I KISSED A.. GAY?! (Brian Policarpio's POV)

3.4K 131 17
                                    

More than a month bago ako nakapag-decide kung gagawan ko ng POV si Brian! Haha! Nakumbinsi naman ako, dahil every single comment sa first part ang demand: POV NI BRIAN! So eto. Wala talagang time for this, ginawa ko to, believe it or not, habang may LBM ako! Wahahahahahha!XD

Brian’s POV

“*huk* Ang sakit lang Brye.. Siguro nga hindi naman ako yung perfect na girlfriend, pero I remained loyal to him.. You know that. Akala ko I’m in control. Na hindi ako magpapadala sa nararamdaman ko. Kaso *huk* hindi nga ako nasaktan, pero tangina naman! Nakakababae naman yun! *huk*”

“I understand.. Yo--!”

“Of course you don’t understand! Hindi naman kasi ikaw yung niloko at ipinagpalit sa ibang babae! Ikaw kaya si Brian Policarpio! Kahit wala kang girlfriend, every girl is dying mapansin mo lang! Hindi mo kailangan mag-effort or whatsoever just to please anyone. Kasi isang ngiti mo lang, magpapakatanga na silang lahat sa’yo!”

Is that a compliment? Yung totoo? Pero seryoso, naiintindihan ko siya. Kayo kaya ang makarinig ng kwento na halos kada oras inuulit sa’yo? Hindi mo kaya maintindihan? Ganyan ginagawa sa’kin ng bestfriend ko! Tapos sasabihin niya ngayon hindi ko siya naiintindihan. Tsk! “Maybe you’re right, they’d be dying to win me, except from you..”

Tumingin siya sa’kin. “I didn’t catch the last words, Brye. Come again?”

Napailing na lang ako. Of course I can’t repeat that! Nasa gitna ng pagiging bitter ‘tong bestfriend ko tapos magko-confess ako? Hindi naman siguro proper ‘yun!

“Wala!” I reached for her hand and pulled her closer to me. I can smell her scent, baby cologne pa din. Baby Bench, Bubblegum. Detailed? Haha! I’m telling you guys, kapag in love ka sa tao, every single details even the smallest ones, magiging eager kang alamin! “Sabi ko naman kasi sa’yo ako na lang e.. Ano pa bang hahanapin mo sa’kin? Ang gwapo ko! Ang hot ko! Look at my muscles!”Pakita ng muscle. “Matalino! Talented! Varsity!”

*Pak!*

“Araay naman! Bakit ka nananapak?!” Batukan daw ba ako!

“Baka kabagin ako sa sobrang hangin mo Brian Policarpio!”

“Totoo naman lang ang sinasabi ko!” I said defensively.

She rolled her eyes.

Bakit kasi ang lapit-lapit sa’kin ng chicks, pero pagdating sa babaing ‘to, natotorpe ako! P*cha! Nakakabading naman kasi. Parang hindi ako uubra. Kakaipon ko ng lakas ng loob, naunahan tuloy ako ng punyetang manlolokong ‘yun! I swear I’m gonna kick his ass pag nagkita kami! >___<

“You know what Brye.. Natuto na ako. Masyado ata ako na-curious sa pakiramdam ng may boyfriend. Ang tanga ko kasi! Haha. Pwes ngayon, titigilan ko na yan. Ayoko na! I hate boyssss!!! Damn you all!!!” Awww. Pinagsigawan niya pa.

What will I say? “No Clarisse, iba ako!” Asang maniwala siya Brye! Chickboy din tingin niyan sa’yo! Lalo lang mawawala credibility mo sa kanya. Pero anong gagawin ko?! Magiging manhater siya niyan! Brian! Think!

The next day was a blur. Masyado siyang mailap. Sinundo ko siya nung umaga para sabay kami pumasok, pero ayun! Maaga daw pumasok. Di man lang nagtext. At tsaka kelan pa siya natuto pumasok ng maaga? E buzzer beater siya! Pagdating ko naman sa school, hindi ko naman siya masyado makausap. One liner siya kausap. Close-ended bah. Basta! Niyaya ko siya mag-lunch pero nag-excuse siya na may gagawing research sa lib. Nagvolunteer akong sasamahan siya, pero gusto niya daw mapag-isa! Nung uwian na, inayos ko lang yung gamit ko para sabay na kaming umuwi, nung tatawagin ko na siya, WALA NA!

I KISSED A.. GAY?! (TWO PARTS COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon