INVISIBLE

152 4 0
                                    

I just wanna show you, he don’t even know you. He’s never gonna love you like I want to. And you just see right through me, but if you only knew me, we could be a beautiful miracle, unbelievable, instead of just invisible

Hello. Kilala mo ba ako? Siguro hindi. Pero ako kilala kita, noon pa man. Palagi kitang pinagmamasdan sa hallway. Palagi kang nakatingin sa kanya. Alam ko noon pa man na may gusto ka sa kanya. Ibang-iba kasi ang mga mata mo tuwing dumadaan siya. Parang mga bituin sa kalangitan na nagniningning, yun nga lang, para lang ito sa kanya. Buong buhay kong pinangarap na balang araw, ang mga matang iyan, ay magniningning para lang sa akin. Pero ang tanong, kalian kaya? Ni hindi mo nga ako kilala. Isa lang akong hamak na taong kailan man, di mapapansin ng gaya mo. Kailan mo ba marerealize na di ka niya mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sa iyo? Kailan mo ba makikita ang isang tulad ko?

First year high school ako noong una kitang makita. Maganda ka, mataas, literally at matalino. Unang tingin ko palang sa iyo, nagkagusto na ako kaya nga nung nabalitaan kong magiging kaklase kita, super saya ko. Naging magkatabi tay. Noong una, nahihiya akong magpakilala pero nilakasan ko ang loob ko. Kaya nga nung nahulog ang pencil mo, kahit na super layo, kinuha ko. Nakipag-agawan pa nga ako sa isang kaklase natin pero nanalo naman ako. Agad kong inabot ang pencil sa iyo, kaya lang super busy ka sa pakikipag-usap sa mga kaibigan mo kaya di mo ako napansin. Well, napansin mo nga ako, kaya lang di mo ako tiningnan at kinuha mo lang ang lapis sa akin at nagpasalamat. Ngunit di pa rin ako nawalan ng pag-asa. Isang araw, di ka nakagawa ng assignment. Naisip ko na pakopyahin ka para naman maka-usap kita, pero ng papunta na ako sa upuan mo, nakita ko na may kinokopyahan kana. Nakakainis lang. Bakit parang ayaw ng tadhana na maka-usap kita?

Nalaman ko nalang na may gusto ka palang senior isang araw. 3rd year na tayo nun. Palagi kitang nakikita sa hallway na inaabangan siya, palaging siya ang topic niyo ng mga friends mo at palaging pangalan niya ang bukambibig mo. Ano bang meron siya na wala ako? Bakit ba di mo ako makuhang pansinin? Pero kahit ganun, I’m wanting you more each day.

Papalabit na ang araw ng prom kaya nagplano akong imbitahan ka sa prom bilang aking date. Inisip ko ang plano ko nang maigi. Araw-araw naglalagay ako ng mga letters sa locker mo pero puro anonymous ang inilalagay ko para naman masorpresa ka. Nang palapit na ang prom, naisip kong yayain ka na kaya naglagay na ako ng date at place sa letter kung saan pwede tayong magmeet. Nung una nagdodoubt ako na dadating ka pero nawala iyon ng may makita akong anino sa likod ng school. Tumakbo ako papunta doon kasi excited na ako na makita ka. Pero iba ang nadatnan ko…

Nakita kita at ang crush mo, naghahalikan sa ilalim ng buwan

Sa sobrang gulat at sakit, nahulog ko ang bulaklak na ibibigay ko sana sa iyo. Tumigil kayo sa ginagawa ninyo dahil siguro narinig niyo iyon. Pero agad akong tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napagod ako. Di ko nga alam kung saan na ako nakarating nun, pero ang alam ko lang, naramdaman ko ang luha ko na unti-unti ng tumutulo sa mga pisngi ko. Sa sobrang sakit, sumigaw ako ng malakas. Wala akong pakialam sa mga nakakarinig sa akin. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila. Ang alam ko lang, kailangan ko tong mailabas para mabawasan man lang ng kaunti ang sakit na nararamdaman ko.

Dumating ang araw ng prom. Ayaw ko ngang pumunta kaya lang pinilit ako ng mga barkada ko. Dahil ang kukulit nila, wala akong choice kundi sumama sa kanila. Di ko alam kung nawawala na ba ako sa pag-iisip dahil kahit sinaktan mo ako noong isang gabi, ikaw pa rin ang hinahanap ng mata ko, ikaw pa rin ang iniisip ng isip ko, ikaw pa rin ang sinisigaw ng bibig ko, at ikaw pa rin ang minamahal ng puso ko.

Nakita kita sa sulok na namumula ang mga mata mo. Nag-alala ako kaya kahit na masaktan uli ako, nilapitan kita. Tinanong kita kong anong nangyari sa iyo pero di ka sumagot, instead niyakap mo ako. Pagkatapos noon, niyaya mo akong lumabas. Kinuwento mo sa akin ang dahilan kung bakit ka umiyak. Sabi mo na di ka niya sinipot. Di lang ako nagsalita noon, pero sa isip ko, marami akong gustong sabihin. Kung sana ako nalang ang minahal mo, di ka sana umiiyak ngayon. Aalagaan kita, pasasayahin, at wala kang maririnig na reklamo sa mga bibig ko. Gusto kong sabihin iyon, kaya lang natatakot ako. Natatakot ako na masaktan muli.

Pagkatapos ng gabing iyon, pinasalamatan mo ako. At isang bigay na di ko inaasahan ang nangyari,

Hinalikan mo ako

Sobrang saya ko nung mga oras na iyon. Sa wakas, sa wakas napansin mo na ako. Sa wakas, nakita mo na ako.

Pagkaumagahan nun, maaga akong gumising. Excited na kasi akong makita ka, kung ano ba ang pakiramdam na mapansin ako. Excited na akong maramdaman ang mga iyon. Pagkadating ko sa classroom, wala pang tao kaya natulog muna ako sa desk. Pagdilat ko ng aking mga mata, marami ng tao. Hinanap kita at sa wakas nakita kita. Nandun ka sa labas ng room kausap ang iyong mga kaibigan. Binati kita ng magandang umaga. Pinansin mo nga ako pero nagsmile ka lang sa akin. Naisip ko na siguro kailangan mo pa ng space para makamove-on sa nangyari kagabi kaya tutulungan kita. Buong linggo kitang binigyan ng space sa pag-aakalang ito ang kailangan mo noong mga araw na iyon.

Pagkamonday sa pagpasok ko, isang balita ang ikinagulat ko,

Patay ka na raw.

INVISIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon