Chapter 2

19.1K 238 5
                                    

Nagulat ang kanyang mga magulang nang makita siya pagbungad niya sa sala nila.

"Lovelle!" wika ng ina niyang si Andrea na kaagad tumayo at sinalubong siya.

"Hi, Mom!" Kaagad na nagmano siya sa ina at niyakap ito.

"Akala ko ba bukas ka pa darating?" nagtatakang tanong nito.

"Maaga kasing natapos ang shoot namin kahapon, Mommy. I don't have anything to do today so I decided to come home." Lumapit ang kanyang ama at binalingan niya ito. "Hi, Dad!" Nagmano siya rito.

"Bakit hindi namin narinig ang pagpasok ng sasakyan mo sa garahe, Lovelle?" tanong ng kanyang ama.

Nagkibit siya ng balikat. "Nasiraan kasi ako ng sasakyan sa daan, Dad..."

"Ganun ba?" Andrea sounded in disbelief. Kaagad na bumalatay sa mukha ng ina ang pag-aalala. "Thank God, you're safe. Pero paano ka nakauwi, anak?"

"Nadaanan ako sa kalsada ni Kian, Mom. Siya ang naghatid sa akin pauwi," pabalewalang kuwento niya at pagod na umupo sa sofa.

"Buti na lang at nadaanan ka ni Kian, Lovelle. Maaasahan talaga ang batang iyon."

Lihim na napailing siya. She could sense from her mother's voice that she was proud of Kian, that she had so much respect for him.

"Nasaan si Kian?" ang kanyang ama.

"Umalis na Daddy at binalikan ang nasirang kotse ko. Aayusin daw niya." Tumayo siya sa sofa dahil kaagad na nawalan siya ng ganang makipag-usap sa mga magulang. Ang topic kasi ng usapan nila ay nasentro na kay Kian. "Anyways, I'm tired, Mom, Dad. I wana rest. Punta na muna ako sa kuwarto ko."

"Hindi ka ba kakain muna, Lovelle? Ipaghahanda kita..."

She smiled gently at her mother. "’Wag na, Mommy. I'm not hungry. I just want to rest..." Naghikab siya.

"Okay..." Her mother just eyed her.

"Sige, Mom, Dad, goodnight!" Iyon lang at nilisan na niya ang kanilang sala at tumuloy sa kanyang silid.

Pero kaagad na bumalik siya nang maalala na naka-lock nga pala ang pintuan ng kotse niya kanina nang iwan niya. So Kian needed the keys.

Bumalik siya sa sala. Tiyempo naman at nandoon pa rin ang mga magulang niya.

Hinanap niya sa loob ng bag ang susi ng kotse niya. “Mommy, nandito pala sa akin ang susi ng kotse ko. Pakibigay na lang kay Kian kapag bumalik siya. He will need it.”

Iniabot niya sa ina ang susi na tinanggap naman nito.

“Akina nga iyan at ako na maghahatid kay Kian,” ang Daddy niya. Kinuha nito sa Mommy niya ang susi.

“Thanks, Dad!” Pagkatapos magpasalamat sa ama ay tumuloy na siya sa silid niya.

Nang makitang nakapasok na sa loob ng kanilang kabahayan si Lovelle, muling pinaandar ni Kian ang makina ng kanyang pickup.

Babalikan niya ang nasirang sasakyan nito upang ayusin.

Hindi pa rin siya makapaniwalang muli niyang nakita si Lovelle pagkatapos ng walong taon. Walong taon siyang naghintay sa pagbabalik nito. And he was very glad that she was back, at long last!

Her homecoming was already long overdue.

Though he knew that she was coming back home one of these days, after knowing that Angelo was getting married, he was still surprised to see her again.

Her Knight In Shining Armor (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon