#TIMSPanimula
When it comes to him, wala akong pakialam kung sino makabangga ko. When it comes to him, kaya ko gawin lahat kahit pamilya ko pa kapalit. When it comes to him, para akong nawawala sa sarili. When it comes to him, gusto ko walang makakalapit sakanya. When it comes to my love, gusto ko akin lang sya.
Pero bakit ang sama ng tadhana sa akin? Hindi ba talaga pwedeng mag mahal ng walang kapalit? Iyon ba talaga ang gusto nila, na masaktan ako ng sobra-sobra? Ano bang nagawa kong masama para hindi niya ako mahalin pabalik? I am not cruel naman to anybody diba? I have a charity naman to help abandoned children a, pero bakit ito ang kapalit?
Gusto ko magalit dahil kahit ano ang gawin ko, best friend ko 'yung mahal ng taong mahal na mahal ko, BEST FRIEND ko! Psh. I am dying inside. I am envious. Bakit sya pa?! Bakit sya pa ang mahal ni Gavin?!!!! For god's sake! Kaya ko agawin si Gavin sa kanya pero kahit ano'ng gawin ko, sya mahal ni Gavin! Siya at siya lang!
I've tried to tell Gavin the real feelings I have with him, but guess what was his answer?
"Ngayon pa lang, stop this." ani niya sa malamig na tono. That's him, that's his trademark. Ang may malamig na pakikitungo sa lahat, pero sympre hindi kasali sa lahat ang kaibigan ko. And unfortunately, I am one of it.
*vibrate*
1 message
LARA:
my loveee ♥ where are you? meet me at café dela fuerte, I've got to tell you something.
Psh. Galing pa sakanya. Galing pa sa best friend ko ang message. I don't know but Lara, I am definitely cursing you to hell. Honestly.
Me :
okay, lala ♥
Alam ni Lara na gusto sya ni Gavin, but she knows too how devoted I am to Gavin. Sinabi ko kay Lara na keep quiet, at wag nalang pansinin ang feelings ni Gavin towards her. I don't know but I felt relieved when her reaction wasn't as big deal as what I've expected. It was great.
And Gavin as well, hindi niya alam na sinabihan ko si Lara about his feelings. I warned—— I don't know if warned is the right term but pinagsabihan ko si Lara na wag na wag niyang ipagsabi kay Gavin. Kundi mawawalan sya ng kaibigan. Gaya ng sabi ko, kahit sino pa makabangga ko, i don't care.
Nang maramdaman ko na ang gutom ay agad akong bumaba, at pumunta sa kusina. Nakita ko si Mommy, abala sa pakikipag-usap gamit ang phone niya. She's smiling. Wide smile. Perhaps it's Tita Celestine, Lara's mom.
Kinuha ko ang bread at saka nutella. Papalamanan ko na sana pero nabigla ako sa pagsulpot ng tila galit kong ama.
"Kirsten!" galit na tawag niya kay Mom.
Agad napalingon si Mom sa gawi niya at ibinaba ang phone, walang ganang tumingin si Mom kay Dad.
"Why do you have to be that mean kay Gia?! For god's sake! She's my secretary! She is JUST my secretary! She ended up crying because of what you've done! You're being immature again, Kirsten! I don't know what to do with you!"
Hindi na ako nagulat dun, they are always like that. Everyday, every night maybe dahil tulog na ako nun. But Mom's jealousy isn't normal at all. I don't want to assume but maybe It's not love anymore. Wag naman sana.
"The way she looks at you wasn't as normal as what secretary should be! Alam mo Miguel?! You are hiring hoes, not secretary!" padabog na umalis si Mommy sa kinauupuan niya. Madiinan nyang tiningnan si Daddy.
"Watch your words, Kirsten! You don't know what you're saying! Ilang beses mo na ginawa 'yun at hindi isang normal na pagseselos yun!" tugon ni Daddy. Gigil na gigil. Hindi ba nila ako napapansin? Hello. I am in front of you. Watching horrible scenes. Hindi isang telenovela but in real life.
"So you were saying na hindi ako normal?! Ano ba talagang gusto mong ipahiwatig, Miguel?!!! Sawa kana ba sa akin?! Haaaah?! Sumagot ka?!" tila malapit ng manghina si Mommy.
Hindi agad nakasagot si Daddy. Not now, not today, please.
Agad akong umiksena.
"Don't you dare say it, Dad. Not now. Not this day. Hindi niyo ba alam ano ngayon?" kalma kong sabi pero nararamdaman ko na ang karera ng aking mga luha.
Parehong silang nabigla sa inasta ko. This was the first time kasi I've joined their fight.
"Darling?" agad na tugon ni Mommy. Malungkot niya akong tinitigan.
"We don't know what you're talking about, Jess." ani Dad.
"Nakalimutan nyo ba?" tanong ko.
"Ang alin?" Mom asked.
Bigla akong nanlumo. Ganun naba talaga sila ka-busy para makalimutan ang birthday ko?
I left them confused.
You are torturing me. Big time.
Come on, it's my 17th birthday.
*crossed fingers*
(A/N: Sorry sa mga typos. Incorrect grammars. Medyo engot e. Hahahaha. Please po, support me! Hehehe.)