Prologue:

4K 70 15
                                    

"MR. MONTAGUE?" Tawag ng isang hepe sa lalaking nasa loob ng malamig na rehas. Nag iingay naman ang mga preso kung kaya't sumigaw ang ibang mga pulis at pinaghahampas ang bakal na rehas para patahimikin.

Nag angat ng tingin ang lalaking walang kibo. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sulok at nakakunot noong lumapit sa hepe. Kung mapapansin, may pasa ito sa kanang pisngi at sugat sa magkabilang kamao. Walang duda, galing ito sa isang rambulan sa loob ng selda.

"May bisita ka." Binuksan naman ng isang pulis ang kulungan at lumabas na ang lalaki. Hindi nag bago, tahimik pa rin. Sinimulan na itong kabitan ng makapal na posas sa magkabilang pulso. Habang walang pang itaas at kitang kita ang kakisigan nito. Isang preso na mala adonis ang pangangatawan at wari mo'y isang modelo dahil sa amo ng mukha. Hindi nga lang kapansin pansin marahil sa kapal ng balbas nito na hindi na pinag kaabalahang ahitin.

Isang lalaking naka ayos at naka suot na mamahaling tuxe ang naghihintay dito. Maraming ginto na suot at may makapal na tabako pang hawak.

Lumaki ang pagkakangiti ng lalaking naka suot ng tuxe sa preso.

"Sampung minuto lamang ang oras ng dalaw." Paalala ng hepe dito. Pasimple namang bumunot ng papel ang galanteng lalaki at palihim na iniabot sa hepe. Walang duda, salapi ang iniabot nito.

"Siguro naman hahabaan mo ang sampung minuto?" Nakangiting tanong nito. Wala na ngang nagawa ang hepe kundi ang payagan na ito at sinenyasan ang batang pulis na iwan na ang dalawa.

"Mr. Hacobe Montague, maupo ka." Kumunot noo ito. Paano nalaman ng lalaking may katandaan na ang kanyang pangalan. Tahimik lamang siyang umupo habang pinakikiramdaman ang nasa harapan. Ngumiti naman ang matanda habang pinagmamasdan ang binata na alam niyang magiging alas ng kanyang boss.

"Anong kailangan mo?" Malamim ang boses ni Hacobe. Hindi niya ugaling mag sayang ng panahon para sa mga taong wala naman siyang pakialam.

Sumenyas ang matanda sa hepe na nasa gilid lamang ng bakal na pinto. Natunugan agad nito ang ibig sabihin kung kaya't pinaalis niya ang kanyang mga bata na nakatayo sa may apat ng sulok ng kwarto.

Naiwan si Hacobe kasama ang galanteng matanda. Ang mga kamay ng binata ay nagsimulang maglaro sa mesa dahil sa labis na pagkabagot.

"Ayoko ng pinag aantay ako." Walang emosiyong ani nito at akmang tatayo na nang bigla namang mag salita ang matanda.

"Sampung milyon." Natigilan ang binata.

"Alam ko namang na frame up ka at wala kang pinatay na tao Mr. Montague. Hayaan mo akong tumulong sayo." At lumapit ng kaunti ang matanda sa harap ng binata.

"Tutulungan kitang makalabas sa seldang ito."

"Anong kapalit?" Tama ang matanda, na frame up lamang si Hacobe sa salang pag paslang na hindi naman nito ginawa. Isang sindikato ang gusto siyang patayin ngunit may sarili itong dahilan kung bakit hindi itinuloy at sa halip ay ipinakulong na lamang.

Lumapad ang pagkakangisi ng matanda. Alam niyang kakagatin ng binata ang kanyang alok dahil gusto nitong makalaya. At alam rin niyang malaki ang pakinabang nito sa misyon niya.

Kinuha ng matanda ang isang case at walang pag aalinlangang binuksan sa harapan ni Hacobe. Milyong milyong salapi. Maaamoy mo pa ang bagong pera na halatang kalalabas pa lamang sa bangko.

Tumingin si Hacobe sa matanda matapos iharap dito ang salapi.

"Proteksiyon mo ang kapalit."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Montague Series 4: In the Arm's of an Ex Convict | SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon