"3..2..1.. Clear!!"
Hindi parin nagrerespond ang pulso ng pasyente kahit sa pangalawang pagkakataon na pag revive.
"Please ma, Lumaban ka...."
Comatose sa sakit na Brain Cancer ang pasyente na Nanay ni Dr. Arthur.
Walang ibang doctor na kasama si Arthur sa pag revive sa nanay nya dahil gusto nya ay sya lang ang gagamot sa sakit ng kanyang ina.
"please ma, mag respond ka na.
Di ko kakayanin pag nawala ka. Ikaw nalang ang meron ako."-----------
Nag straight line na ang monitor ng pulse rate ni Mrs. Chavez.
"No... no... di pwede to ma... di mo ako pwedeng sukuan...." Mga salita na lumabas sa bibig ni Dr. Arthur habang umiiyak sa harap ng walang buhay na ina.
High School si Arthur ng malaman nya na Diagnosed with brain cancer ang nanay nya. Kaya noon palang ay pinili nya na ang pagaaral ng medesina upang matulungan ang may sakit na ina.
Mabilis na nakapagtapos si Arthur ng Pag aaral dahil sa husay at talino nito. Siya ang pinaka batang doctor ngayon.
Sa takot na mawala ang ina, Hindi pinagalaw ni Arthur ng kanyang ina sa kahit na sino man. Gusto nya ay siya lamang ang gagamot dito dahil wala syang tiwala sa mga kasamahan.
Nung Umpisa ay maayos naman ang nagiging resulta ng katawan ng ina ni Arthur sa mga gamot na binibigay nya.
Lahat ng Gamot na pinapainom nya sa kanyang ina ay sya mismo ang gumawa.
Walang araw na sinayang si Arthur para sa pag tuklas ng gamot sa sakit ng kanyang ina.
Lumipas ang mga araw ay napansin ni Arthur na lalong humihina ng katawan ng kanyang ina at naaapektuhan na ang pati ang iba pa nitong mga Organ.
Nagsisimula ng humina ang daloy ng dugo sa katawan ng ina at nahihirapan na rin itong huminga.
Dumadaing ang Ina ni Arthur sa kanya ngunit ayaw nitong makinig dahil sa pagiging abala rin nito.
Dumating ang araw na di na kinaya ng katawan ng ina ang mga gamot na ibinibigay ni Arthur kaya kusa na itong sumuko.
Sinubukan ni Arthur na i revive ang kanyang ina ngunit nabigo sya.
Namatay ang kanyang ina.
Hindi kinaya ni Arthur ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ina. Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ng kanyang ina.
Hindi nawalan ng pag asa si Arthur kahit na wala ng buhay ang kanyang ina. Itinago nya ang katawan ng kanyang ina sa Isang lumang kwarto sa loob ng ospital.
"Ma, Dito ka lang muna ha? Gagawa ako ng paraan upang mabuhay ka.Ma hindi mo ako pwedeng iwanan. Bubuhayin kita ma, Antayin mo lang ako." Huling salita na sinabi ni Arthur sa Kanyang ina bago ito tuluyang iwanan sa loob ng silid.
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
Ilang araw na ang nakalipas magmula ng iwan ni Arthur ang bangkay ng kanyang ina sa loob ng isang lumang silid.
Hindi nag aksaya ng oras si Arthur. Walang araw na hindi sya nag trabaho upang maibalik agad ang buhay ng kanyang ina.
Makalipas Ang isang linggo ay Natapos na ni Arthur ang kanyang gamot na "Endless Life". Dahilnasaksihan sa lubos na saya, Sinubukan ito agad ni Arthur sa dalawang patay na Kuneho. ni Arthur ang nangyari
Nabuhay ang mga kuneho.
Dahil sa lubos na saya ay Nagmadali si Arthur na puntahan ang kanyang ina.
Naiwan ang dalawang kuneho sa loob ng kulungan. Ngunit biglang sinakmal ng isang kuneho ang kanyang kasama. Matapos mapatay ay kinain nito ang kanyang kasama.
Hindi na Ito naabutan ni Arthur dahil sa pagmamadali. Maaaring side effect ito ng gamot na nagawa ni Arthur.