Naaalala ko pa ang araw na nakilala kita, ang araw na hindi na ako nag-iisa.
Strangers becomes friends, friends become bestfriends.
Naaalala ko pa ang araw na ang saya ko kasi kasama at nakita kita kahit na hindi tayo nag-uusap. Wala akong ibang nararamdaman kundi lungkot kasi nasa iba ang attention mo, naisip ko ano nga ba ako diba?
Minsan lang tayong nagkita pero ito ako nakangiti mag-isa. "Ikaw lang sapat na" ang katagang paulit-ulit na sinasambit ng puso ko.
Naaalala ko pa ang mga araw na masaya tayong magkasama at magka-usap kahit sa cellphone lang, hanggang sa tumatag ang ating samahan ganun din katatag ang aking pagmamahal.
Advance ako mag isip kaya alam kung pinagtagpo lang tayo ng kapalaran ngunit di pala nakatadhanang tumagal ang samahan.