Axl POV.
Isang linggo na.
Isang linggo na kong tuliro. Isang linggo na buhat ng mamatay ang tatay tatayan ko. Si tatay Rod. Siya ang umagapay at kumupkop sakin buhat nung ibilin ako sa kanya ng aking ama. At simula ng pumanaw siya ay ako nalang ang nasa bahay. Kumakain magisa. Matulog magisa sa bahay. Napakalungkot, Walang buhay. Nasanay na ako na nandyan ang presensya niya. Kaming dalawa nalang ni tatay ang nagdadamayan pero iniwan pa niya ko. Isang linggo na rin akong baliw kakaisip sa hiling ni tatay bago niya ko iwan.
Flashback.
One month ago
"Liver cancer. Stage 4"
Nanlambot ang tuhod ko ng sambitin ng doctor ang resulta ng kalagayan ni tatay. Sabay abot ng malaking envelope na kinaglalagyan ng mga resulta.
Ngayon ko lang to nalaman. Parang anumang oras ay bibigay ako sa nalaman ko. Gusto ng bumigay ng tuhod ko. Pakiramdam ko ng mga oras na yun ay tumigil ang daloy ng dugo sa aking katawan.
Liver cancer stage 4.?! Akala ko ay normal na sakit ang dinadaing ni tatay ngunit diko inakala na ganito dahil ayaw niyang magpatingin sa doktor. Dalawa na nga lang kame sa buhay ay ganito pa ang mangyayari at kahihinatnan ng lahat. Kahit gumapang ako sa loob ng simbahan ngayon upang magdasal ay hindi agad agad gagaling ang tatay. Kahit ibenta ko ang lahat ng organs ko maigamot lang siya ay gagawin. Kahit ang bahay aliwan ay papasukin ko matustusan lang ang pagpapagamot niya. Lahat gagawin ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero diniretso na ko na doktor na oras nalang ang natitira para sa kanya. Ayoko rin siyang nakikitang nahihirapan. Alam ko rin na anumang oras ay maaari niya kong iwan ng dahil sa malalang sakit niya. Di ko namalayan na naiyak nalang ako sa nabalitaan sa kalagayan ni tatay.
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Nilapag ko ang pagkain na binili ko sa labas upang kainin ni tatay. tinititigan ko siya habang natutulog, bakas sa muka niya ang hirap dulot ng sakit na nararamdaman, ang pagod niya marahil ay matagal na niya itong dinadala. Kung pwede lang na ako ang nasa higaan at siya masigla na nabubuhay. Inayos ko ang pagkain na binili ko, Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita at may binigay na papel, nagulat ako dahil hindi ko namalayan ang paggising niya. Nabasa ko ang isang pangalan ng lalaki at address nito. Kinuha ko ito ng may halong pagtataka.
"Pag namatay ako. Wag kang magdalawang isip na puntahan ang taong yan. Siya ang tutupad ng lahat ng pangarap mo at kukumpleto ng pagkatao mo." sabi niya. ramdam ko ang hirap sa bawat pagsasalita niya.
Nagtaka ko sa huli niyang sinabi. Kukumpleto? Sa buhay ko?
"Tay. Kayo lang naman ni inay ang kumukumpleto sa buhay ko. sabi ko at tumayo papunta sa lamesa kung saan ko iniwan ang pagkain na binili ko kanina lamang.. totoo naman silang dalawa lang naman ang pamilya kaso nga lang ay iniwan na kami ni nanay at ngayon ay alam kong malapit na rin niya kong iwan. nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ko.
"Axl. Hindi kita tunay na anak. Ang tunay mong ama ay ang aking amo noon sa trabaho. Ibinilin ka ng tunay mong ama sakin upang takasan ang mga pinagkakautangan niya noon dahil nalubog kayo sa utang dahil sa pagpapagamot ng iyong ina ngunit nabalewala din ito dahil namatay din ang iyong ina. Subalit hindi na siya kailanman bumalik mula ng iwan ka niya sakin. Pero nung nalaman ko na nagbalik na siya sa bansa at isang pinakamayaman dito. hindi na ko nagdalawang isip na ipakilala siya sayo dahil alam ko na maiibigay niya lahat ng pangangailangan mo oras na mawala ako"
Sunod sunod ang pagsasalaysay ni itay. Sunod sunod din ang butil ng luha na tumulo sa mata ko na kanina pa gustong bumagsak habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito. Agad kong pinunasan ang mga ito. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sakin. Muli na naman siyang nagsalita.