Prologue

20 2 0
                                    

Jin's POV.

Hinahabol nanaman ako ng guard dahil may nagawa nanaman akong katarantaduhan dito sa School na to.

Habang tumatakbo ay nakaisip ako ng paraan para makatakas sa kanila.

Nakita ko ang abandonadong silid na nakakatakot na ang itsura, marupok na ang kahoy parang ikaw, marupok na ang mga upuan siyempre parang ikaw din yon HAHAHA.

Pumasok ako don para gawin ang naisip kong paraan.

Kinuha ko ang pintura at lubid, ipinatong ko ito sa may pintuan at itinali sa isang upuan para kapag binuksan nila ang pintuan ay matapunan sila.

Pumasok ang isang guard at natapon sa kaniya ang puntura, tuwang-tuwa ang dalawa niya pang kasamahan habang siya ay inis na inis.

Pumasok na sila sa silid na ito at napag-usapang maghiwalay-hiwalay.

"Doon ka pre, ikaw naman pre doon ka, ako na magbabantay dito." -yung guard na natapunan ng pintura,

Pumasok na ang dalawa para hanapin ako, kala niyo ayun lang yung ginawa kong patibong no? 3 kaya sila kaya more than 3 ang ginawa ko.

Habang naghahanap ang isang guard tumakbo ako pakaliwa para mapansin niya ako, bigla naman siyang naalarma kaya tumakbo din siya papunta sakin.

May isang upuan doon na nakatalukbong na kumot at parang may nagtatago, pagkabukas niya nito ay bigla siyang nagulat at tumakbo papalabas ng pinto.

Makikita ko talaga sa mukha niya na takot na takot siya at putlang-putla, eto naman akong si tarantado tawa ng tawa.

Ang ginawa ko pala ay nakakita ako ng playing box na kapag binuksan mo ay biglang may lalabas na clown.

Next naman itong sa guard 3 kawawa ka sakin HAHAHAHA.

"Pst! Pst!" -pang-agaw pansin ko sa kaniya.

"Asan ka boy? Magpakita kana mahuhuli ka din namin."

Tinanggal ko ang telang nakapatong sa blackboard at tinapat ko ang maliit na ilaw dito.

Ang nakasulat sa blackboad ay, "tingnan mo yung nasa likod mo"

Dahan-dahan siyang tumingin at makikita mo na takot na takot siya,

Pagkalingon niya ay nandon ako nakatayo at nakapalubot ang puting kumot sa buong katawan ko.

Makikita mo talaga yung mukha niyang takot na takot, sa sobrang takot tumakbo din siya palabas ng pinto.

Pagtapos non ay tawang-tawa ako sa mga rekasyon nila.

Nakakapagod pala yon, punta nga muna ako sa rooftop.

Nagteleport ako papuntang rooftop para magpahangin.

"Sigh" -napahinga nalang ako ng malalim nang makaramdam ako ng pagod.

Habang nagpapahinga ay may naramdaman akong malakas na enerhiya, hindi ko mawari kung kanino yong enerhiyang yon pero pag lingon ko sa aking likod ay may nakita akong isang dalagang babae.

Nakadress na kulay blue at may hawak na magic wand.

"Miss sino ka?" -tanong ko sa kaniya,

"Mahabang salaysayin pero kailangan mong sumama sakin dahil may gustong dumakip sayo." -tugon niya,

"Ni hindi nga kita kilala tapos sasama ako sayo?" -pagpipilosopo ko sa kaniya,

Iniabot niya ang kamay niya sakin.

"Kumapit kana sakin dahil malapit na sila bilisan mo." -nagmamadali at parang kabang-kaba,

Aabutin ko na sana ang kaniyang kamay pero biglang may mga dalagang babae na biglang nagteleport at nakapalibot sa amin.

Nakakulay black na dress naman sila at may hawak din na magic wand.

Alam ko kung ano sila dahil naituro na saakin ni Lola ang mga bagay na yon.

"Mga Nyth! Andito na sila maghanda ka." -pag-aalarma niya sakin.

"Pakielamera ka talaga Chaeyeon kahit kelan, pero ngayon hindi mo na kami kaya HAHAHA." -isang nyth,

"Jin, maghanda ka." -Chaeyeon,

Paano niya ako nakilala? Anong meron at bakit parang ako ang gusto nilang kunin?

"Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin?" -tanong ko sa kanila,

Hindi na nila sinagot ang tanong ko at sabay-sabay silang sumugod.

_______________________

Ops pabiten HAHAHAHA Balakayojan next week na ako mag-uupdate like niyo naman HAHAHAHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Myth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon