"Patutunguhan"
Kay rami na ng pagsubok na nilagpasan
Ngunit bakit unti-unti tayong nagbabago?
Kay haba na ng tinahak na daan
Saan na ba tayo tutungo?Tayo pa rin nga ba hanggang dulo?
O magkaiba na ang dulo na ating natatanaw?
Gaano na ba katagal ang biyaheng magkasama tayo?
Bakit parehas na ata tayong naliligaw?Saan nga ba ang simula ng daang ito?
Tama, nagsimula ito sa pagpaplano nating dalawa
Mga planong isinumpa nating tatandaan huwag lang tayong magkalayo
Pero nauwi lang din sa isang lumuluhang nagmamahal pagkatapos tumawaAno nga bang sumunod na hakbang na sabay nating pinagsamahan?
Ang pagpili ng destinasyon, na kapwa nating batid na walang kasiguraduhan
Pero nangakong patuloy na maglalakbay malayo man ang daan
Kagaya ng isang nasirang kasunduan, pareho tayong bigo na ituloy ang naging sumpaanNgunit mas pinili nating magpatuloy
Magpatuloy sa isang lugar na hindi na natin alam ang labasan
Napaisip na tayo parehas, bakit tayo tumuloy?
Nagtalo hanggang makarating sa kawalan nang nag-iisaNasaan na tayo? Nasaan ka na? Nasaan na ako?
Bakit natin hinayaang magkalayo ang isa't isa?
Bakit hindi tayo lumaban? Bakit mas pinili nating sumuko?
Bakit mas pinili nating bitawan ang kamay ng isa't isa?Dito na nga ba tayo hihinto?
Dito na ba tayo maghihiwalay ng landas?
Hindi pa ba tayo natuto?
Natuto sa mga pagkakamali? Magtatakda pa rin ba tayo ng wakas?Isa lang ang alam ko, nasa atin dalawa ang desisyon
Kung mas pipiliin nating tahakin ang magkaibang daan
O kung mas pipiliin nating tumuloy sa napag-usapang destinasyon
Sa magkaibang daan, handa na ba tayong talikuran ang nakaraan?Sa pagtuloy natin, magiging matatag na ba tayo?
Ang mga bagong pagsubok, kaya na ba natin itong lagpasan?
Hawak kamay na ba tayo at gagawin ang lahat nang hindi tayo magkalayo?
Natatanaw ko na ang dulo, ang dulo na kung saan tiyak kong tayo ang magpapasya kung may patutunguhan© To the media picture
BINABASA MO ANG
Piyesa
PoetryGrabe pala pag once na nagmahal na tayo, noh? Dumadating sa point na nagiging makata na tayo na nakakapagsulat na tayo ng tula o kwento para sa taong yon at dahil sa taong yon. Para sakin kasi, dun ko lang nasasabi yung mga gusto kong sabihin sa kan...