Chapter 2

565 16 0
                                    

MAKALIPAS ang dalawa't kalahating taon ay ang dating masyang kaharian ay hindi na tulad ng dati na laging nakanginti ng todo,ngunit ngayon ay nagbago, nakangiti man ngunit makikita mo parin ang lungkot sa kanikanilang mga mata. Lubos na nagdalamhati ang mga agasilanias ng pagkawala ng kanilang taga pag ligtas ,ang prinsesa

Matinding kalungkutan ang bumalot sa kaharian ng agasila at sa iba pa ngunit ang kaharian naman ng wuglunia ay masaya dahil napagtagumpayan nila ang kunin ang munting prinsesa ngunit hindi ito napatay dahil mayroong nagtakas ditto,may isang wuglunian ang hindi na nakapagtiis ng kasakiman ng kanilang hari kaya niya ito itinakas

Nasa panig nga siya ng mga sakim ngunit mas nanaig parin ang kabutihan sa kanyang puso

Agad itong nagtungo sa kagubatan at nagwika ng "abri portalya" ng bumukas ang lagusan ay agad itong pumasok,napadpad sila sa mundo ng mga tao kaya napanatag ang babae at nagsimula ng maglakad

Di nagtagal ay naka kita ito ng isang mansion sa di kalayuan, ng marating niya ito ay sinuot niya muna ang kayang hood bago kumatok

Ng bumukas na ang pinto ay agad na nagulat ang mag-asawa sa kanilang nadatnan dahil alam nilang isa itong wuglunian base sa sout nito,agad naming nag salita ang wuglunian "Pwede ko bang iwan ang paslit na ito sa inyo upang inyng alagaan?"

Agad naman napatango ang mag-asawa "oo,ngunit pwede ba kitang tanungin?" tanong ng lalaki

"ano naman iyon?"

"bakit ka nandito?gayong ipinagbawal ang paggamit ng lagusan"

"Itinakas ko lamang ang prinsesa dahil tangka itong palangin ng aming hari" ani ng babaeng wulunian at tumikhim upang ipagpatuloy ang kanyang sabihin "Siya ang pupuksa sa amin, dahil siya ang itinakda ng mga katas taasan na nasa Paraiso ng Ilandaria,siya ay binigyan ng kapangyarihan ng walang kapareha,kaya sana ay alagaan niyo ito ng Mabuti at turuan kung paano makipaglaban dahil alam kong kakailanganin niya ito, at sana ay walang makaalam na mayroon itong gintong peklat sa kanyang bewang"mahabang litaya nito at napa buntong hininga " alam kong isa kayong agasilanian dahil ito'y aking nararamdaman, pag sabit ng kaniyang ika labing anim na kaarawan ay makabalik na siya sa kanyang pinang galingan, yun lang at akoy babalik na" wika pa nito at agad na tumakbo kahit na nanghihina na ito dahil sa kauhawan at kagutoman

LUBOS ang saya ng mag asawa dahil mayroon na silang maituturing na anak dahil sa ilang taon na silang mag asawa ay hindi parin sila nagkakaroon ng anak

Mayaman sila at makapangyarihan dahil sila ay nangunguna sa larangan ng Business

Agad na tinawag ng babae ang kanyang assistant upang bumili ng kagamitan ng bata na agad naming itong sinunod,ang kanyang asawa ay tinawagan ang kanyang attorney upang ilakad ang mg apapeles ng kanyang anak

Hindi mawala wala ang nginiti sa labi ni Jiana habang pinagmamasdan ang si miyara dahil sa wakas ay mararanasan na rin niya ang may maituturing na sariling anak

Edited

Miyara Acedemy: School Of AgasilaniansWhere stories live. Discover now