MARK'S P.O.V
Maliit pa lang ako ay pinag babawalan na ako ni lola na pumasok sa lumang bodega namin
Hindi ko alam pero sa tuwing nagbabalak akong pumasok doon ay nahuhuli agad ako ni lola at pinapalo agad ako sa pwet ko
Kaya dahil sa takot na baka mahampas ulit ng kahoy ay hindi na ako nagbalak pang pumasok
Isang araw papasok sa eskwelahan namin ay sobrang saya ko dahil birthday ko ngayon at dahil marami akong kaibigan alam ko na maraming babati sa akin
Ilang taon na ang nakakalipas ng mamatay si lola dahil sa tanda na din niya ay bumigay na siya kaya tanging ako na lang ang nakatira sa bahay namin
Nasa abroad naman ang tatay ko at pinapadalhan ako ng perang pang gastos sa sarili ko at sa tuition fee ko sa school samantalang ang nanay ko naman ay nawala na ng parang bula
Hindi ko alam kung bakit nawala na lang siya bigla dahil huling kita namin ay yung nag gala lang kami sa parke ni lola
Labis akong nag daramdam subalit hindi man lang siya nag paalam kahit sa sulat lang
Habang papasok sa school ay nakasalubong ko si Trip, bestfriend ko
"Trip anong araw ngayon?, parang may nakalimutan ako?" Pasimple kong tanong sa kanya
"Ano kaba tol may test ngayon mag aral ka na, sa pagkaka alam ko mahirap daw iyon"
"Ha?" Kahit alam ko na may test nagulat ako dahil siya palagi ang nag papaalala na kung kelan birthday ko
Hindi ito sumagot kaya nag paalam na ako at umalis, hindi ko akalain na makakalimutan niya yun
Napabuntong hininga na lang ako bago umalis papuntang room,
Nang matapos na ang klase ay napagpasyahan ko na lang na icelebrate yung birthday ko magisa, pumunta na lang ako ng karinderya dahil hindi naman marami yung pera ko para pumunta pa ng restaurant
Pagkadating ko ay nagulat ako dahil ang daming tao!, bakit kaya?, habang papalapit ako ay humarap sila sa akin at nagsisigaw ng happy birthday!, syempre nagulat ako dahil yung iba hindi ko kilala
Biglang lumabas si trip sa kumpol kumpol na tao "Sabi ko na nga ba dito ka magcecelebrate, kala mo nakalimutan ko noh? Hahaha, palagi mo naman kami dito inililibre tuwing birthday mo kaya kami naman yung manlilibre sayo happy birthday pare" sabi ni trip sa akin sabay tapik sa balikat ko
"Salamat trip!" Sobrang saya ko ngayon din simula kase ng mamatay yung lola ko ako na lang yung nagcecelebrate tuwing mag isa lang ako
Nang matapos na ang handaan ay nag paalam na ako kina trip na pupunta na akong bahay para maglaro muna
Nang makauwi ay nag palit ako nang pambahay at nag simula nang maglaro sa computer, Habang naglalaro ay biglang may kumatok ng dalawang beses
KNOCK KNOCK*
"Sandali lang!" Sigaw ko bago dali-daling buksan ang pinto ngunit pag bukas ko ay wala akong nadatnan ni anino ng tao
Ipinagsawalang bahala ko na lang at bumalik sa paglalaro at habang naglalaro ay may kumatok ulit ng dalawang beses
KNOCK KNOCK*
At dahil baka matalo na ko sa laro ay dali dali ko ukit itong buksan ngunit wala akong makita!, sa sobrang inis ay padabog kong sinara ang pinto at nag laro muli
Maya-maya ay may kumatok na naman ngunit tatlong beses na
KNOCK KNOCK KNOCK*
"ETO NA!" sigaw ko bago dagling binilisan upang buksan ang pinto, malamig na hangin ang dumampi sa katawan ko habang may naaninang akong babaeng naglalakad patawid ng kalsada
Binaliwala ko na lang muli at sinarado ang pinto, Nang matapos ang laro ay bigla na lamang may kumalabog sa may bodega namin
At dahil baka may magnanakaw ay kumuha ako ng makapal na kahoy at pumunta sa bodega namin
Nang makapunta ako ay magtaka ako kung bakit bukas ang padlock ng pinto, alam ko nakapadlock yun at palaging nakabantay si lola
Pagbukas ko ng pinto ay madilim na silid at masangsang na amoy ang naamoy ko
Binuksan ko ang ilaw at bumingat sa kin ang isang bangkay na halos buto-buto na at inuuod pa!, galos masuka at mahimatay ako ngunit may nakita pa akong bagay na nag iisa, isang sako...
Naglakas loob akong buksan yon at nakita ko ang ibat ibang gamit, pero nakaagaw ng pansin ko ang isang papel, mukha itong sulat kaya't binasa ko
"Apo, pasensya ka na di ko nasabi sayo ang tungkol dito, sobra kase akong natakot sa magiging reaksiyon mo, maging ang tatay mo ay di ito alam, ang alam lang ay sumama ito sa ibang lalaki pero ang totoo ay mag isang magnanakaw na nakapasok dito sa bodega, tapos ang nanay mo ang prinotektahan ang ibang bagay ngunit siya ay sinaksak, nagulat na lang ako nang makita ko na lang ang nanay mo, nakakahiya nga na di ko naiayos ang paglibing ko sa kanya lalo't wala naman tayong pera dati at umaasa lang sa pera ng tatay mo, dati ko pa gustong sabihin sayo ito pero napapanghinaan ako ng loob, sana patawarin mo ko, ikaw na lang ang magpalibing sa nanay mo ng maayos dahil alam ko na di na ako mag tatagal, agad akong nagsulat ng liham dahil alam ko na di na ako magtatagal at may sakit na din ako patawad talaga, mahal na mahal ka ni lola lalo na ang mama mo"
-LoLa
Napaiyak ako sa sulat na binigay ni lola, all this time, nagpaparamdam at binabantayan ako ni mama, ang sakit pero tatanggapin ko na lang ang lahat
Napatingin ako sa bangkay at napangiti ng mapait "I'm sorry ma" sabi ko dito
Kinabukasan ay pinaayos ko ang libing ni mama at dinalaw dalaw palagi siya at ang lola ko
__________________________________________
Salamat sa pag babasa ng story ko :)
Votes and Comments are highly appreciated! You can also follow me too <3
Rainbowbiee7880
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryA Short Story Hope you like my short story, its from my imagination so yeah please comment and vote It has many different kinds of story it has a romance, horror, drama, mature, and many more PLAGIARISM IS A CRIME!! WARNING: TAGALOG SHORT STORIES