Chapter 4: sweet bad-ass captain

75 4 1
                                    

LEI'S POV

"Tss." -Riley

I smirked. Ang dami kasing tao sa gym ngayon. Mag-s-start pa lang kasi yung try-outs. Bale niloko ko siya, sabi ko wala nang tao kaya malaya siyang makakapag-tryout ng walang nasigaw. Haha di niya alam na ang try outs ang pangatlong okasyon na madaming tao sa gym. pangalawa ang practice, una  pag may game kami. Gwapo ko kasi eh.

pinapunta na yung mga magta-try out sa basketball sa gitna. Siyempre, kasali na naman ako. Every sem kasi dapat magtry out para malaman kung dapat may mapalitan o madagdag. Pero sigurado, pasok na ako. Galing ko kayang maglaro. ^_^

tinginan ang lahat nung puunta kami ni Riley sa gitna. Gwapo ko kasi eh. Ay, atsaka dahil pala kay Riley. You know, kambal siya ni Gioben.

Isa-isa nang pinagtry out yung mga nauna. Huli kami ni Riley. Save the best for last, ika nga. wahaha

Uy may mga bago. Yung ilan magaling, yung iba okay lang, yung iba nevermind.

Ako na yung susunod. Ang kailangan ko lang gawin, malagpasan ang tatlong dati na ding members ng vasity at makapag-shoot. Sisiw.

Hiyawan ang lahat nung kinuha ko yung bola. Siyempre, kaway muna sa fans.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!!!! GALINGAN MO LEI!"

"SHOOT THAT BALL FOR ME!!!"

"PARA SA AKIN!"

"AKO!"

"MUKHA KANG BISUGO KAYA PARA SA AKIN YAN!!"

naku, di na titigil yang mga yan.

MAgawa na nga at nang matapos na =u=d

Dinrible ko ang bola. Nakalagpas ako agad dun sa unang nagbabantay. Psh, ambilis ko kaya.

Tapos yung pangalawang gwardiya naman, ayown. Di pa ata nag-uumagahan. Ambagal eh. Di pa alert. tss.

Pagdating dun sa pangatlo, nagfake ako na i-shu-shoot na yung bola tapos nilagpasan ko na lang siya at naglay up ako.

"ANG GALIING!!!" -sila

Tss. Told ya. Sisiw.

"Good job, Marbeda!" -coach

siyempre. Galing ko nga di ba?

Si Riley na yung huling mag-ta-try out.

Biglang natahimik lahat ng mga nanonood. Lahat sila, excited malaman kung kasinggaling nga ba ni Gioben si Riley. Kung alam lang nila.

Ganun din ang ipapagawa sa kanya. 3 guards, shoot tha ball.

Hmm.. Let's see what you've got. Baka laos ka na, manyak.

Teka, tumatactic itong mga gwardiya ah. Talagang susubukan si Riley.

Sabay-sabay ba namang bantayan yung tao? Ha, maganda to.

Okay. At dun na natatapos ang kwentong ito. The end.

naman kasi, pano ako magnanarate ng details eh napakabilis ng mga pangyayari! Kanina lang, hawak-hawak niya yung bola tapos biglang naka-dunk na siya ngayon! Nakatulala pa yung tatlong gwardiya nia. Ano yun, lumipad siya? Tss.

Ikaw na.

PAti si Coach, speechless.

**

"Lupet mo pa din. Captain." -ako

"Tss." -siya

Siya na kasi ang bagong captain ng basketball team.

Naku, expected na din naman yan. Haha. Ayos. Kami na naman ang champion nito.

"Uwi na ako, otap."

Aish! BAkit ba otap pa din ang tawag nito sa akin??? Ang macho ko na kaya -__-

RILEY'S POV

Nauto ako ng otap na yun ah. Napa-try out tuloy ng wala sa oras.

Tagal ko na din palang di nagbabasketball. Di ko napigilan yung adrenaline rush ko kanina ah.

Naging captain pa ako!

Captain. CAptain Riley.

Tss. Absurd.

Di ako sanay. Mas sanay ako sa Captain Gio. Puta talaga.

Hanggang ngayon, pakiramdam ko hawak niya pa din ako sa leeg.

hanggang ngayon nakatapak pa din ako sa anino niya.

"meow.. meow..."

huminto ako sa paglalakad nang makasalubong ang isang maliit na kulay puting kuting na madaming gasgas.. Sige, san kayo nakakita ng malaking kuting? -___-

nagka-eye to eye kami.

.___.           +__+

BAKIT KULAY GREEN ANG MATA NITO????

"shoo." sabi ko sa kuting. nakakabwisit naman. pareho pa kami ng shade ng pagka-green -___-

"meow.." hinihilig niya yung ulo niya sa paa ko. Yung parang naglalanding usa? =.=

Tumingin ako sa paligid ko. walang tao.

lumuhod ako at inakay ang maliit na kuting.

"Tss." I can't believe that I'm planning to adopt this small creature -_-

Small Riley? Riley version ng hayop? Tsss.

Abnormal kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Other's Girl (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon