(Sorry sa type errors)
Continue.....
Third person POV
Pagka labas ni Martha sa kanilang bahay ay patuloy parin sya sa pag iyak.. Namalayan nalang niyang papunta sya sa balon at para syang sinaksak ng kutsilyo sa nakita! Si Angela, ay kaharap ngayon ang kanyang ama at inaabutan ng malaking kutsilyo.. Dahan dahan inabot ni Delmar ang kutsilyo.. May sinasabi si angela Kay Delmar ngunit di iyon maintindihan ni Martha dahil may kalayuan ang kinaroroonan nya sa balon kung saan nakatongtong ang kanyang mag ama!Nanlaki ang Mata ni Martha sa sunod na ginawa ng kanyang asawa!
"HINDIIIIII!!!!!" Sigaw nya ngunit huli na ang lahat! Itinurok mismo ni Delmar ang kutsilyo sa kanyang lalamunan at agad bumulusok ang napakaraming dugo. kasabay ng pag patak ng kanyang dugo ang sya ring pagkahulog nya sa ilalim ng balon!..
Mabilis na nawala ang batang babae. Kayat dagling tumakbo si Martha sa balon. Dinig na dinig ni Martha ang pag bagsak ng kanyang asawa sa tubig ng balon.. Mas lalong humagulhol sa iyak si Martha... Nang marinig rin nya ang iyak ng kanyang anak na si Angela mula sa kanyang likuran.. Dahan dahang lumingon si Martha sa kanyang likuran pero laking gulat nya na buhay Ito at wala manlang galos. Malayong malayo sa nakaharap nya sa kwarto ng bata. Maayos na maayos tignan ang kanyang anak.. Napangiti ito ng mapait at niyakap ang kanyang anak.. Sa gabing iyon ay wala na ang kanyang asawa wala nang ama ang kanyang princessa kasabay nito ang pag buhos ng malakas na ulan.
Nasaksihan ni Angela ang pagkamatay ng kanyang ama. Nasaksihan niya kung paano pinatay ng kanyang kaibigan na si AMANDA ang kanyang ama!
Kinaumagahan ay maraming mga pulis at ibang tao ang nagkalat sa bahay nila Angela kalat na kalat sa kanilang baryo ang pagkamatay ng kanyang ama kahit mag kakalayo ang mga bahay.. Hindi makausap ng maayos ng mga pulis si Martha laging tulala at biglang sisigaw at iiyak.. Sa sobrang trauma ang nararamdaman nya ay parang nasiraan na Ito ng bait. Samantala si Angela ay patuloy sa pag iyak at laging binabanggit ang salitang PAPA... Sa ikalawang araw ay nakapag salita na si Angela at ikwento nya ang nangyari kahit hirap ang mga pulis sa pag iintindi dito.. Dahil Paulit ulit nyang sinasabing "Amanda.patay.papa" "Amanda.. Patay.. Papa..!" Tapos muli ay iiyak..
Isang linggo lang ay ibinurol narin si Delmar.. Puno ng iyakan at pagdadalamhati ang mga dumalo.. Isang linggo narin ang nakakalipas ng ipinasok sa mental hospital si Martha dahil tuluyan na Itong nabaliw.. Pag ka tapos ng burol ay lumuwas sila Angela kasama ang kanyang Lola sa maynila..
YOU ARE READING
SCARY TALES!
HorrorMahilig kaba sa kwentong katatakutan pwes basahin mo 'to! For anyone who likes a thrill. WARNING: DO NOT READ THESE IN BED AT NIGHT!