Sadyang Nagkataon (One-Shot Story)

120 2 1
                                    

Sa isang malungkot na gabi, ang tanging tao aking nais makasama ay ang nagiisang ipinagsisigawan ng aking puso, si Gian.

Napakasarap sa pakiramdam na sa mga panahon na kinakailangan ko ang kanyang mga yakap ay nariyan siya para sa akin.

Hindi ko pa siya nakilala ng lubusan. Ang tanging alam ko lamang ay mabait siya, maalaga, mahal niya ako, at mahal ko siya.

Habang ako’y nakahimlay sa kanyang malawak na dibdib, may bigla akong naalala. Isang pangyayaring kailanman ay hindi ko malilimutan, na kailanman ay aking bubuhatin ang bigat ng konsensya na dala nito sa aking puso. Hindi ko lubos maisip na naging isa akong marahas na tao, isang di kapanipaniwalang tagpo na aki’y palang maaaring gawin.

*FLASHBACK*

Habang ako’y nakaupo sa aming balkonahe sa labas ng aming bahay, dumating ang aking ama, pagod na pagod galing sa trabaho. Ako’y pumasok sa loob ng bahay at ang bumalanta sa akin ay si daddy na nakaupo sa sofa habang si Miko ay palapit sa kanya, dala ang tsinelas ni Tatay.

“Mabuti pa si Miko, mahal na mahal ako.” Sambit ni Itay.

Si Miko na naman, si Miko na ampon, si Miko na mahal na mahal nila Inay at Itay, si Miko na nakikipagkompetensya sa akin. Siya’y isang pulubi noon, ngunit ngayon, nagbubuhay prinsipe na siya. Inagaw niya ang lahat sa akin, pagmamahal ni Itay at Inay, ang lahat ng yaman na dapat ay akin.

Lumapit naman si Inay kay Itay at Miko at tinanong ang ampon, “Miko, tapos ka na ba sa mga assignments mo? Gutom ka ba? Gusto mo ba paghanda kita ng merienda?”

“Di bale na po, Inay. Hindi po ako gutom, atsaka tapos na rin po ako sa mga assignments ko.” Kanyang sinagot. “Inay, baka si Itay gutom. Pagluto niyo po siya. Tutulungan ko po kayo.” Sinabi niya ng pangiti.

“Naku naku! Ayan na naman si Miko, umaandar na naman ang pagiging malambing.” Sabi ni itay kay Miko, habang niyayakap ito.

“Hay! Ang kyut kyut niyong tingnan. Sali nga ako.” Paiinggit na sabi ni Inay habang siya’y lumapit kina Itay at sumali sa yakapan.

Buti pa si Miko, mahal na mahal nila, samantalang ako, ako na namuo dahil sa pagmamahalan nila, ako na nanggaling sa sariling dugo at laman nila. Pero bakit mas mahal nila yang ampon na yan? Kahit kelan hindi man lang sila nag - alala sa akin, kahit kelan hindi nila ako minahal.

Ako’y napaiyak habang nagtatago sa likod ng hagdan. OO, inaamin ko, inggit na inggit ako kay Miko, dahil lahat ng natatanggap at nararansan niya ay dapat akin. Akin lamang.

Nakita ko na lamang si Inay, siya’y nasa gilid ko na. Nakatingin lamang siya habang ako’y umiiyak. Ganun na lang ba talaga ang nadarama niya para sa akin?

Sa aking inis at lungkot, tumakbo ako pataas at nagkulong sa aking kwarto at itinuloy ang aking pagiyak. Ako’y nasaktan ng lubos, sapagkat di ko mawari na bale wala na lamang ang mga nararamdaman ko para kay Inay. Bale wala lang ako sa kanila.

Sa ilang sandali, may narinig akong katok sa aking pintuan. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto. Unti- unting humina ang katok. Kaya tumayo na ako at binuksan ng dahan dahan ang pinto.

Bumalantad sa akin si Inay. Ito na ba iyon? Napag- alala ko ba si Inay ng dahil sa aking pagiyak? Kahit inis ako at lungkot na lungkot, parang naliwanagan ako. Parang may nadama akong napakaliit na kaligayahan sa aking puso.

“Rica?” sabi niya.

Yumuko ako at sumagot ng “Po?”

“Bukas aalis kame ng iyong Itay, pupuntahan namin ang iyong ninang dahil may kelangan ang iyong itay sa kanya.” Batid ni Inay.

Sadyang Nagkataon (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon