko seryoso na lahat, nang bigla nalang iba na ang kanyang niligawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HaphazardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon