*Printed Version available for pre-order. Just message me here or on my facebook page. See my profile for links*
Chapter 1
Napabalikwas ng bangon si Mae. Bahagyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi tapos sinandal ang likod sa ulunan ng kama at namaluktot yakap ang sarili. Aninag sa mukha nito ang matinding kalungkutan. Napanaginipan na naman niya ang maliligayang sandali na gusto niyang ibaon sa limot pero patuloy siyang minumulto...
Ramdam niya pa rin ang kirot sa dibdib. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng masasaganang luha sa kanyang pisngi...
Napahagulhol siya...
Hanggang kailan? Iyon ang naglalaro sa kanyang isipan. Hanggang kailan siya magdurusa sa kasawiang dinaranas. Nagmahal siya ng lubos pero nauwi lamang sa pagkabigo...
Mag-iisang taon na siyang pilit bumabangon. Gusto mang kalimutan ang lahat pero sa tuwing nag-iisa'y naaalala niya ang lahat. Hindi niya malimot ang maliligayang sandali kapiling ang lalaking unang minahal at nagwasak sa kanyang puso.
Mistula siyang buhay na patay. Nagpapadala sa agos ng buhay...
Pilit na nagpapatuloy kahit alam ng puso't-isipang wala nang saysay mabuhay pa.
Move on. Napakadaling sabihin para sa mga taong hindi nakaranas.
Maghihilom din ang sugat, anang karamihan. Siguro nga. Pero kailan?
Kung ang basehan ng paghilom ng sugat ay kung gaano kalalim ang nalikha, sa sobrang lalim ng sugat sa kanyang puso baka wala ng puwang ang paghilom...
Isa pa, paano magagamot ang sugat na walang gamot?
Maghanap ng iba. Marami pang lalaki diyan. Mga payo na napakadaling isatinig pero napakahirap gawin. Mahirap para sa kanya ang makahanap ng kapalit sapagkat tapat at dakila siya magmahal.
Halos araw-araw ay maraming gusto siyang kilalanin. Mga pahaging na damdamin...
Gusto niyang subukan pero sa tuwina'y pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay. Hindi dahil takot siyang muling masaktan kundi wala siyang maramdamang pag-ibig.
Namanhid na nga siguro ang puso niya o sadyang walang ibang tinatangi kundi ang unang nakabihag niyon.
Nakakapagod...
Sleeping pills.
Pansamantalang gamot para takasan ang sakit...
Pagmulat na pagmulat ng mata ni Ervin ay mabilis siyang bumangon para sumilip sa teleskopyo na nasa may bintana at nakatutok sa beranda ng katapat na bahay.
Isang magandang tanawin ang lagi niyang inaabangan sa halos araw-araw na nilagi niya sa resthouse niyang ito sa Baguio. Tinutok niya ang lente sa kanyang paboritong subject. Sa dalagang nakaupo at nakasampa ang dalawang paa sa bilog na mesa. Tulad ng dati ay tutok na tutok na naman ito sa hawak na cellphone.
Naka-short lang ang dalaga kaya litaw ang kaputian at kakinisan ng hita at binti nito. Kahit maluwang ang suot nitong t-shirt alam niyang nakapaloob roon ang malulusog na dibdib at makurbang beywang.
Sunod niyang pinagmasdan ang mukha nito. Kahit naka-sideview ay napakaganda nito. Tamang tangos ng ilong, magandang kurba ng mga labi at mapang-akit na mata. Ilang beses na niyang napagmasdan kaya memoryado niya. Maging ang pamilyar na lungkot na maaaninag sa mata nito sa tuwing bibitiwan nito ang cellphone.
BINABASA MO ANG
SNOWFIRE
RomanceNang mabigo sa pag-ibig pinili ni Mae Legaspi na iwan pansamantala ang pagmomodelo para magpahilom ng sugatang puso ngunit nang muling sumabak sa pagmomodelo pagpo-pose sa men's magazine ang unang alok na tinanggap niya. Maganda naman siya, mapangah...