Si Krass

13 7 1
                                    

Ako si Reyleigh "Rey" na lang for short, 17 na taong gulang, I'm tall, dark and handsome (bungal nga lang) mahaba ang buhok ko, hindi uso gupit eh, at isa ako sa mga Varsity Player sa paaralan namin.

Nakaupo ako ngayon dito sa gym titig na titig na pinagmamasdan si Claudia, ang krass ko, na krass na krass ko noong grade 7 at hanggang ngayong grade 11. Siya'y maganda, matalino, mabait bakit? Puso niya'y normal, hindi ginto wag kang hangal!

Pag ganun edi, baka patay na siya,
Paano nalang ako kung siya'y wala na?
Ang buhay ko'y mawawalan ng sigla at saya,
Pati na rin ng saysay at halaga,
Oh, aking Claudia...

"Huy! Rey"

"Ay! coach! Amp..."

"Pumasok ka na," sabi nung duwende, I mean ni coach, hinubad ko na ang varsity jacket ko at pumasok na sa court, humanda kayo, bungal man ako sa inyong paningin, hindi maipagkalailang pogi pa rin.

Todo sigaw at cheer naman ang grupo nina Claudia, ang Antwan Pep Squad. "Go! Go! Go!" sabay nilang sigaw, umikot, nagpose at nagpakawala ng mga kindat at flying kisses. Hay... ganda talaga niya.

Matapos ang third quarter, nagpahinga muna ang team bago nagpatuloy sa fourth quarter. Nagmamadaling pumunta si Claudia sa kina-uupuan namin dala ang bimpo at tubig para sa, syempre para sa boyfriend niya, ang aming team captain.

Uminom narin ako ng tubig at pinunasan ang sarili ko, love yourself daw.


After the game, ginawa ko na ang nakasanayan, yun ay ang i-stalk si krass. Apat na taon ko nang panata ito, teka lang bilangin ko muna ulit sa mga daliri ko, (7,8,9,10,11) limang taon na pala. Marami na rin akong kinaharap na dagok at mga pagsubok.


Kagaya nung, ako'y hinabol ni chu-chi na galit na galit, yung aso nina Claudia na bulldog, halos 100 metro din yung tinakbo ko, hindi ko talaga malilimutan yun.

Noong isang beses na muntik na akong mahuli ng boyfriend ni Claudia na sinusundan ko siya, buti nalang nakatakbo ako tapos nung lumingon sila nagsisigaw akong, "taho! taho! taho kayo diyan!" ,akala ko talaga mahuhuli na ako.

At noong grade 10 ako, isang beses, narinig ko si Claudia na sumisigaw at humihingi ng tulong sa hindi kalayuan, syempre dahil ako ang kanyang secret knight and shining armor, mabilis pa ako sa alas kwatro na rumesponde.

Nadatnan ko si krass na takot na takot at umiiyak napapalibutan ng tatlong unggoy, ibig kong sabihin napapalibutan siya ng tatlong basagulero, "Huy! mga gong gong!" lumingon naman sila, galit silang sumugod sa akin, at syempre dahil pogi ako, lumaban ako at pinagsusuntok rin sila, suntok doon at ilag dito.

Dahil 3 in 1 ang labanan nasuntok ako nung isa sa kanila sapat na para tumilapon ang isa sa mga ngipin ko, (at yun po ang alamat ng pagkabungal ko, bow...)

Tumba silang lahat, madilim sa eskinitang iyon kaya hindi ko alam kung nakita ba ni Claudia ang mga da moves ko o naaninag man lang ang gwapo kong pagmumukha, "Okay ka lang ba Claudia?" ,mahinahon kong tanong, tumingin naman siya sa kinalalagyan ko at dali dali ring tumakbo paalis.



Matapos ang isang taon, eto krass ko pa rin siya, hays... loyal ko noh?

Si Krass |One Shot|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon