Dear Bestfriend

238 7 5
                                    

Dear Bestfriend,

"Keep smiling, keep shining knowing you can always count on me for sure. That's what friends are for. In good times, in bad times I'll be on your side forevermore. THAT'S WHAT FRIENDS ARE FOR."

Hello Kristina. Kamusta ka naman? Grabe, sobrang miss na miss na kita. Apat na taon na ang nakalipas nung huli kitang pinuntahan dito. Dito sa lugar na 'to. Sa lugar na unang beses tayong nagkita.

Namimiss mo ba ako? Naaala mo kaya ako? Hay. Ako 'to, si Marie. Yung bestfriend mo na hanggang ngayon ay sobrang nasasaktan at nagi-guilty sa mga nangyari apat na taon ang nakalipas.

Alam mo ba may may icoconfess nga pala ako sayo pero bago yun gusto ko muna magpasalamat sa unang beses na nagkakilala tayo. Dito rin sa lugar na 'to. Ang daming memories ang meron tayo dito diba? Gusto kong sariwain yung mga araw na hindi ko inaasahang mangyayari sa akin simula nung makilala kita.

Alam mo ba dati, wala akong naging kaibigan simula nung nag high school ako. Wala akong kasama mag recess. Walang kasabay pumasok o umuwi. Walang kumakausap sa akin na para bang hangin lang ako. Tahimik lang ako. Ewan ko ba kung bakit ganun. Siguro dahil sa ugali na ipinapakita ko sa kanila. Totoo kasi ako. Kapag alam kong ayoko sa isang tao, hindi ako mag aabalang makipag usap sa kanila depende na lang kung kailangan. Siguro din dahil sa nangyari sa akin nung 9 years old pa lang ako. Nung iniwan ako ng childhood friend ko na tinuring kong bestfriend. Iniwan niya ako at nakahanap siya ng bagong bestfriend. Masakit nung malaman kong hindi pala bestfriend ang turing niya sa akin. Masakit sobra. Kaya siguro feeling ko lahat ng magiging kaibigan ko iiwan lang ako at lolokohin.

Pero nung araw na makilala kita, dito sa lugar na 'to ay nagbago yung pakikitungo ko sa ibang tao nung isang beses na tinulungan mo ako sa mga nang-bully sa akin. At nung may nagtangkang mang holdap sa akin. Hindi ka natakot. Tumawag ka pa nga ng barangay tanod para matulungan ako. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Sobrang bait mo sa akin at napaka alalahanin mo kahit pa noong una ay sinusungitan kita. Tinatarayan. Nakakatawa nga na ginawa ko sa iyo yun. Way ko lang talaga yun para malaman kung magiging totoo ka sa akin o hindi pero nagkamali ako. Naging totoo at matapat na kaibigan nga.

Nandito ako dahil kay mommy. Nandito ka din dahil sa papa mo. Once a month lang ako magpunta dito kapag namimiss ko si mommy. Naging once a week at minsan pa'y araw araw pumupunta ako dito para makita, makasama at makakwentuhan ka. Pinakilala mo ako sa papa mo at pinakilala din kita sa mommy ko. Sobrang saya ko kapag kasama ka at lalo na kapag nagpapatawa ka. Ngayon ko lang ulit naramdaman yung saya.

Nung naging 2nd year high school ako, nalaman kong magiging schoolmate pala kita kaya sobrang natuwa ako dahil 2nd year ka na din pala. Mas natuwa ako ng maging magkaklase tayo. That time, naging masayahin na ako. Nakikipaghalubilo na ako sa ibang mga classmates natin at pati na din sa mga dati kong kaklase na naging kaibigan ko na nga ng dahil sayo.

Sobrang saya ko ng pinakilala mo ako sa family mo at ang mas nakakatuwa pa ay parang parte na ako ng pamilya niyo. Christmas, new year, birthday mo o kahit ano mang okasyon ay magkasama tayo. Halos di na nga daw tayo mapaghiwalay.

Naging mag bestfriend tayo. Kapag may mga projects o assignments tayo ay magkasama natin na ginagawa yun. Kasama kita kumain at umuwi. Naging kumportable talaga ako sayo lalo na kapag may mga problema ay nagsasabihan tayo sa isa't isa. Nagtutulungan pa nga tayo diba? Problema mo, problema ko na din.

Hanggang sa mag 3rd year high school tayo ay mas lumalim yung pagkakaibigan natin. Magkasama tayong nagpa-practice ng script para sa Stage Play sa Noli Me Tangere. Sumali tayo sa mga activities ng school natin. Impluwensya mo kasi eh. At hindi ko malilimutan nung sumali ako sa Journalism subject tapos sumali ka din para masamahan lang ako kahit alam ko namang hindi mo hilig yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon