( Hango sa tunay na BUHAY ng tagapagsulat)
~ Ako pala si Kaizer, at gusto kong ikweto sa inyo yung love story ng buhay ko. ~
Teenager pa ako noon, nung una kong maramdaman ang LOVE, masarap sa FEELING kapag inlove ka, kasi araw-araw kang inspired, araw-araw kang nakangiti kahit walang dahilan, at higit sa lahat araw-araw kang kinikilg., Kapag inlove ka lalo na at may commitment , sinasabi mo sa sarili mo na sana kami na nga, sana hindi siya mawala, sana wag niya akong ipagpapalit. Alam mo yun? Yung mga bagay na pumapasok sa isip mo kasi natatakot kang masaktan o kaya’y natatakot kang iwan ng taong MAHAL mo? Kaso may mga pagkakataon talaga na hindi natin inaasahan sa ating buhay , kagaya ng nangyari sa akin..
Highschool student ako noon, First Day of classes, syempre meron yung hiyaan, merong AWKWARD moments sa mga classmates at ang kausap ko lang ay mga OLD FRIENDS mo . Meron akong classmate na BABAE pangalanan natin siyang JADE , mmmm. Maganda siya, matalino at sabihin nating CAMPUS CRUSH , kaso maarte. Inis na inis ako sa kanya noon, yung parang ang laki ng galit ko sa kanya ewan ko kung bakit. =D Bawat galaw niya minamasdan ko, ..At hindi ko pala alam na pati yung ibang classmates ko na ka COLUMN ko ng upuan/seatmate ganun din yung IMPRESSION sa kanya. Kaya naman doon kami naging close ng iba kong classmates. Syempre kapag ganun medyo hindi na awkward kasi may kakilala na ako , at iyon may binuo silang group, pangalan niya “ KATASERS the ORIGINAL “ at member ako niyan masaya yung group namin, turingan namin magkakapatid na kahit kakakilala pa lang namin sa isa’t-isa. Parati kaming nasisita sa classroom kasi ang ingay namin, pero okay lang yun basta ba’t tumawa kami na magkakasama. Tapos halos kami na ang magkakasama araw-araw, sabay-sabay kumain ng RECESS at LUNCH. Walang plastikan sa KATASERS kaso madalas ang basagan ng trip, pero syempre ganun naman ang tunay na magkakaibigan diba? Kaya sabayan mo na lang. Basta ang mahalaga TUNAY kayo sa isa’t-isa.. Pero di namin inaasahan, na sa pagpasok ng 2nd Grading eh, magkakahiwa-hiwalay na kami, kasi kailangan ng bagong seating arrangement.
Eto na hiwa-hiwalay na kaming KATASERS pero di ko inaasahan na ganun parin sila kaingay kahit malayo na sa upuan ang isa’t-isa, sigawan dito, sigawaan doon.. Nasa column 3 ako noon at na sa pinakalikod as in likod na likod. =D at yung iba naman nasa COLUMN 1,2,3 at 4 kaso nasa harap kaya wala akong kasama (LONER) =/
After 1 week……………………..
Hindi ko akalain na mabait pala itong si JADE noong nakausap at nakilala ko na siya. Medyo gitna na ng 2nd Grading Period noon ng magkasakit yung seatmate niya for almost 3 weeks kasi may sakit, ako naman lumilipat ako doon sa upuan ng seatmate niya kasi masyado akong malayo, araw-araw yan kasi nga hindi ako maka FOCUS doon sa upuan ko kasi masyadong malayo sa blackboard at sa teacher , Hanggang sa kinausap niya ako. (FC mode activated.jk. ) syempre classmate ko siya, kaya kailangan kong pansinin baka sabihing SNOB ako, hanngang sa naging close na kami, yung araw-araw ng nagpapansinan sa school =)
One day yung kaibigan ko nag open sa akin, sabi niya may gusto daw siya kay JADE , humihingi siya ng advice kasi hindi niya maamin noong una, kaya yun sabi ko kung talagang may gusto ka sa kanya aminin mo, kasi malay mo magustuhan ka rin niya. Kaya yun umamin siya kaso na BASTED si classmate, parang ang sama ng loob ko noon dahil sa advice na binigay ko nasaktan pa siya.
November 17-25 :
Eto yun oh, buwan ng birthday ko,,, sakto nakuha ko na number niya. Nahihiya kasi akong hingiin sakanya kasi …….. basta.. Nagkakausap na kami sa phone kaso hanggang text lang :/ pero okay na yun atleast may communication na kami araw-araw.
November 25 na eto na yung last day para matapos yung LANDSCAPE namin , meron kasing contest noon at kinabukasan ijuJUDGE, kaya naman tulong-tulong kami pero kitang-kita mo kay JADE yung determination niyang manalo kasi halos siya yung may pinakamaraming ginawa, until dumating yung teacher namin at tinanong kung sino yung hindi tumulong , ako naman nag JOKE sabi ko si JADE, tapos hindi ko alam na pagod na badtrip siya noon kaya yun nag walkout siya at pumunta sa classroom na umiiyak. Sama ng loob ko noon, feeling ko ang sama ko kasi nakapaiyak ako ng babae, first time ko yun kaya hindi ko matanggap, kaya ako naman dali-daling sumunod sakanya para humingi ng sorry, pero nagulat ako pagdating ko sa classroom kasama niya pala yung EX niya, kaya nahiya akong lumapit……. Pagkauwi ko balisa parin ako sa ginawa ko.. di talaga ako makapaniwalang nakapagpaiyak ako ng babae, :’/ . Pagkauwi ko sa bahay sinusubukan ko siyang tawagan kaso hindi niya sinasagot kaya ngtext na lang ako at doon ako humingi ng SORRY sa kanya. Tapos yun nagreply siya sabi niya ok lang daw.