Dapat na ba akong sumuko ? Alam kung mali pero dito ako masaya . Mahal ko sya , OO mahal na mahal pero paano ? Sobrang daming hadalang , Ang sakit tanggapin na yung kaisa-isang taong nag mamahal sayo ng sobra ay hindi mo pwedeng makapiling at makasama . Paano nga ba ang mag mahal ng simple at walang nanghuhusgang iba . Litong-lito at Gulong-gulo na ko . Gusto nang sumuko ng isip ko ngunit hindi ang puso ko . Dahil alam ko sa kanya lang ako sasaya .
Narito ako ngayon sa Secret Garden namin ni Wade . Pinasadya talaga ang lugar na ito para lang saming dalawa . Dito kami madalasa nag kikita at nag uusap sakaling may mga bagay na dapat na isekreto namin sa iba, yung tipong saamin lang dalawa.
Noong nakaraang araw ay napag usapan naming mag tanan nalang . Mejo naguguluhan ako sa planong iyon . Paano si Mama? Di ko sya pwedeng iwanan dahil sa may sakit sya . Pero paano naman kami ni Wade ? Haaay napaka gulo ng isip ko puro problema nalang ang dumadating . Maya-maya ay nag ring ang phone ko .
* Baby Love Love Tumatawag Ang Hubby Mo
Baby Love Love Sagutin Mo Na Tawag Ko *
Tumatawag si Wade !
" Hello "
[ Athena ]
" Wade , bakit may problema ba ? Bakit ka napatawag ? Di na ba tayo tuloy huh ? Wade kinakabahan ako sure ka na ba talaga dito ? Paano yung pamilya natin ? tiyak mag kakagulo sila. Wade *sobs* paano si mommy may sakit sya ".
[ Ssshhh Baby Love please stay calm okay ? tuloy tayo pupunta ako jan hintayin mu ako okay may problema lang daw dun sa isang construction site ng company may nangyaring accident at involve si Dad kelangan ko lang icheck . Dont worry i go straight ahead there after kong pumunta sa site hintayin mu ko Baby Love hah ]
" Oo Wade dito lang ako . Mag hihintay ako sayo . Hihintayin kita ".
[ Tungkol sa mama mo ako nang bahalang mag lipat sa kanya sa tutuluyan nating lugar so dont worry . Please be strong for us . I Love You Athena , walang hahadlang satin kakayanin natin tu ]
" I Love You Too Wade . Please dumating ka huh "
[ yes i will , ill call you again later . take care baby love ]
He ended the call . Napanatag na ang loob ko at mejo nawala naman ang kaba ko . Basta alam kong nasa side ko si Wade alam ko kakayanin ko lahat . Hihintayin ko sya . Buo na ang desisyon ko, Sasama ako sa kanya kahit saan sya pumunta dahil sa kanya ako sasaya . Sa kanya lang.
Kalahating oras na ang lumipas mula ng tumawag si Wade . Mejo inaantok ako napapasin ko nga ito lately na halos mayat-maya ay nais kong mahiga . Buti nalang at may kubong matutuluyan dito kaya pwede akong matulog . Naisipan kong magtungo muna doon at mag pahinga . Hanggang sa nakatulog na nga ako .
Sa gitna nang aking kahimbingan ay may narinig akong boses .
" Is she's still not awake Miguel ? Kailangan na nating pumuntang hospital ".