1

86 1 0
                                    

Napangiwi ako nang magkaroon ako ng kaubting sugat dahil sa isang manipis na sanga. Shit, ang tanga ko. Nagsiingayan tuloy ang mga dahon sa punong inakyatan ko! nakita kong tinuro ng isa sa mga kasamahan ni Nathalie ang puno kung nasaaan ako nagtatago. Agad na akong bumaba, dun din naman mapupunta.

"Hoy nerd, pizza nga. Bilis!" sabay bigay niya ng pera. Nangangati man ang kamay kong suntukin siya, wala akong magagawa. I needed to keep a low profile nang mapansin nila ako, and yet here is my so called low profile, being all way too low. Kung inaakala niyong walang canteen sa loob ng campus, obviously meron talaga, gusto lang talaga nilang maghirap ako dahil yun ang nagpapasaya sa kanila, ewan ko lang kung bakit, baliw na ata sila.

"Naku iha, sabihin mo lang kapag nassobrahan na sila ah. to the rescue agad ako!" Napatawa naman ako sa hirit ni Manong George, guard ng gate 1 sa school. Isa siya sa mga naging kaibigan ko na dito, isa pa, alam din niya ang totoo kong katauhan.

Magkatabi lang ang Smith University at ang RCU. Walang nakakaalam ng meaning ng RC sa di malamang dahilan pero sikat talaga ito bilang isang skwelahan ng mga delinquents. Mga walang plano sa buhay, at mga walang pakialam sa paligid nila. Di ko rin naman sila masisisi, wala nang saysay ang pakikipagmabutihan sa mga tao, mas mabuti atang sa hayop mo iyan gawin, mas may makukuha ka pang maganda.

Since magkatabi lang ang RCU at SU, palaging nadadaanan ng mga taga-SU ang RCU.

"Hey!" Biglang sulpot ng lalaki sa daanan ko. Sisipain ko na sana siya nang maalala kong kailangan kong magpakabait, sa ngayon.

Hindi ako tumugon sa kanya, imbes, nanahimik ako at yumuko. Mahiyain daw ba? "Ako si Nate.." sabay bigay niya ng kamay niya.

"Wala akong pake. May pupuntahan pa ako kaya please wag kang haharang sa daan ko." Mahinhin naman ang pagkasabi ko pero natawa ang mga kasamahan ni Nate. Tumawa na rin siya, tss tawa tawa, parang baliw.

"Sige na nga, ano nalang pangalan mo?"

Inirapan ko siya at naglakad na paalis, naka para na kasi yung jeep sa may waiting shed. Baka di pa ako maka sakay.

"Uy miss! Ano pangalan mo?!" rinig kong sigaw nung lalaking Nate ang pangalan. Lumingon ako at nakita kong napahawak siya sa batok niya.

"Shanilyn Smith!" sigaw ko. Great Sha, really. Ang tanga lang talaga Shanilyn.

Napa facepalm nalang ako at pinilit na mag move on ang sarili. Sana lang huling pagkikita na namin 'yun ni Nate.

Autumn Crocus (Re-written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon