*Printed Version available for pre-order. Just message me here or on my facebook page. See my profile for links*
Chapter 3
Kasalukuyang lulan ng eroplano ang staff and crew ng nasabing photo shoot. Nagpasyang makitabi si Mae sa kaibigang si Sham na siyang magdidirek ng nasabing pictorial.
"Masyadong excited si Atom na makita tayo eh trabaho ang pupuntahan natin doon," napapailing at napapangiting ani Sham.
"Adik nga talaga iyon, bilisan ko daw ang pagpose-pose ko para matapos agad tayo. Huwag na daw akong mag-inarte pa!" natatawang sambit ni Mae.
"Katawa talaga iyon kahit kelan."
"Sinabi mo pa!" sang-ayon niya.
"Anyway, first time mong magpapaseksi ng ganito. Nabigla nga ako eh, sigurado ka na ba talaga. I mean, handa ka na ba talaga kasi wala na itong urungan. Iniisip ko lang baka mamaya niyan kapag nandoon na saka ka tubuan ng awkwardness."
Hindi muna siya nakaimik. Hindi maikakailang may agam-agam at kinakabahan siya sa napipintong maganap pero nandito na ito. Isang positibong ngiti ang pinawalan niya bago nagsalita. "Salamat sa concern, Sham, pero handang-handa na talaga ako sa gagawin ko though may konting kaba sa dibdib, hindi naman ito magiging dahilan para umurong ako sa proyektong in-oo-han ko na."
"Nice to hear that. Ayoko kasi na may nag-iinarte habang nagdidirek ako eh. Joke! Pero mahigpit talaga ako. Don't expect na porque magkaibigan tayo magiging mabait ako sa iyo. I-set aside mo si Sham kapag nagso-shoot na tayo. Expect the director Amy from me."
"Katakot ka naman, Sham!" pabirong aniya. Noon pa lang hindi na niya sineseryoso ang pagiging seryoso nito kaya nga nasasarapan siyang asarin ito.
"Sige huwag mo akong seryosohin. Marami na akong napaiyak..."
"Marami na rin akong napa-walk out sa galing kong mang-asar..." aniya sabay tawa ng bahagya at sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi sapagkat nagsisimula na itong mairita sa kanya base sa unti-unting pagguhit ng mga linya sa noo nito. Bago pa ito tuluyang maasar ay nagsalita ulit siya. "Okay direk, masusunod ang mga bilin mo. Don't expect Snow from me, expect the professional Mae from me..." halos panggagaya niya sa litanya nito kaya bahagya itong natawa.
"Hmp! Ewan ko sa 'yo. Iidlip muna ako." Pakasabi niyon ay inayos nito ang pagkakasandal sa upuan at ipinikit na ang mata.
Lihim na lang siyang natatawa dito.
Unang shoot nila ay ginanap sa Port Barton, San Vicente. Maraming beaches doon. Panay pino at puti ang mga buhangin. Mapuno at malinaw ang tubig sa dagat. Marami ang magagandang tanawin pero mas pinili nilang ganapin ang photo shoot sa waterfalls na matatagpuan rin sa lugar na iyon.
Matapos maayusan ay hinagilap ni Mae si Sham. Naka-prepara na ang lahat ng gagamitin pero ang dalawang importanteng tao sa proyektong ito ay wala pa. Ang direktor at ang photographer. Excited pa naman siya sa gagawin pero may halong kaba marahil sa kadahilanang magpapakita siya ng alindog mamaya. Heto nga't tanggalin niya lang ang robe na suot ay ready to pose na siya. Pulang two piece ang pinasuot sa kanya. Nang titigan niya ang sarili sa salamin kanina ay napakaseksi nga niya. Walang lalaki ang hindi matatakam sa alindog niya.
Sa wakas ay namataan niya ang pakay sa may di kalayuan. Lalapit sana siya pero bigla na lang may lalaking lumapit rito. Hindi niya malaman kung bakit tila tumigil ang inog ng mundo niya pagkakita sa super yummy na katawan ng lalaki. Ang suot nito ay simpleng t-shirt at pantalon na bumabakat sa hubog ng katawan nito kaya bakat din ang kamatsohan.
Maya-maya'y pinansin niya ang takbo ng usapan ng dalawa. Mukhang masyadong seryoso ang pinag-uusapan. Napakaseryoso at tila may mga binibilin si Sham sa binata.
BINABASA MO ANG
SNOWFIRE
RomansaNang mabigo sa pag-ibig pinili ni Mae Legaspi na iwan pansamantala ang pagmomodelo para magpahilom ng sugatang puso ngunit nang muling sumabak sa pagmomodelo pagpo-pose sa men's magazine ang unang alok na tinanggap niya. Maganda naman siya, mapangah...