"OKAY class meet your new classmate."-nakangiting sabi ng teacher.
Nakatingin lang sila Zaila sa lalaking nasa harapan. Nakanganga ang iba at nakataas ang kilay naman ang iba, habang siya ay nakatulala lang sa binatang nasa harapan.
Hindi ito nagsalita at diretso lang ang lakad papunta sa pinakadulong upuan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito.
Hindi niya alam kung ma-wiweirduhan ba siya o hahanga dahil sa itsura nito. Saan ka nakakita ng tao na parang ayaw ipakita ang mukha? Mahaba ang bangs nito at halos bibig nalang ang nakikita.
Weirdo.
Napapailing na binalik niya ang tingin sa harapan at doon itinuon ang buong atensyon.
Nang magbreak time at kanya-kanyang labasan ang mga kaklase ni Zaila.
"Zaila, mag-rerecess ka?"-tanong sa kanya ng kaklaseng si Rosh.
Ngumiti siya at tumango. "Oo."
Tumayo rin ang tatlo na lagi niyang kasamang mag-recess. Napasulyap siya sa transfer student nang madaanan nila ito. Nakatungo lang ito at wala halos pumapansin.
Pagkapila nila ay bumili siya ng dalawang Cracklings at isang bottle water. Pagkatapos ay bumalik na ulit sila sa room.
Sinulyapan niya ulit yung transferee at nakita niyang nakaayos na ito ng upo at may isinusulat sa notebook. Umiwas siya ng tingin dito at lumakad papunta sa upuan.
Hindi siya umupo at nakinig muna sa pinag-uusapan ng mga kasama niya. Sinusulyapan niya rin paminsan minsan ang binata na tahimik lang na nagsusulat at mukhang walang balak makipag-usap sa iba.
Napabuntong hininga siya at kinuha ang isang Cracklings na binili niya. Ramdam niyang sinundan siya ng tingin ng ibang kaklase pero ipinagsawalang bahala niya iyon.
"Oh."-sabay hagis ng hawak papunta sa binata.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti siya nang makita ang notebook nito. Nag-dodrawing pala ito ng Manga.
"Iyo na lang 'yan.. Busog naman na ako eh. I'm Zaila by the way."-pakilala niya bago tuluyang bumalik sa upuan.
Nahihiyang umupo siya dahil alam niyang nakatingin sa kanya ang ibang kaklase, may iba pa na tinutukso siya dahil sa ginawa at may iba naman na walang pakielam.
This is the first time na nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki, at siya pa mismo ang unang nag-approach.
LUMIPAS ang ilang linggo at binigyan niya ulit ng snack ang lalaki, minsan pa nga ay chocolate ang binibigay niya dito at minsan ay drinks lang.
At sa ilang linggo na 'yon at hindi niya parin naririnig at nakikita ang boses at mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan niya ito gayong hindi nga niya ito kilala na pati pangalan nito at hindi niya alam.
Break time at sinandya niyang hindi mag-recess. Tumabi siya sa binata at kinuha ang isang earphone sa tenga nito.
~♪I love the way you talk to me
I love the way you approached me
And I love the way you treat me
It's like I'm the only men you know♪~
Napangiti siya dahil sa ganda ng boses nung kumakanta at dahil sa kanta.. Ngayon niya lang ito narinig at alam niyang hindi ito kinanta ng kung sinong singer.