Simula

8 4 4
                                    

Nanginginig at nangangamba dahil sa kaba dahil ito ang unang araw ng aming pagkikita.

Mag me meet kami sa labas ng supermetro, kasama niya ang aking matalik na kaibigan na si Jhelo dahil sabi ko sa kanya na kunin nya si Jhelo sa kanila. Ginawa ko yun at nasabi sa kanya dahil para hindi awkward ang aming pagkikita dahil nahihiya pa ako sa kanya.

Alam kong maganda sya at kutis morena gaya ng mga pictures nya sa FB.

Una kong nakita si Jhelo sa kabilang kalsada na sa labas ng mall. May kausap syang babae na maganda tapos may dalawang malalim na mga dimples sa magkabilang pisnge.

Hindi ko maigalaw ang aking sarili at napatitig nalang sa kanya sa malayo.

Hindi ko na pinatagal at pumunta na ako sa kinaroroonan nila. Nandon parin ang aking nadamang pangangamba. Nung nakita ko na siya sa malapitan tila'y ang aking hininga ay nawaglit saglit sa mga oras na iyon.

Walang lumabas kahit isang salita sa aking bibig.

"Hi, Cho" sabi nya pa, "H-hi d-din Cho" Sabi ko pa. Napakaganda ng kanyang ngiti at lalo niyang nabihag ang aking damdamin dahil sa mga ngiti na iyon.

Ang awkward ng araw na iyon dahil pinagitna ko talaga si Jhelo habang kami ay naglalakad para mamasyal. Nahihiya pa kasi ako sa kanya.

Pumunta kami sa isang arcade ng mall tapos pinakita ko sa kanya ang aking angking galing sa pagbabasketball, tuwang tuwa at proud na proud sya sakin. Alam kong totoo ang pinakita niyang ngiti sakin. Pagkatapos ay pumunta namin kami sa food court para mag snack dahil nagugutom na kami. Umorder sya ng ice cream, waffles at iba pa.

Madaldal syang tao at mas matanda pa sya sakin ng anim na buwan. Si Jhelo naman ay mas bata sya samin ng isang taon. Siya ang pinakamatanda sa aming tatlo.

Gusto niya sanang dalhin yung bestfriend niyang si Abe kaso may date daw sa Jowa kaya sa susunod nalang daw.

Pagkatapos namin mag snack ay nag uusap muna kami mga bagay bagay tungkol sa mga gusto at pangarap namin sa buhay.

Hindi naman ganon kayaman o kahirap ang kanilang pamilya. Yung makakain lang talaga sila ng sapat na tatlong beses ng isang araw.

Kinagabihan, hinatid ko sila sa sakayan ng Jeep para sila'y umuwi na.

Malapit lang kasi yung samin, nasa kabilang eskineta lang.

Ito ang simula ng aming estorya.

Ito ay isang kwento ng pag iibigan ng dalawang babae sa social media.

-----------------------------------------------------------

Intindihin nyo nlng po kung meron mang typos o wrong grammar kasi bored lng po talaga ako kaya nagawa ko tong estorya na ito.

-J

Nang dahil sa Neargroup Where stories live. Discover now