Sa pagpapatuloy ng sumpa...
1. Nasanay ako na kumain ng walang itinitirang ni isang butil ng kanin sa plato ko. Hindi sa dahil adbokasiya ko din ang isang slogan ng Department of Agriculture o dahil traumatized ako ng mga magulang ko, pero ito talaga ang nakasanayan ko na noon pang bata ako.
2. Nasanay ako na maligo/mag-C.R. na gamit lamang ang isang timbang tubig (timba ng Boysen paint) pero makasisiguro po kayo na nalinis ko po thoroughly ang aking katawan dahil wala po akong b.o. hanggang sa oras na ito. Again, nakasanayan ko lang po talaga ito.
3. Nasanay ako na ipagkasya ang isang basong tubig para ipang-toothbrush. Again, makasisiguro po kayo na hindi ako bad breath dahil wala pang bad feedbacks ang mga tao sa paligid ukol sa hininga ko. Marahil ay nahihiya sila. Again, wala pong nag-udyok sa akin na gawin ito, nakasanayan lang talaga.
With limited resources comes great discipline. This.
4. Inuulam ko sa kanin ang spaghetti kapag nagsama sila sa plato ko.
5. Mahilig akong magbuting-ting ng mga bagay-bagay. Wala man akong mga gamit at training sa electronics, may mga naayos na akong cellphones, electric fan, washing machine, dryer, TV, radyo, DVD player, at computer gamit ang kutsilyo bilang aking screw driver at common sense bilang guide ko.
6. Mahilig akong gawing simple at organized ang isang bagay o lugar. Sabi ng mga nakasama ko OCD daw iyon. Siguro tama nga sila. Pero napagtanto ko na minimalism pala iyon. Ayaw ko lang sigurong nakikitang magulo ang kapaligiran ko.
7. Nitong January pa lamang ako narinig na kumanta ng pamilya ko. Matagal kong inilihim sa kanila ito. Alam ng mga kaklase at kaibigan ko na kumakanta ako pero tanging pamilya ko na lang ang hindi pa nakaalam. Minsan, isang Pasko ko silang hindi nakasama dahil naging wedding singer ako sa Baguio. Nagulat sila nung umalis ako na may dalang gold na barong sa bisperas ng pasko.
8. Hindi pa ako nakasali sa kahit anong singing contest dahil pinipigilan ng universe ang pagkakataon- yung una, na-late ako sa audition dahil may quiz kami na inuna ko; yung pangalawa naunahan ako sa slot sa institute namin; panghuli, nag-back-out ako days before the competition dahil kailangan kong i-prioritize yung thesis or else mapapagalitan ako. So, yeah.
9. Nung sumali ako sa choir, pasok ako bilang bass (mababa ang boses). Pero binigyan ako minsan ng part na pang-soprano coloratura (yung may whistle voice na parang yung kay Mariah Carey) dahil hindi abot nung ibang soprano. So, yeah.
10. According sa mga nakasama ko kaboses ko daw si Janno Gibbs. Minsan kase, nagtaka yung ibang kasabayan namin sa laboratory ng marinig nila yung kantang Doon Lang ni Nonoy Zuniga pero sa boses daw ni Janno Gibbs. Nagtanong sila kung sinong ponsiyo pilato daw ang nagpatugtog nun. Ayun.
11. According sa mga kapitbahay namin sa apartment, sinong ponsiyo pilato naman daw ang nagpapatugtog ng Oh, Holy Night na version ni Mariah Carey sa boses naman daw ni Gary V. ng umagang-umaga? Ayun ulit.
12. Mahilig akong mag-sketch ng mukha. Lately pinag-praktisan ko ang mukha ni Allison Harvard hart hart hart gamit ang ballpen hart hart hart.
13. Napagkamalan akong Korean nung pumunta kami sa isang medical mission sa isang bayan sa Pampanga. Kinausap ako sa English ng isang taga-doon, nagtatanong ng bakuna. Ayun, sinagot ko siya ng Kapampangan. And we all lived happily ever after.
14. Nakuryente ako nung 3 years old ako ng hawakan ko ang bumbilya na ilaw para sa mga alaga naming sisiw. Tumilapon lang naman ako ng mga isa't kalahating metro. And a super villain was born...
15. Sa OJT namin sa Nueva Ecija, nasuwag ako, not once but twice, ng isang pagkataba-tabang dorper sheep habang nakatalikod ang pobreng ako at pinapalitan ang inuming tubig ng anak-ng-tupa na iyon. Tumilapon ulit ako ng kalahating metro sa first try, isa't kalahating metro sa second try. Hindi na siya nakasubok sa third try dahil naka-home run na ako. Back pain for three days.
16. Mahilig ako sa mga libro, particularly yung mga grace message na spiritual books. Gaya ng mga books ni Andrew Farley.
17. Mahilig akong magkape. Kapag tambay lang ako sa bahay, nakaka-anim na baso ako ng kape. Heart palpitations the next day.
18. Mahilig ako sa sitcoms gaya ng South Park, The Simpsons, The Big Bang Theory at 2 Broke Girls.
19. Hindi ako mahilig makipag-argumento, ni hindi pa nga ako nakipag-away, pero recently, nakaaway ko ang isang pastor at ang asawa niya (nasa isang story ko entitled Thesis kung paano nagsimula ang lahat kung gusto po ninyong malaman.) Sometimes the seemingly bad guys with tattoos and vices are the good company than the seemingly good guys in churches dressed neatly. Looks can be very deceiving. Careful.
20. Hindi ako kabilang sa kung ano mang religious group ngayon at maging sa hinaharap. Relasyon lang kay Abba ang meron ako at sa only Son Niya at iyon lang ang panghahawakan ko and not some other poor hybrid altenatives of religious bull crap.
21. Naniniwala akong hindi nakalaan ang kaisipan at buhay ng isang tao para sa isang kahon ng mga panuntunan gaya ng limit dito na 20 Facts About Me. hehehe
There. Done.
Salamat sa pagbabasa!
We can make the world a better place if we continue to spread the message...of...this...yeah. (Ano nga pala pinaglalaban natin dito? Yung Pork Barrel pa rin ba? XD)
Ipapasa ko na ang sumpa sa mga hindi pa nakakagawa nito...
#ParaSaBayan
#MiriamDefensorForPresident2016