"Tesoro"

0 0 0
                                    

Marami nang nangyari sa mundong ibabaw
Kagaya ng pagsilang ng isang piniling nilalang , Ikaw
Mga bagay na kusang nagbabago
Mga detalyeng bigla biglang naglalaho
Napapalitan na ng di mo inaasahang papalit
Para bang pagpasok mo sa isang relasyon kahit hindi mo alam kung bakit
Na para bang sapat na alam na andyan lang 'Siya'
Kaibigang malalapitan kapag may kailngan
Maiiyakan kapag nasasaktan
Mahihingan kapag nawalan
At iiwan kapag gusto'y pinagbigyan

Alam nating tayo'y Kanyang mahal hindi iyon magbabago
Alam kong mahirap maging totoong Kristyano at batid kong mahirap magpakatao lalo't nagkakamali tayo
Nasasaktan, nalilito, natutukso
Nahuhusgahan ng kapwa tao
Mahirap, mahirap , Oo

Ngunit kaibigan ang oras nati'y hindi pa tapos
Lumaban tayong naghihikahos
'Wag tayong matakot malagot ang hininga para sa Diyos

Oras ng ibahin ang nakasanayan
Panahon nang talikuran ang sana dapat noon pa nilisan
Isuko ng dahilan kung ba't nabibigatan
Tumakbo galing sa kasalanan

Araw ng magsikap kung sa tingin mo'y hindi mo kaya
Kanya ang lahat Siya ay sapat higit pa sa sapat hindi ka kayang iwan kahit itakwil ka ng lahat

Ang Diyos ay hindi parang enerhiya lamang na pwedeng kalimutan at isantabi paminsan-minsan
Totoo kaibigan
Ang lahat ng ito'y di lingid sa ating kaalaman
Siya'y andyan  lamang naghihintay na ating balikan
Kahit kailan'g oras,petsa, buwan
Taon-taon, minu-minuto, maikli ang buhay natin sa mundo dahil hindi naman talaga tayo taga-rito

Minsan ninais naring gawin ang ginagawa nila tipong mararanasan ang panandaliang saya
Inaakalang ito ang dahilan kung ba't ako hinulma, ginawa, ginuhit, pinanganak, pinaiyak , inukit
Pinalabas sa mundo'ng nakalimutan ko'ng bakit
Kung ba't nga ba ako isinilang ba't hindi ako nanatili sa loob ng aking magulang
Anong ginagawa ko sa mundo ?
Ba't andito ako nakatayo't humihinga sa mga sandaling ito

Tara! Imulat mo ang iyong mga mata
Mahal ka nang Ama pinili ka niya
Pinahihintulutang maging masaya maranasan ang buhay na kasing ganda ng mga bulaklak na humahalimuyak nakakagalak
Di matutumbasan ng ginto at pilak ,
Pumapalakpak ang mga dahon sa iyo
Wag kang mag alala ng Diyos ay kasama mo

Ang buhay ay napaikli upang sayangin
Maglalaho bigla na tila bula
Dadaan lamang na parang hangin
At kung magkakamalit masamid
Hiningay tila damit na mapupunit
Tahiin mang muli
Pagsisisi ay huli
Di na mababalik ang
Minsang oras ng dati

Kahapon ay natapos na
Di na muling mauulit pa
Pero ngayon
Isang pagkakataong gusto kang batiin
Naghihintay ng iyong tugun
Wag mong limutin
Iisa lang
Iisa lang
Wala ng pangalawa o susunod pa
Kung di gagawin ngayon baka wala ng ibang pagkakataon

Kung di rin ikaw, Sino?
Kung di man dito,Saan?
Kund di man ngayon, Kailan?

Hindi man madaling gawin mahirap man itong sundin
Malayo man itong  abutin
Basta't ang Diyos ay andyan
Ama nating Di lilisan
Ikay poprotektahan, gagabayan, mamahalin ng walang hanggan

Napapagod man bawat parte ng katawan, namamagang mga mata
Di na makita ang ilan
Napapaos na mga tinig sumasabay sa bawat himig
Di alintalang mga titik pagkat sa Diyos ay umiibig

Hindi mo ba naalala
Di tayo pinanganak
Para lang gumala
Makilala, ninais ay makuha
O ipagpala
Kahit gaano ka man ka ganda
O kung papaano ang buhay mo'y kasing rangya
O kung papaano ka kumilos o gumawa nagiisang tanong sayo'y mananatili hanggang sa buhay mo'y maputol at mabali

Ginawa mo ba ang dahilan kung ba't ka hinulma at pinili?

Sa puso't isipa'y maaring may gumulo
Basta't abutin mo lang ang dulo hanggang matapos ang misyong ito
Tesoro

*
Ang  ibig pong sabihin ng Tesoro ay Trasure o kayamanan sa Filipino

Treasure your time,life,mission,God
And
You are a treasure

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IrisWhere stories live. Discover now