Joke Ni Crush (Chapter 2)

107 7 6
                                    

Chapter 2:

Maaga akong nagising. Wala lang. Hindi kase ako nakatulog kagabi. Iniisip ko pa rin 'yung joke ni Lester. Sana totoo nalang yun no? Siguro masaya pa 'ko .__.

Kaya lang, hindi eh.

Naligo na ko at kumain ng almusal. Umalis ako ng bahay at nagstay muna sa park. Wala pa naman eh. 7:30 am pa lang.

Sabi ni Lester 8:00 eh. May 30 minutes pa.

Hay! Parang ayaw ko ng mag perform kasama siya. Baka, masaktan lang ako. tsk.

Umupo na lang ako sa swing at nakinig ng music. At pansit naman oh! Saktong Fallin' For You pa ni Colbie Caillat ang nag-play.

Grabe, parang any minute by now, tutulo ang luha ko. Sheeeez! I'm so pathetic. Iniiyakan ko ang crush ko, I mean ang mahal ko.

Plus! Ang lungkot lungkot ko. Birthday ko pala ngayon! Ngayon ko lang naalala.  16 na 'ko. Sweet 16 pa -___- Grabe, ganito pala ang epekto ng sinabi niya?

Pati pinaka-importanteng araw sa buhay ko nakalimutan ko na.

Hayy! Bahala na nga!

"Aish! Focus Nicole okay? Magpeperform ka mamaya! tandaan mo 'yan."

Parang baliw na siguro ako dahil kinakausap ko ang sarili ko. Kase naman, baka mamaya sa stage mapahiya ako. Dapat focus lang-.-

Huwag ko nalang intindihin ang sinabi ni Lester.

Lumakad na ko, papuntang school. Quarter to 8 na rin kase eh. Ayaw kong ma late no. Sabi ji Lester 8:00 daw eh. Edi 8:00.

__

Nakarating na ko sa school grounds, pero wlang tao? Ah, baka nandun na sa gymnasium diba? Malay ko  ba?

Naglakad-lakad na lang ako. Ang hangin pala dito. Nililipad yung buhok ko. Hay! Parang gusto kong mag-senti XD

Habang naglalakad ako, biglang tumunog ang speakers sa school grounds.

At O____O Fallin' For You pa talaga ang music ha? You kidding me? Nang-iinis lang ang peg? -.-

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng may ang text sakin.

From: Bff Janna:'>

HEYYOW BES! PUNTA KANG MUSIC ROOM:") BILISAN MO HA? HUWAG NG MAGTANONG :*

Ha? Sa music room? Ano namang gagawin ko dun?

Tumakbo ako papuntang music room. Pero, wala namang tao dun ah? Lokohan lang fre? -___-

Nababadtrip nako ah.

Pero may nakita akong unusual dun sa music room. Mayroon dung tape. At may nakasulat na Mahal Kita. Atsaka, may isang rose sa tabi nun.

Muling may nag-text sakin.

From: Bff Janna :">

Hey bes! May nakita ka bang tape diyan? Para sa'yo yan! Atska yung rose din. hihi:') Punta kang AVR. Pa play mo yang tape. Nuod ka ah?

Seriously? Anong pakulo to aber? Naguguluhan na ko dito. I need an acceptable reasons-.-

Sabi ko nga boring-___-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Joke Ni Crush (Chapter 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon