2

449 17 20
                                    

Blaze's POV

Whaaaaaa. Ginulo ko lang yung buhok ko. Bwisit naman. Simula pa kagabi hanggang ngayon di parin matanggal sa isip ko si Mi Nyu. Lalo na yung mga sinabi niya. Psh. Hindi ko alam. Nung nalaman ko kasi yun.. Parang. Parang bumilis tibok ng puso ko? Ugh. So gay. Whaaaa. Ano ba kasi 'tong tumatakbo sa isip ko! At bakit ako nanghihinayang?! Bakit ba naiinis ako sa sarili ko?! ANAK NG! Gusto ko na ba siya?! P-pero... Dati ko p----

*bzzzt*

From: Mi Nyu

[DEAR CRUSH, Alam kong imposibleng maging tayo, kaya nakapag-desisyon akong wag nalang sabihin at mag move-on nalang. </3... ay echooos? Haha. Lalo naman ako no! Ayoko pa magBF! Bata pa eh. Saka quote lang yaaaaan!

------------------------------

Annyeong! Okay pauwi na. Syempre kasabay ko lagi si Bespren at PrenBes. Haha. Ang wierd nga ng mga tawagan namin eh. Baduy kaso okay lang yan! Gora lang! echos ulit haha.

Grup #BlueGuitar]

Awts. Ano yun? Patama? Diba ako yung crush niya? Saka alam ko naman diba? Pero..teka ansabi niya kasi...kaya nakapag-desisyon akong wag nalang sabihin at mag move-on nalang... Hindi naman talaga niya sinabi sakin eh. Tinanong ko lang at sinabi niya lang na OO. Pero--- MOVE ON?!!  </////3 Hala! Hindi pwede. Hindi pwede. Unconciously nagreply ako. Ewan ko ba kung anong nangyari sakin pero ito kasi yung natype ko..

[WHAT?!! No way! Magmomove on ka? Hindi mo naman gagawin yun diba? Sabi mo quote lang yun diba? diba? Hindi ka naman talaga magmomove on diba? diba? Please don't..]

hala! Ano ba 'to!

*sending message*

Argh! Cancel! Cancel! Cancel!

*message sent*

Psh! Anooooooooooooooo???!!! Ano na?!!

*bzzzzzt*

1 message received from Mi Nyu

Mi Nyu's POV 

*bzzzzzt*

1 message received from Blaze.

[WHAT?!! No way! Magmomove on ka? Hindi mo naman gagawin yun diba? Sabi mo quote lang yun diba? diba? Hindi ka naman talaga magmomove on diba? diba? Please don't..]

Huh? Ano bang pinagsasasabi nito?

[Huh? Wrong send ka?] ako

[Ah.. Oo. Sorry Wrong send nga.] siya

[Ah. gege bye.] ako

Bigla namang hinablot netong si Bespren ung cellphone ko. Wow lang ah. Pwede naman hiramin muna diba?

"Psh! Kahit kelan talaga! Napaka-slow mo! San mo ba napulot yang IQ mo?" Bespren

"Huh? Iniinsulto mo ba ko?" Ako

"Hays. Slow ka nga" Prenbes habang binabasa yung conversation namin ni Blaze

"Ge pagtulungan nyo ko. Pag-untugin ko pa kayo eh" Ako

"Bakit ang brutal mo na ngayon? Haha." prenbes

"Psh. Magtigil nga kayo. Saka ano bang pinagsasasabi nyong slow ako? Akin na nga yang cellphone ko!" Ako

"Ibig sabihin lang kasi ni kuya. Wag ka magmove-on sa kanya. Kasi ang alam ko pagkatapos ko maligo nun nakita kong hawak niya 'tong cellphone ko. Nung umakyat na siya tinignan ko yung inbox and there, nakita ko yung tinext mo so possible na alam na niyang crush mo siya. Then, naggm ka ngayon diba? Pinadaanan mo pa nga kami ni Liezel ngayon eh, Diba may quote ka na nilagay dun and yun yung sinasabi niya na wag ka daw magmove on kasi alam niyang siya yung tinutukoy mo. Ang torpe kasi eh." Bespren ?.?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorry! [wrong send]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon