chapter one

61 4 2
                                    

"isang lalaking mayroong tattoo sa braso na baboy ang makakatuluyan mo, sya ang lalaking poprotekta at mag mamahal sayo ng tapat." sabi sakin nung manghuhula sa kanto namen.

Ako si Xandra Dela Cruz.

Anak ng mayari ng junkshop.

Kilala bilang boyish, matapang, palaban at walang inuurungan.

Blackbelter sa taekwondo.

Marunong ng boxing, kungfu, taekwondo at karate.

Kailangan kong protektahan ang sarili ko sa mga taong mapang api at mapangsamantala dahil ako lang ang iisang babae sa pamilya.

Patay na ang nanay ko at wala akong mga ate kaya naman hindi ako marunong kumilos as babae, lahat ng damit ko panglalake.

Sa unang tingin aakalain mong tomboy ako dahil sa kilos at pananamit ko pero sa totoo lang babae talaga ako. Hindi ko lang pwedeng ipakita yung softside ko dahil baka ako naman ang maapi.

-

Nasa gym kami ngayon ni Lee Seuk, ang bestfriend ko. Gwapo sya, half korean half filipino. Maraming may gusto sakanya pero ako lang parati ang kasama nya. Kababata ko sya. bestfriends lang kami yun lang. Kase yung mga tipo netong ni Lee ay mga babaeng chix! tapos bavarian yung mukha. Eh ako? Ay jusko hahahahahaha dinaig ko pa yung squatter sa eskinita! Kung sya ay pulang pula ang labi sa kakalipstick ng pula eh, yung akin naman.. Ha! walang kakulay kulay -.-" tapos yung mga babae iba na kulang na lang ay magbra at magpanty sa ikli ng suot hayjusko eh yung akin? tokong tapos maluwang na shirt. Kaya maluwang ang shirt ko ay hindi dahil flatchested ako! hmmp! May dibdib ako noh! Kaya nga maluwang shirt ko eh! Para hindi halata! Para hindi mabastos :( anyways. Kaya kami nandito sa gym ni Lee ay para masilayan ko si Brent ang captain ball ng school namin. Heartrob sya kaya naman normal lang sakanya ang may mga nagkakagusto sakanya.

W-wait. Nakatingin ba sya dito? Sa direksyon namin ni Lee?! OMG!!! >/////< hoy wag kayo! kahit boyish ako marunong din akong kiligin no!

Nung papalapit na sya ay naconscious ako sa itsura ko :( kase naman naka cap ako tapos gulo gulo buhok ko tapos naka salamin pa ko tapos yung tshirt ko parang tshirt ng taong grasa tapos yung mga binti ko! Ang dudumi! Haiszxct.

Nung malapit na sya ay kinikilig ako whaaa kayo kaya hindi kiligin kapag dumaan sa harapan nyo crush nyo?!👊👊 UTOT NYO HAHAHAHAAH BAKA NGA KINUKUROT KUROT NYO NA SA TAGILIRAN YUNG KAIBIGAN NYO EH!! anyways so ayun nga whaaa kinikilig ako. Napapikit ako sa kilig tapos habang huminga ako ay naamoy ko si Brent. Haiszxct napaka bango nya kahit pawis na pawis haha pwede ng ibenta yung pawis nya! Hangsaya!😂.

Naghintay ako ng may magsasalita sa harapan ko pero ilang minuto na akong nakapikit wala paren hanggang sa binatukan na lang ako ni Lee dahil kanina pa ako nakapikit. Lumingon ako sa likod ko at nakitang nakikipaglandian si brent sa isang magandang babae, maganda sya, makinis, maputi basta lahat ng kagandahan nasa kanya na 😞.

Para naman kase akong tanga e. Alam ko naman na hindi ako magugustuhan ni Brent dahil mga chixx din ang hanap nya pero hanggang ngayon umaasa paren ako kase nga may tattoo syang baboy sa braso nya at baka sya na ang soulmate ko :( .

Medyo nabadtrip ako kanina kaya umuwi ako kaagad.

Naligo ako pagkauwi at nagbihis, naka boxer na spongebob ako at vneck na maluwag na blue.

8:30pm.

Nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung bakit ang aga aga ko humiga pero feeling ko minamagnet ako papuntang higaan e. Oh well go with the flow na lang.

Naka tingin ako sa kisame at nag iisip ng kung ano anong mga bagay katulad ng bakit mahaba ang balbas ni santa claus, kung bakit mahaba ang tenga ng dwende kung bakit ang ganda nung author haha tapos kung bakit ba ganto ako.

Biglang pumasok sa isip ko kung paano kaya kung umamin ako kay Brent na mahal ko sya? May pag asa kaya? Hihi first time kong lumandi kaya wag kayong ano dyan hahaahhahaah tse! :p

++++++++

oky lng ba guys? haha tutuloy o hindi? SAGOT AGAD BILIS HAHA PARA IUUPDATE KO SYA AGAD OR IDEDELETE😭😭

soulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon