Chapter 1: Past

539 22 1
                                    

    — Rowan —

   
    “Guwapo natin ngayon, tol, ah?” nakangising puri sa ‘kin ni Stevan.
   
    Ngumiti lang ako at inayos ang necktie. “Hindi naman makikita ang kaguwapuhan ko dahil may mask,” sagot ko na mahina niyang ikinatawa.
   
    “Sa bagay.”
   
    December 18, 2014, our Masquerade Ball Party.
   
    Sabay kaming nagpe-prepare ni Stevan para sa magaganap na party sa University. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na pumunta ro’n dahil una sa lahat, wala akong isusuot. Wala kasi akong pera pambili o pangrenta man lang. Buti na lang at may extra pa si Stevan. Pinahiram niya sa ‘kin ang isa niyang tuxedo.
   
    “Salamat pala rito sa tuxedo. Don’t worry, lalabhan ko agad ito at ibabalik sa ‘yo.” Tumango lang siya at ngumiti “Buti na lang din at may white pants ako.”
   
    “Oo na, oo na. Sige na, tara na’t mal-late na tayo.”
   
    Sabay nga kaming umalis sa bahay nila, at syempre nagpaalam muna kami sa parents niya. Sariling kotse niya na ang gamit namin sa pagpunta sa Magdaleon University. Pagdating namin, kaunti lang ang mga taong nandito sa malawak na quadrangle, siguro ay nasa loob na ng auditorium ang marami.
   
    Hindi nga ako nagkamali, pagpasok namin sa auditorium ay nagsisimula na pala ang sayawan. Puno ng partners ang gitna ng venue para sabayan ng slow dance ang kanta.
   
    Tinititigan ko ang mga nakakasalubong namin ni Stevan at masasabi kong wala talaga akong nakikilala dahil sa dim lights at mask.
   
    “May date ka ba, Rowan?” tanong ni Stevan na ikinailing ko naman. “Bobo mo naman. Maghanap ka na lang diyan ng walang partner nang ma-enjoy mo naman ‘tong party.”
   
    Nginiwian ko siya pero tumango rin ako. Iniwan na ako ni gago dahil nakita na raw niya ang partner niya. Napakamot ako sa batok ko at naglibot pa ng paningin para maghanap.
   
    “Hey!”
   
    Napalingon ako sa likod ko nang may kumalabit sa ‘kin. Yumuko pa ako dahil ang liit niyang babae. Hanggang balikat ko lang siya.
   
    “Y-Yes?”
   
    “Do you have partner na ba? I want to dance kasi but I don’t have kasayaw.” Hindi ko alam kung normal niya na bang pananalita ‘yan pero ang classy ng pagkamaarte, ha.
   
    Umiling ako. “W-Wala—”
   
    “Then let’s sayaw-sayaw there, oh!”
   
    Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at bigla akong hinila papunta sa gitna. Siya na rin mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa bewang niya. Itinaas namin ang isa naming kamay para maghawakan habang ang kabila niyang kamay ay nakapatong sa balikat ko.
   
    Nagpakita ang ngiti niya at ang cute niyon dahil lumabas ang nag-iisa niyang dimple sa kanan. Napangiti rin ako nang maliit habang pinagmamasdan siya.
   
    Mahaba ang buhok niyang hanggang ilalim ng pang-upo niya. Kahit dim ang lights, pansin pa ring hindi siya maputi, siguro’y morena. Dahil sa sleeveless ball gown niya, halata rin ang may kalakihan niyang braso pero mapapa-wow ka na lang sa liit ng bewang at ganda ng balakang niya. Hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya dahil sa mask pero sigurado akong maganda siya.
   
    “Anong pangalan mo?” mahinang tanong ko.
   
    “Hello, this is Masquerade ball kaya! Why ko naman sasabihin ang name ko to you?” sagot niya na ikinangisi ko lang at mahinang tumango.
   
    Tahimik kaming nagpatuloy sa pagsasayaw. Ang lambot-lambot ng mga kamay niya, halatang hindi palagawa ng gawaing bahay o mabibigat na gawain. Amoy na amoy ko rin ang hindi matapang niyang pabango, it smelled so sweet, parang candy.
   
    “Miss, ano ngang pangalan mo? Pagkatapos kasi nitong party, baka hindi na kita mahanap,” pagpupumilit ko.
   
    Tumigil siya saglit sa paggalaw. Nagkatitigan kami. Bumaba ang tingin ko sa labi niya nang kagatin niya ang kaniyang lower lip.
   
    “Okay, I’ll tell you my name na. You look handsome naman, e. Basta you’ll tell me your name din, ah?” Tumango-tango ako habang ngiting ngiti. “I’m Dheyn Jolie. Just call me Dheyn.”
   
    Itinuloy ko ang pagsayaw sa kaniya dahil nakalimutan na niya yatang gumalaw.
   
    “Jolie, nice name,” ani ko na ikinaawang ang labi niya. “It means pretty in French, right?”
   
    Mahina siyang tumango. “Yeah, and it suits me well kasi I’m pretty naman y’know.” Tumango rin ako. “E, ikaw? Your name?”
   
    “Rowan—”
   
    “Inocensio?” agad niyang dugtong na ikinatango ko.
   
    Napaatras na lang ako nang bigla niya ‘kong itinulak kaya napabitiw ako sa kaniya. Ngiwing ngiwi ang labi niya na para bang nandiri siya.
   
    Napakurap-kurap naman ako habang naghihintay sa sasabihin niya. Hindi ko kasi alam kung bakit naging gano’n ang kilos niya.
   
    “OMG, how can I be so tanga like this? Sa dami ng guys na mayayaya ko, you pa talaga?” parang nagsisisi pang sabi niya.
   
    “J-Jolie—”
   
    “You’re a basagulero, parang araw-araw na lang I’m hearing na nakikipag-away you. Isa pa, you are pasaway raw talaga. You are laging laman ng chismis everywhere!”
   
    Naitikom ko nang mariin ang labi ko at hindi na nakapagsalita pa. Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin.
   
    “I’m sorry but hindi ko like ang bad guys. I’m sure na wala ka ring mararating sa life,” dugtong pa niya na tuluyang nakapagpahina sa loob ko.
   
    Aminado akong palaaway ako pero kahit gano’n, nag-aaral naman ako nang mabuti para maalagaan ang scholarship ko sa mamahaling University na ‘to at makapagtapos.
   
    Wala raw akong mararating sa buhay? Wala lang akong mga magulang na gagabay sa ‘kin pero kakayanin ko pa ring abutin ang mga pangarap ko.
   
    Tinalikuran niya ako pero sa pagtalikod niya ay nabangga siya ng isang crew na may dalang dalawang glass of juice.
   
    “Ay, sorry po, ma’am!”
   
    At nabasa ang suot niyang gown.
   
    “OMG ka naman, kuya!” malakas niyang sabi na ikinatingin sa kaniya ng ibang tao.
   
    “Sorry po talaga—”
   
    “No, it’s ayos lang po. You just ingat-ingat na lang next time, okay?”
   
    Ang lambing ng boses niya kahit maarte magsalita.
   
    Kung ibang babae siguro ‘yan, baka sinigaw-sigawan na ang crew. Mukhang mabait naman talaga siya. Siguro, ayaw niya lang talaga sa ‘bad guys.’
   
    After that night, hinanap ko si Jolie sa University. Nagtanong-tanong ako kung sinong nakakakilala sa kaniya. Nalaman kong fashion designing pala ang pinu-pursue niyang course.
   
    Noong una ay sinusundan ko lang siya lagi ng tingin. Pinapanood ang mga ginagawa niya at doon ko nakikitang bubbly siya, maraming friends, sweet, maalaga, at mabait sa mga kaibigan niya. Syempre, hindi rin ako nagkamali na maganda nga siya. Parang Korean beauty.
   
    Madalas ko siyang nakikitang inililibre mga kaibigan niya sa cafeteria, minsan naaaktuhan ko pang siya ang naghahatid sa kaibigan niya sa clinic, at lagi ko ring nakikitang tumatawa siya.
   
    Hindi ko alam pero nagugustuhan ko ang lahat ng ‘yon sa kaniya. ‘Yung tipong hindi ko naman siya nakakasama, nakakausap, at nalalapitan, pero nakikilala ko na siya.
   
    Three months before my graduation, I tried to talk to her. Anong nangyari? Pinagtabuyan niya lang ako.
   
    Sinubukan ko nang sinubukan. Umamin pa ako sa kaniya na gusto ko siya na kahit kailan ay hindi ko ginawa sa ibang babae pero busted agad ako.
   
    Hindi man lang niya ako binigyan ng chance dahil hindi raw ako ang lalaking tipo niya.
   
    Ang sabi nila, mayaman ang gusto niya.
   
    And now, after eight years of working, here I am, running my own business. I’m living with billions of money. Hugging wealth and power.
   
    This is not just for Jolie but for my parents as well.
   
    This is what they dream of before they died— ang magkaroon ng magandang buhay. I just fulfilled their dream.
   
    But it was not really happy to be rich when you have no one to live with. I need Jolie— no, I want her to be with me.
   
    In eight years of hardworking, I never stop looking at Jolie. Updated ako sa lahat ng meron sa buhay niya at hinayaan ko lang muna siya. Kahit nagkaroon siya ng boyfriends, hindi pa rin ako nagpakita at nanggulo sa kaniya. Sisiguraduhin ko kasing bandang huli, sa akin siya babagsak.
   
    I’m not sure why I fell so deep into her. Maybe it's because I always look at her from afar. I like everything about her.
   
    Kaya noong mga magulang na niya ang lumapit sa akin at nagbalak maging investors ko, tinanggap ko na agad. Afterall, upon investigating them, I found out something.
   
    May nalaman akong isang bagay na hinding hindi ko hahayaang mangyari kay Jolie.
   
     Poprotektahan ko ang kaisa-isang babaeng binaliw ako kahit wala naman siyang ginagawa sa 'kin.

    Nasa France pa siya at may tinatapos na project as a Fashion Designer kaya maghihintay pa ako pero atleast, malapit na sa ‘kin ang pamilya niya. Magkikita agad kami.
   
    Two weeks later, after cornering Jolie’s parents, they called me.
   
    “Nakabalik na ang anak namin. Puwede ka nang pumunta rito.”

Husband Series #1: The Unwanted Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon