Simula

3 0 0
                                    

"Tama na 'yan, Blythe! Kababae mong tao, ang lakas-lakas mo uminom! Grabe ka, girl!" Tinungga ko pa ang isang alak na nasa maliit na basong hawak-hawak ko dito sa bar counter. Kasama ko ang mga kaibigan ko, kumpulan kami dito. Mga ayaw umalis, alam na kasi nila kung ano gagawin ko pag mag-isa nalang ako.

Tinaas ko ang index finger ko at tinapat sa bibig ko sabay 'shh' sa kanila. Ang iba sa kanila ay napairap, natatawa at napasimangot. "Don't worry, libre ko naman kayo dito. This is the last, perhaps."

Kahit na medyo nahihilo na ako, pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumayo at inalalayan naman nila ako. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa balikat ng isa kong kaibigan, para kahit papaano ay mabalanse ko ang pagtayo.

Gusto kong magsaya. Gusto kong makalimutin muli pansamantala ang masasakit na ala-ala na nangyari sa buhay ko. Gusto ko ulit ibalik ang panahon na wala pa akong iniindang gantong masakit na nararamdaman.

Naglakad ako paalis sa kanila. "Blythe! Saan ka pupunta?" sigaw nila. Tumigil ako ng bahagya at humarap ng konti sa kanila sabay ngiti ng malawak. "Sa dance floor! Magsasaya ako! Bye!" humalakhak ako habang nagwave sa kanila at pasuray-suray na naglakad papunta sa mismong sentro ng sayawan dito sa bar.

Gumalaw ako ng marahan at sumayaw na tila sumasabay sa tugtog. Pinikit ko ang aking mga mata at ngumiti. Unti-unti ko nang nararamdaman na  tinatamaan na ako ng alak. Nagheadbang pa ako nang lalong laksan ng dj ang tugtog at lalo pa akong ginanahan na magsayaw, na tila walang hanggan.

Ang mga taong nasa tabi ko ay nakikisayaw na rin sa akin. Halos lahat sa kanila ay mga lalaki, but I don't care. Gusto kong magsaya, yun lang. 

Bigla kong naramdaman na may dumausdos na kamay sa bewang ko at may katawang napadikit sa katawan ko kung kaya't agad kong idinilat ang mga mata ko.

Bigla akong napatigil sa pagsasayaw ko. Ang ngiti sa labi ko ay naglaho. Ang mundo ko ay biglang gumuho. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Nakita ko ang pamilyar niyang mukha. Ang mga mata niyang kung makatingin sa mata ko ay parang nakikita niya na ang lahat-lahat ng sa akin. Na tipong wala akong maitatago. Ang ilong niyang napakatangos. Ang labi niyang nakasarado ng mariin na parang tinitimbang nya at pinag-iisipan ng maayos ibubuka ba ito para magsalita o manahimik na lamang. At lalo na, ang kanyang nagtatagis na mga bagang, na nagsisimbolo na siya ay seryoso o galit.

Halos wala akong ibang maramdaman kundi ang mga paru-parong gumagalaw sa tiyan ko, at ang pamumutla ko. Tila hanggang ngayon ay nalulunod pa rin ako sa tingin niya. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon. Kung matutuwa ba dahil bumalik na siya, o magagalit kung bakit ngayon lang siya bumalik?

Matapos ng ilang minutong titigan naming dalawa, agad akong yumuko at nilagay ang dalawa kong kamay at tinulak siya palayo sa akin, ngunit hindi man lamang siya natinag. Imbis ay hinawakan ng kanyang kanang kamay ang mga kamay kong nakadikit sa kanyang dibdib at lalo idinikit ang katawan niya sa akin, dahilan kung bakit napasubsob ako sa matipuno niyang katawan.

Ngayon ko lang napansin na mas lalong naging matipuno ang kanyang katawan kumpara noon.

Ang bobo mo naman, Blythe, syempre ilang taon na ang nakalipas, nagbago din ang katawan niyan!

Masyado akong nag-focus sa tingin niya kanina, kung kaya't wala akong ibang napansin kundi ang mukha niyang walang pinagbago, pero mas naging matured lang ngayon.

Pilit kong tinatanggal ang kapit niya sa katawan ko pero mas malakas siya sakin kaya wala akong nagawa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang lahat ng alak na kanina'y tingin ko ay tumatama sa akin ay biglang naglaho nang nakita ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last ResortWhere stories live. Discover now