CHAPTER 1

18 2 0
                                    

Lianna's POVS

"Lia!!! " sigaw na sabi ni mama sa akin

Arggghhhh ang aga aga ang ingay ingay tinakpan ko ng una yung pagmumukha ko. Ang aga pa masyado para bumangon nakakatamad naman pumasok.

5 minutes ulit na matulog ipipikit ko na ang mga mata ko ng

"Lianna Marie Sandoval bumangon ka ng bata ka " sigaw sa akin ni mama habang niyuyugyug ako

"Oo na ma baba na " sabi ko sa kanya at siya naman ay lumabas na

Hayss palagi nalang ganito nakakatamad na talaga

Naligo na ako at nagbihis

"Andito na si kurt bumaba ka na diyan at tayo nat kumain "sabi ni mama sa akin

"Opo andyan na baba na" sabi ko habang inaayos yung pagkakalagay ng neck tie ko

Pagbaba ko nakita ko kaagad pagmumukha netong bestfriend kong si kurt na nakangiti.

" Good morning singkit "nakangiting bati niya sa akin sabay gulo ng buhok ko

Si kurt ay kababata ko na matagal na kaming magbestfriend yung mama niya at mama ko ay magbestfriend nung highschool at hanggang ngayon naman . tska magkapit bahay lang kami kaya lagi kaming sabay pumasok or kahit saan.

"Ano ba yan ginugulo mo buhok ko"sigaw ko sa kanya

"Luh HAHAHAHA kay aga aga sinusungitan mo na ako simang wala man good morning sa gwapo mong kaibigan " sabi niya

"Good morning kapre "sabi ko tapos umupo na at nagsandok na ng kanin sabay kuha ng ulam at kumain na

"Oh kurt halika na at sumabay ka na " sabi naman ni mama sa kanya.

"Ay tita salamat nalang kumain na ako eh nagluto din kase si mama eh" nakangiti niyang sabi

Ako naman kain lang ng kain hanggang sa matapos . umakyat muna ako sa kwarto ko at nagsipilyo sabay lagay ng pulbos tapos liptint ayos na . kinuha ko na rin mga gamit ko tapos bumaba na

"Ganda talaga ng bestfriend ko "natatawang sabi niya sa akin

"Tse may kailangan ka nanaman sa akin "sabi ko sa kanya

"Wala naman maganda ka naman talaga "seryoso niyang sabi

Nakatingin lang siya sa akin ako naman di ako sanay first time ko siyang nakitang nakatingin sa akin ng ganyan agad naman akong umiwas ng tingin.

"Uhm ma alis na kami ni kurt " sabi ko kay mama sabay kuha ng mga gamit ko at lumabas na

Sumunod na si kurt sa akin

"Ingat!!" pasigaw na sabi ni mama

Nilalakad lang namin ni kurt papuntang school malapit lang naman kami dun eh .

" so kamusta naman sila tita ?" sabi ko sa kanya

"Okay naman sila pinapasabi pala ni mama namimiss ka na raw niya dalaw ka raw sa bahay minsan " sabi niya

"Ah sige baka sa Saturday punta ako sa inyo" nakangiti kong sabi " balita ko si Althea may gusto sayo ah yieeeee" sabi ko sa kanya sabay kiliti sa tagiliran niya

"Althea ?? Sino yun" nagtatakang tanong niya sa akin

"Luh di mo kilala yun isa yun sa sikat sa school maganda tapos matalino tas varsity player siya sa volleyball "sabi ko sa kanya

" ah di ko alam di ko siya napapansin hayaan mo na lang yun titigil rin " seryosong sabi niya

"Luh kaya ka di nagkakagirlfriend eh ganyan ugali mo ako lang nakakatiis sa ugali mo ay "sabi ko sa kanya

" sadyang wala lang akong pakielam sa kanila " natatawang sabi niya

"Pshhh nako kurt " yan nalang sinabi ko.

Siya ayun tumawa lang. Hanggang sa makarating na kami sa school. Ayan nanaman ang mga bulungan ng mga estudyante.  Dibale sanay na kami

"Ayan na si kurt " sabi nung mga grupo ng babae habang kinikilig

"Ang gwapo niya "

"Bagay sila ni lia no kaso magbestfriend lang sila sayang naman "sabi nung isa

Napapailing nalang ako eto naman isa mukhang tanga nakangiti baliw ay ngumingiti nalang bigla

"Hi " nakangiting bati ni althea kay kurt

"Uy hi daw oh" sabi ko sa kanya

"Ah hello" seryosong sabi niya ayun naka poker face siya makikita mong hindi siya interesado . di naman siya ganyan sa amin ni niña eh

" a-ah hehe si" hindi natapos ni althea na sabihin kase bigla nalang ako hinila ni kurt at naglakad na at di na niya pinansin si thea

Sinabi ko nalang sorry kay thea tapos siya tumango lang . mukha nalungkot siya ito ba naman loko loko kong bestfriend parang walang pake lang .

"Hoy kurt " sigaw na sabi ko iniwan ba naman ako bilis talagang mainip yung lalaking yun aba di pa ako pinansin

Edi eto ako naglakad magisa tagal naman kase ni niña eh late nanaman pshhhh tambay na nga muna ako sa garden tutal 9 pa naman klase ko .

"Hi lia " sabi nung isang guy sa akin

"Hello" nakangiti kong sabi sabay lakad na

"Pre langya kita mo yun binati ako ni lia putsa pre nakakabakla pero kinilig ko " sabi nung guy ayun tinukso naman siya ng mga kasama niya ako napailing nalang .

Sanay naman na ako sa mga ganyan nga lang yung taong gusto ko may ibang gusto hayssss wala eh . wala din naman akong panama dun sa gusto nun Sobrang ganda tapos antalino pa eh ako never mind. Masyado kong dinadown tong sarili ko

Umupo nalang ako sa bench at kinuha yung phone ko at earphone sabay play ng music habang binabasa ko yung libro ko sa science para naman may alam ako sa ituturo nung teacher namin

May naramdaman akong may umupo sa harapan ko pero di ko pinansin dahil sa busy akong magbasa

May nagtanggal ng earphone ko at dahil sa inis ko natigil ko yung pagbabasa ko at humarap sa kanya

"ANO BA KITA MO NAMAN NA NAGBABASA AKO DIBA " sigaw na pasabi ko dun

"Alam ko" walang emosyon niyang sabi

-.-
Takte kagigil to ah alam naman niya pala ay

"Oh yun naman pala eh bat kailangan mo pa akong guluhin " pagtataray na sinabi ko

"Wala lang " wala paring emosyon na sabi niya sabay alis

Letseee talaga yung nico na yun arghhh pasalamat siya at gwapo siya masungit nga lang minsan ....

Pinagpatuloy ko nalang yung pagbabasa ko hanggang sa naisipan ko ng pumunta sa klase ko dahil malapit na rin namang magtime .

The Rebound Where stories live. Discover now