Aina's POV
Pagkatapos ng duty ay dumeretso na ako sa parking lot ng hospital kung saan nakapark ang kotse kong kulay black na vios. Kaagad akong sumakay at iminaniobra ang kotse palabas ng parking lot.
Ilang sandali pa ay tinatahak ko na ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Grego.Dapat sana ay kanina pa ako nakaout. Pero kasi may biglang isinugod na isang pasyente. May tatlo itong tama ng baril at kinakailangang maoperahan kaagad.
At bilang isa sa mga bihasang Doctor sa Nazarene hospital ay ako na mismo ang humawak sa naturang pasyente.Pero sa kasamaang palad ay Hindi naging matagumpay ang operasyon. Dahil Hindi na kinaya ng pasyente ang natamo nitong pinsala at bago pa man matapos ang operasyon ay bumitaw na ito.
Nakakalungkot. Yun kasi yung unang beses na may namatay na pasyente sa pangangalaga ko. But that's life. Doctor lang naman kami, at sa huli diyos parin ang magdedesisyon. Siya parin ang may hawak sa bawat buhay ng tao. Hindi kami.
But still, nakakalungkot pa rin talaga.
Wait, di dapat mahalata ni Grego na malungkot ako. Mag aalala yun panigurado.
Grego is my Boyfriend. We've been in this relationship for five years, now. At sa loob ng limang taon isa lang ang masasabi ko. Napakaswerte ko sa kanya. He's caring, he's sweet, and most especially he's very understanding.
Naiintindihan niyang mas priority ko ang trabaho kesa sa relasyon namin.Dalawang beses na siyang nagtangkang magpropose sakin. Una nung 2nd anniversary palang namin. At pangalawa ay nung last year lang, nung ikaapat na anniversary namin. Pero dahil alam kong hindi pa ako handang lumagay sa tahimik kaya naman lagi kong tinatanggihan ang alok niya.
At sa dalawang beses kong pagtanggi sa alok niya ay ni minsan hindi manlang siya nagtampo sakin o nagtanim ng sama ng loob.
" I understand. But I'll keep on trying Aina. Hanggang sa mapa Oo kita"
Mga salitang lagi niyang binibitiwan pagkatapos ko siyang tanggihan.
At ngayong ikalimang taong anibersaryo namin. Malakas and kutob ko na muli siyang magpo-propose sakin. Pero kung sakali man. Nakahanda na ang isasagagot ko sa kanya.
___
"Hi, hon." Isang halik sa pisngi and isinalubong sakin ni Grego pagkalabas ko ng kotse.
"Sorry kung ngayon lang ako nakarating, hon. May pasyente pa kasi akong kinailangang maoperahan." Paliwanag ko.
"Its okie, hon. Ang important andito kana."
Pagkasabi nun ay hinawakan nito ang isa kong kamay at Hawak kamay kaming naglakad papasok sa bahay nito.
"Happy fifth anniversary, hon."
Bati niya sakin ng makarating kami sa Hardin kung saan may nakaayos na mesa at may dalawang upuan.
Sa ibabaw ng mesa ay may isang bouquet ng bulaklak. May isang bote ng wine, dalawang wine glass, at ang umagaw sa atensyon ko ay ang isang scented candle na nakasindi sa gitna nun.Maliban sa maliwanag na buwan ay tanging ang nakasinding kandila lang ang nagsilbing ilaw sa kabuuan ng magandang Hardin.
Napakasimple kung tutuusin pero para sa akin ito na ata ang pinakaromantic.
"Hindi mo ba nagustuhan ang ayos ko, hon?Lagi nalang kasi tayong nagcecelebrate sa labas. Kaya naisip kong gumawa ng ganito para maiba naman. Pero dapat pala hiningi ko ang opinyon mo. Sorry, hon."
BINABASA MO ANG
-Action & Romance SERIES (1)- KAIZER FUENTEBELLA
RomantikWarning: R-18/ Not suitable for those young readers. ! Title: A&R SERIES(1): KAIZER FUENTEBELLA Genre: Drama Written By: Mz_smurfee25